Chapter 20

1.8K 39 0
                                    

Parang wala lang sa kanya ang nangyari. Nandoon siya sa hall kasama ang kapwa niya mayaman, nag-uusap. Parang hindi niya ako kasama. Gusto kong sumigaw sa inis at galit. Wala man lang siyang pakialam  doon sa taong nambastos sa akin kahit alam niyang hinipuan ako.  Hinayaan niya lang ako. Walang awa. Walang konsensya.

Sa inis ko sa kanya hindi na ako bumalik sa loob. Hindi ko kayang bumalik doon dahil ipinamukha niya na hindi ako belong doon. Bahala na siyang magpaliwanag sa ama niya kung bakit wala ako doon at hindi niya ako kasama.

Umuwi ako sa apartment ko dahil hindi ko kayang makasama at makita si Emmanuel. Galit ako sa kanya. Kailangan kong umiwas baka may hindi maganda akong masabi  kapag nagkaharap kami. Kailangan ko magpalipas ng oras,mawala itong inis ko sa kanya.

Nilibot ko ang aking paningin sa maliit kong bahay. Na miss ko ang tirahan ko kahit mag isa ako dito payapa naman ang buhay ko. Wala akong ibang iniisip kundi ang sarili ko lang at ang pag papantasya kay Emmanuel. Na miss ko ang gawain na ‘yon. 'Yong tipong hindi buo ang araw ko kapag hindi ko nakita ang mukha niya sa magazine.

Kaya ganoon nalang ang saya na naramdaman ko noong nag cross ang landas naming dalawa sa Shopping Mall niya. Pero ang saya na iyon napalitan ng lungkot, takot at sakit nang ikasal kaming dalawa. Pangyayari na hindi ko inaasahan. Pangyayari na nagpabago sa buhay ko.

Akala ko kapag naging kami iyon na ang pinakamasuwerte na mangyari sa buhay ko pero hindi pala. Nakakalungkot man isipin pero kailangan kong tanggapin ang sitwasyon ko sa poder niya. Hangga’t kaya ko. Hangga’t hindi niya ako ipagtabuyan mananatili ako.

Humiga ako sa kama ko na ilang linggo ko nang hindi nakasama at niyakap ang unan ko na laging saksi sa mga luha ko tuwing iiyak ako. Namutawi ang munting hikbi ko sa loob ng aking silid. Ang kwarto ko na saksi sa lahat hirap at sakit na pinagdadaanan ko. Saksi na malungkot at mag-isa ako sa buhay.

Nakatulugan ko ang pag-iyak. Paggising ko hating-gabi na. Tiningnan ko ang cellphone ko kung may mensahe ba galing kay Emmanuel, napabuntong-hininga ako ng wala manlang kahit isa. Humiga ako ulit yakap ang unan ko. Inaatake na naman ako ng anxiety ko. Hanggang mag ugama dilat ang mata ko at walang tigil sa pagtulo ng luha sa aking mata.

Apat na araw akong hindi umuwi sa bahay. Wala parin  akong text na natanggap galing kay Emmannuel. Sa apat na araw na pananatili ko wala akong ginawa kundi ang umiyak at indahin ang pananakit ng sikmura ko. Ang taas rin ng lagnat ko. Hindi ko magawang tumayo, kahit magbihis ng damit. Iyong damit parin noong birthday ni sir David ang suot ko hanggang ngayon wala akong pakialam sa kalagayan ko, pinilit ko lang ang sarili ko na kumain dahil lalong sumasakit ang sikmura ko at nahihilo ako.

Nanghihina na dinampot ko ang celphone ng tumunog iyon. Nagdalawang-isip pa ako kung sagotin ko iyon nang makita na si Cath ang caller. Pero baka magtaka iyon kung bakit hindi ko sinagot, mag-alala na naman siya.

“Merry Christmas, Debbie.”

Iyon kaagad ang narinig ko pagkasagot ko ng tawag niya.

“Bukas pa,”natatawa na sagot. ”Advance ka.”

“24 na kaya ngayon.”

Maliit akong ngumiti, kapag ganyan ang tono ng pananalita niya panigurado nakabusangot na siya.

“Merry Christmas din, Cath. I miss you.”

Mariin akong napalunok pinipigilan na hindi mabasag ang boses ko.

“I miss you, too. Huwag kang mag-alala uuwi ako sa birthday mo. Ipagpaalam kita sa asawa mo na mag trip to Pariz tayo.”

“Gaga. Inunahan mo pa talaga ako na pumunta d’yan kaysa sa prize ko to Pariz,” natatawa na saad ko.

My Ruthless Mafia Husband [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon