Chapter 22

1.7K 40 2
                                    

Ang pag uwi ko sana sa bahay ng maaga ay naudlot nang aksidenteng nagkita  kami ni Alfred dito sa village. Dinala niya ako sa Lomi House kung saan madalas naming puntahan dati. Nag order siya ng dalawang special Lomi para sa aming dalawa. Hindi ko maiwasang mairita sa mukha niya na ang laki ng ngiti habang nakatitig sa akin.

“Nag do-droga ka ba?”

Agad niyang tinakpan ang bunganga ko at lumingon sa paligid kung may nakarinig ba ng sinabi ko. Nang masiguro na wala tinanggal  niya ang kamay niyang nasa bibig ko.

“Bunganga mo,” asik niya. ”Baka sabihin ng makarinig totoo.”

“Bakit ka ba  kasi ngiti ng ngiti d’yan? Daig mo pa ang baliw doon sa plasa kung maka ngiti labas pati gilagid,” mataray na  tugon ko.

“Ang sakit mo naman magsalita,” aniya sa malungkot na tono. ”Ngayon nga lang ulit tayo nagkita tapos ganyan ka pa. May iba ka na bang mahal? Hindi na ba ako ang laman ng puso mo?”

Pag da-drama niya. Lalo akong nainis dahil para siyang bata, nakanguso pa.

“Kahit kailan hindi ikaw naging laman ng puso ko ang laki mo kayang tao,” naka ngiwi na saad ko. ”Oo may mahal na akong iba-ano ba ang dugyot mo!”

Hiyaw ko ng tumalsik sa aking mukha ang ibang pancit na naibuga niya.

“Kadiri ka,” nang gigil na sambit ko.

“Seryoso ka? Sino?”  hindi makapaniwala na tanong niya.

Pinunasan ko ang mukha ko at itinabi ang Lomi na kinakain ko dahil pati iyon natalsikan niya.

“Ayoko sabihin sayo. Teka nga, bakit nandoon ka sa village? Sino pinunta mo doon?” balik tanong ko sa kanya.

“Doon ka ba nakatira ngayon?” tanong niya rin pabalik na nagpa-init sa ulo ko. ”Pumunta ako sa apartment mo walang tao doon at sabi nang kapit-bahay mo matagal ka na raw hindi umuuwi doon.”

I cross my arms at tiningnan siya ng masama. “Ayoko sabihin sayo, baka isumbong mo naman ‘yan sa tatay ko.”

“Oy! Hindi ako ganyan ha!” depensa niya.

“Talaga ba?” I mocked him. "Kasi sa pagkaalala ko, sinumbog mo ako sa kanya na may boyfriend ako a year ago kaya ang magaling kung tatay pina-arrange marriage agad ako sayo.”

Naging maamong tupa siya at naglalambing na tumingin sa akin. Tinasaan ko siya ng kilay nang hindi siya sumagot.

“Sorry na,” malambing sa wika niya. ”Alam mo naman-,”

“Tigilan mo ako Alfred ha,” pagbabanta ko sa kanya.Tumawa lang ang gago. ”Nagkita parin ba kayo ng tatay ko?”

Umiling siya. ”Simula noong umalis ka ng Padada hindi ko na nakita ang tatay mo. Hinahanap ko nga siya, sabihin ko sana sa kanya ng personal na mayroon ng asawa ang only daugther niya.”

Nanlaki ang mata ko na tumingin sa kanya. Naka awang ang aking labi sa gulat. Bakit alam niya na kasal na ako?

“P-paano. .p-paano mo nalaman?”

“Syempre ako pa,” pagmamayabang niya. ”Alfred Sandiego ‘to, oy! Ang fiance mo.”

“Ano ba! Tumigil ka nga!” inis na singhal ko.

“Ang sakit. Ako ang fiance mo tapos iba ang pinakasalan mo.”

“Tumigil ka!”

“Hindi pa nga tayo nakapagplano ng kasal tapo-,”

“Isa,” pagbabanta ko.

Humalumbaba siya at malungkot na tumingin sa akin.

“Anong feeling na ikinasal ka sa isang lalaki na matagal mo ng pinagpapantasyahan? Ang bongga mo ‘day, pinakasalan ka ng  isang Emmanuel Montefalco.”

My Ruthless Mafia Husband [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon