Chapter 19

1.6K 34 0
                                    

Sabado ngayon. Dahil wala akong trabaho pinagdiskatahan ko na lang ang maglinis ng buong bahay. Nakakapagtaka dahil hindi rin pumasok sa trabaho si Emmanuel. Ayaw nga niyang ma late tapos absent siya ngayon. Ang pagkaka-alam ko ang Shopping Mall lang ang hinahawakan niya at ‘yong DZM Corporation ay hindi pa niya iyon tinanggap ng tuluyan sa ama niya. Kaya si Sir David parin ang may ari  ng kompanya na iyon.

December 20. Apat na araw nalang at pasko na. Unang pasko na hindi buo ang aking pamilya. Unang pasko na hindi ko alam kung sino ang makakasama ko. Ayoko nang umasa na makasama ko si Emmanuel sa araw na iyon, masaktan lang ako kung paniwalain ko ang sarili ko na siya ang makasama ko sa araw na iyon.

Tapos ko ng linisin ang loob ng bahay. Tanghali na at kailangan ko pa magluto. Si Emmanuel nandoon sa kabilang kwarto busy sa maliit na office niya. Ewan ko kung ano ang ginagawa niya, kanina pa siya doon hanggang ngayon hindi parin lumalabas. Speaking of lumabas. Himala at lumabas siya sa kanyang lungga. Medyo magulo ang kanyang buhok at nakabusangot ang mukha pero ang gwapo parin. Ang unfair talaga.

“Huwag ka ng magluto.”

Nagtataka na tumingin ako sa kanya. Hindi ko naman siya pilitin na kumain ng niluto ko kung ayaw niya.

“Ngayon ang birthday ni dad. Maghanda ka na at aalis na tayo.”

“Ha? Ngayon? P-pero,” tinalikuran niya ako at pumasok ng kwarto namin.” Gutom na ako.” mahinang usal ko.

Kumuha ako ng dalawang slice ng loaf bread at pinalamanan iyon ng pennut butter at mabilis na kinain, na samid pa ako.  Pagpasok ko ng kwarto tapos na siyang maligo.

“Maligo lang ako. 5 minutes,” ani ko at tumakbo sa banyo.

Parang wala pang 5 minutes tapos na ako maligo. Habang bino-blower ko ang buhok ko nang halungkat ako ng pwede kong isuot. Si Emmanuel tapos na magbihis. Naka long sleeve siya na kulay black ,baston black pants at sapatos na itim. Parang hindi birthday ang pupuntahan kundi lamay. Ang mga polo niya puro puti at itim lang wala ng ibang kulay. Parang nagluluksa.

“Bilisan mo. Hintayin kita sa labas.”

Backless dress with slit ang damit na isinuot ko. Lagpas tuhod ang haba, mabuti nalang at maikli lang ang slit  hindi masilipan. Wala akong pormal dress dito dahil ayaw naman ako pa uwiin ni Emmanuel sa bahay ko mabuti nalang at nadala ko itong regalo ni Cath noong minsan na umuwi ako sa apartment ko.

Hinayaan ko lang na nakalugay ang hanggang baywang na buhok ko. Naglagay lang ako ng kaunting powder sa mukha at liptint sa labi ko. Batiin ko lang ang senyor tapos mauna akong uuwi mamaya, mahirap na baka may makakilala sa akin doon.

Panay ang hila ko sa damit ko pababa kasi umaangat kapag lumalakad ako. Sinuot ko ang sandal ko noong kasal namin at nagmadaling lumabas bitbit ang purse ko na cellphone at pera ang laman. Paglabas ko nakasandal si Emmanuel sa kanyang sasakyan, magkasalubong ang kilay at panay ang tingin sa kanyang relo.

Napatuwid siya ng tayo nang makita ako. Hindi nakaligtas sa aking paningin ang bahagyang pag-awang ng kanyang mapulang labi at pag alon ng kanyang lalamunan. Naiilang na naglakad ako palapit sa kanya. Inalis niya ang tingin sa akin at umiling na pumasok sa driver set.

Umismid ako, nakabusangot na pumasok sa loob ng sasakyan. Ungentelman. Hindi niya man lang ako pinagbuksan ng pinto. Hindi niya man lang pinuri ang ayos ko. Kung bagay ba ang suot ko sa birthday party ng ama niya. Baka naka pormal attire pala sila edi napahiya ako kasi pang bold star ang suot ko. Ang revealing ng likod.

“Pwede  ba bumuli muna ako ng regalo? Nakakahiya naman sa papa mo wala akong ibigay sa kanya,”ani ko.

“It’s okay. Hindi mahalaga ang regalo sa kanya basta nandoon lang ang presinsya mo ayos lang iyon sa kanya.”

My Ruthless Mafia Husband [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon