Chapter 23

1.7K 35 1
                                    

Mahirap magmahal sa taong hindi ka naman  mahal ngunit mas mahirap ang magmahal sa taong iba ang minamahal.

Sa istado ko, hindi na ako aasa na mahalin rin ako ng asawa ko tulad ng kung paano ko siya minahal. May girlfriend siya at mahal niya. Hindi rin maturuan ang puso niya na ako ang pipiliin niyang mahalin kahit  ilang taon pa kaming magsama dalawa. Tanggap ko na ang katotohanan na iyon pero may parte parin sa puso ko na sana balang araw magbago iyon.

Bilang asawa ginampanan ko ang papel ko sa buhay niya, dito sa loob ng aming pamamahay. Pero kapag nasa public kami, isa lang akong ordinaryong babae at walang papel sa buhay niya. Walang karapatan.Hindi kilala ang isa’t isa. Dahil sa mundong ginagalawan niya si Babylen ang girlfriend niya. .ang babaeng mahal niya.

“Kinikilig talaga ako sa kanila.”

“Ang cute ni sir magsungit kapag nandito si, ma’am Babylen.”

“Bagay na bagay talaga sila.”

“Nagtatalo yata sila.”

Mga bulong-bulongan ng sales lady  na narinig ko dito sa school supply area sa third floor. Sinundan ko ng tingin ang pinagmamasdan nila kanina pa. Nanigas ako sa aking kinatayuan. Napahawak ako sa estante sa tabi ko nang biglang nanghina nag tuhod ko sa nasaksihan ko.

Isang babae, maganda, naka postora ng pang mayaman at parang bata na nagsusumamo sa kausap niyang lalaki na nakasalubong ang kilay sa inis. May sinabi ang lalaki na nagpakalma sa kanya at bigla itong niyakap. Nanikip ang dibdib ko at ramdam kong namasa ang dalawang mata ko nang gumanti ng yakap ang lalaki sa kanya at hinalikan ito sa noo.

Bago pa ako malunod sa sarili kong luha tumalikod na ako at pumunta sa counter para bayaran ang pinamili ko. Kung ganon, Babylen pala ang pangalan ng girlfriend niya.

“Sige na, please.”

“No. Hindi puwede.”

Dinaga ang puso ko nang marinig ko ang kalmadong boses niya sa likuran ko kasama ang girlfriend niya at mukhang may pinagtatalunan na naman. Nanginginig ang buong kalamnan ko. Kinakabahan ako sa hindi malamang dahilan. .at nasasaktan ako.

Gusto kong singhalan ang cashier na bilisan niya ang kanyang galaw para makabayad na ako at nang maka alis dito dahil baka hindi ko mapigilan ang damdamin ko iiyak ako dito.

"Ma'am Debbie-,"

Pinandilatan ko ng mata si Bethany nang tawagin niya ako nang makalapit siya sa counter. Mariin akong pumikit at sininyasan siyang tumahimik. Na-gets rin niya agad ng makita kung sino ang nasa likuran ko.

"Good afternoon ma'am, sir Emmanuel."

Bati niya rito. Wala akong narinig na sagot mula sa likuran ko. Gusto ko man silang lingonin upang alamin ang ginagawa nila pero pinigilan ko ang sarili ko. Hanggat maari ayoko magkaharap kaming tatlo.

Pagkatapos kung magbayad dinampot ko agad ang pinamili ko at nagmadaling umalis. Halos takbuhin ko na ang escalator para makababa agad. Hindi ako lumingon aa pinanggalingan ko ayoko makita ang reaksyon ni Emmanuel na nandito ako.

Sa second sa food court ako dumiritso pagkababa ko ng third floor. Ginutom ako sa sari-saring emosyon na naramdaman ko doon sa itaas. Natigil ako sa paghakbang ng makita ang isang pamilyar na tao, nang masiguro na siya nga ito nilapitan ko siya.

Kinalabit ko siya. “Dito ka pala nagtatrabaho,” ani ko.

“Shuta ka! Maging multo talaga ako sa ginawa mo.”

Napahagikhik ako ng makita ang reaksyon niya. Nakahawak ang kanyang dalawang kamay sa dibdib, nanlaki ang mata na nakatingin sa akin.

“Mabuti nalang wala akong sakit sa puso,” aniya. ”Anong ginagawa mo dito?”

My Ruthless Mafia Husband [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon