Pinilit kong lumakad papuntang kama at inabot ang damit ko upang ipunas sa tamod niyang nasa likod ko. Ang dugyot talaga. Hindi na ako nag abala pang magbihis dahil sa panghihina. Wala man lang ‘thank you’ ‘salamat at ikaw ang kasama ko magpaputok’ ‘happy new year’. Sa tuwing gagalawin niya ako parang nakatahi ang bunganga niya, wala man lang imik kahit ‘oh’ at ‘ah’.
Ang tagal niya sa banyo kaya hinayaan ko nalang ang sarili ko na makatulog kahit ang lagkit sa pagitan ng dalawang hita ko. Binalot ko ng kumot ang katawan ko upang hindi lamigin. Bahala siya kung titigasan siyang muli basta ako wala na akong lakas para sa second round.
Napabalikwas ako sa pagbangon nang makita ang dalawang kahon na kulay pula sa ibabaw ng kama pagkamulat ko. Bigla akong namutla nang maalala ang kahon na natanggap ko kagabi. Kanino na naman ito galing? Ang aga naman niyang manakot.
Umangat ang tingin ko sa pinto ng banyo nang bumukas iyon at lumabas doon si Emmanuel, bagong ligo, walang kahit na anong saplot sa katawan. Tumutulo pa ang butil ng tubig mula sa kanyang buhok patungo sa kanyang malapad na dibdib, napalunok ako ng bumaba ang tingin ko sa kanyang matigas na tiyan.
“Regalo ‘yan ni dad sayo. Inabot niya kanina dito kaso tulog ka pa.”
Kaswal na saad niya. Nahihiya na umiwas ako ng tingin at itinuon iyon sa dalawang kahon. Nakahinga ako ng maluwag na galing iyon kay Sir David. Akala ko may nagpadala na naman ng. .Ipiniling ko ang aking ulo. Ayoko nang alalahanin iyon.
“Sana ginising mo ako para makapagpasalamat ako sa kanya,” ani ko at binalot ng kumot ang hubad kong katawan ng makaramdam ng ginaw.
“Umalis rin siya kaagad. Inabot niya lang iyan at ang mga pagkain.”
Biglang kumulo ang tiyan ko pagkarinig ko ng pagkain. Anong oras na ba? Tiningnan ko ang orasan sa ibabaw ng mesa, kaya pala dahil tanghali na. Namula ang pisngi ko na inalis ang tingin doon nang maalala ang nangyari kagabi.
“Aalis ka?”
Tanong ko ng makita ko siyang bihis na bihis. As always, parang sa lamay ang punta niya. Purong itim na long sleeve at fitted jeans ang suot niya. Itim na sapatos. Itim na relo at bag.
“Mmm.”
Tipid na sagot niya, hindi nakatingin sa akin. Napanguso ako.
“Okay. Ingat.”
Gusto ko sana itanong kung saan ang punta niya pero itinikom ko na lang ang aking bibig. Baka sabihin niya ‘mamatay ang magtanong’ at saka baka sa trabaho, bukas parin siguro ang shopping mall niya kahit New year.
Lumabas siya ng silid ng hindi nagpaalam kaya patakbo akong sumunod sa kanya, nakabalot parin ng kumot ang hubad kong katawan.
“Teka, Manuel,” tawag ko dito.
Salubong ang kanyang kilay nang lumingon ito sa akin.
“Pwede bang mag damit ka muna bago lumabas?” iritableng saad niya.
Hinigpitan ko ang kapit sa kumot upang masiguro na hindi malaglag. Hindi naman ako lalabas ng bahay.
“Sorry. Ano. .mag paalam lang ako sayo na pupunta ako mamaya sa kaibigan ko.”
“Ikaw ang bahala.”
Walang gana niyang tugon bago tuluyang lumabas ng bahay. Bumalik ako sa kwarto ng makaalis na ang kanyang sasakyan. Mabilis akong naligo at nagbihis. Biglang nanumbalik ang kaba at takot sa puso ko sa regalong natanggap ko kagabi. Binalot ko ang lahat ng pagkain na nasa loob ng ref at isinilid sa malaking paper bag na dala ko. Bago ako umalis ng bahay kinuha ko muna ang maliit na box na bigay ni Sir David gusto kong makita kung ano ang laman niyon.
BINABASA MO ANG
My Ruthless Mafia Husband [COMPLETED]
Fiction généraleR-18. Not suitable for young readers. Debbie Mae Layson, ang babaeng naghahangad na mapansin at makita ng lalaking pinagpantasyahan niya sa magazine; si Emmanuel Montefalco. Ngunit sa hindi inaasahan, dahil sa dare ng kanyang kaibigan na akitin...