Chapter 24

1.7K 35 0
                                    

Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Alas kwatro palang ng hapon hindi pa nakauwi si Cecelia. Wala rin ang dalawa kong kaibigan upang mapuntahan ko. Hindi ko akalain na mapa aga ang uwi ni Emmanuel at sundan siya ng girlfriend niya dito.

Inamin na niya kaya sa girlfriend niya ang istado naming dalawa?Iyon ba ang pinagmulan ng pagtatalo nila? Ano kaya ang sinabi ng girlfriend niya? Ayos lang ba iyon sa kanya? May kasunduan ba sila?May mga bawal ba siya? Gusto ko malaman lahat pero naduduwag ako. .natatakot na marinig ang lahat ng sagot. Nalilito na ako sa sarili ko.

Sa paglalakad ko hindi ko namalayan nakarating na ako sa Sun D’ Go Eco Park, pagmamay-ari ng mga Sandiego. Isa ito sa mamanahin ni Alfred balang araw kapag may asawa na siya. Ngunit sa pagkaalam ko siya na ang nagpapatakbo ng Eco park na’to.

Masaya ako dahil dito ako dinala ng mga paa ko sa paglalakad sa lugar kung saan payapa ako. Umupo ako sa lilim ng punong akasya, ang tambayan namin ni Alfred dito. Naka puwesto ito sa may mataas na bahagi at kita ang malawak na fish pond sa ibaba. May mga itik rin na lumalangoy doon. May ilang mga pamilya na namamasyal. Mag jowa. Magkaibigan.

Hinayaan kung tangayin ng hangin ang buhok ko. Ang pagtulo ng luha ko at mahinang hikbi na sumasabay sa hampas ng hangin. Ang bigat ng loob ko. Naninikip ang dibdib ko sa sari-saring emosyon na naramdaman ko.

Sa pangungulila ko sa aking pamilya. Sa sakit dahil sa pagkawala ni mama at sa sitwasyon ko ngayon na subrang hirap para sa akin. Alam ko wala akong karapatan kasi ako naman ang may kasalanan pero hindi ko mapigilan ang masaktan. Mahal ko siya at iyon ang masakit dahil nagmahal ako ng isang tao na may iba ng mahal at ang masaklap kasal pa kaming dalawa because of that bullshit game.

Pagod na ako. At this point I just want to hug someone and tell them how tired and drained  I am. I need someone to lean on. Someone na hindi mapapagod makinig sa madrama na kwento ko. Someone na tatanggapin ako bilang ako sa kabila ng mga nangyari sa buhay ko.

“Mea.”

Nilingon ko ang pinanggalingan ng boses. Nakita ko si Alfred naglalakad palapit sa akin, bakas sa mukha ang pag-alala. Hinayaan ko siyang maka upo sa tabi ko. Walang salita na kinabig niya ako at niyakap. Doon hindi ko na napigilan ang paghagulgol. Yakap niya ako. Parang bata na umiiyak, nakakulong sa kanyang bisig.

I felt warmth, peace and relief. Sa ganitong sitwasyon si Alfred lagi ang dumadamay sa akin. Siya ang nandiyan para patahanin ako. Pinaparamdam niya sa akin na hindi ako nag–iisa at lagi siyang nariyan sa tuwing kailangan ko siya.

Marahan niyang hinahaplos ang likod ko pinapatahan ako. Hindi na ako umiiyak pero nakayakap parin ako sa kanya. Iniyak ko na ang lahat ng hinanakit ko pati ang sama ng loob ko iniyak ko na at wala akong itinira at sana wala na itong lahat pagkatapos dahil nakakapagod na.

“Kiligin na ba ako?” he said out of nower.

Napahiyaw siya ng hampasin ko siya sa kanyang tiyan at kumawala ng yakap sa kanya. Pinunasan ko ang mukha ko at inayos ang buhok ko. Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong hininga  at niligon siya.

“Ang ganda mo parin kahit uhugin ka.”

“Huwag mo akong inisin sapakin kita,” banta ko.

Tumawa siya ang ginulo ang buhok ko. ”Lagi nalang ako naging knight in shinning armor mo. Pakasal na kaya tayo,” saad niya sa nagbibiro na tono.

“Mahal mo ba ako?”seryosong tanong ko. ”As a lover not a friend?”

Seryoso ang kanyang mukha na tumingin sa akin. Kinabahan ako sa klase ng titig niya. Aware naman ako na gusto niya ako pero matagal na iyon at may usapan kami, alam niya iyon. Umiwas siya ng tingin, panay ang buntong hininga.

My Ruthless Mafia Husband [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon