Ang pagkita namin ni Alfred ay nasundan pa ng ilang beses. Lagi kaming nagtatagpo sa unang kanto paliko sa amin sa tuwing uuwi ako galing sa bahay ni Cecelia. Minsan nagugulat nalang ako naroon na nakaparada ang sasakyan niya at siya prenting naka sandal sa hood ng kotse niya pero ngayon hindi kami doon nagkita dalawa.
“Ang buong akala ko, ako ang sadya mo kaya ka pabalik-balik dito pero hindi pala,” sarkastikong sambit ko ng makita ng dalawang mata ko ang dalawang nilalang na naglalampungan.
Mabilis na humiwalay silang dalawa at gulat na humarap sa akin.
“Mea.”
“Debbie.”
Magkasabay na bigkas nila. Walang mahagilap na sasabihin si Cecelia, nakatayo siya sa isang tabi malayo kay Alfred at hindi mapakali. Si Alfred naman namamawis ang noo sa nerbiyos nang makita ang seryoso at suplada kong mukha. Nilagay ko sa lamesa ang dala kong pagkain at nakapameywang na humarap sa kanilang dalawa.
“Kung hindi ko pa kayo nahuli sa akto hindi niyo sasabihin sa akin ang tungkol sa inyong dalawa? At ikaw,” tinuro ko si Alfred. ”Walang hiya ka, nilalandi mo na pala kaibigan ko tapos hindi mo sinabi sa akin.”
“Oy! Teka,” awat niya agad ng akma ko siyang sugurin ng suntok. ”Hindi ko alam na magkaibigan kayo, ngayon lang.”
“Hindi kasi kayo mapang-abot dalawa,” wika ni Cecelia.
Pinag-cross ko ang braso ko at nakataas ang aking kilay na tumingin sa kanilang dalawa.
“So? Kailan pa kayong dalawa? Siya ‘yong tinutukoy mo na mahal mo?” tukoy ko kay Alfred.
Parang aso naman siyang dahan-dahan na tumango.
“Isang buwan na,” si Alfred ang sumagot. ”Pero matagal ko na siyang nililigawan.”
“Congrats brad naka move on ka na nga talaga sa akin.”
Bigla siyang namutla, nilingon niya si Cecelia na naka awang ang bibig dahil sa sinabi ko. Umatras ako at umupo sa upuan paharap sa kanilang dalawa na may nakakalukong ngiti sa labi. World war 3 na ba? Order na ba ako ng popcorn?
Hinawakan niya ang kamay ni Cecelia, nagmaka-awa na tumingin dahil hindi maipinta ang mukha ng girlfriend niya.
“Patay na patay sa akin ‘yan. Hindi ba niya sinabi sayo na may fiance siya?”
Singit ko sa kanila.Lalong namumutla si Alfred hindi alam kung ano ang sasabihin sa girlfirend niyang nagpupuyos ng galit.
“At ako ang babae na ‘yon. Fiance kami," dugtong ko pa.
“Debbie naman, e,”mangiyak-ngiyak na atungal ni Alfred. ”Ipaliwanag mo ng maayos.”
“Ha? Maayos naman ang sinabi ko ah,” pang asar ko pa.
“So, may fiance ka na pala.”
“Love, hindi-Debbie naman, e,” napasabunot siya sa kanyang buhok ng talikuran siya ni Cecelia at pumasok ito sa kwarto.
“Bakit? Masama bang sabihin ang totoo sa kaibigan ko?” maang-maangan na ani ko at nilakasan ko pa ang boses ko para marinig ni Cecelia sa kwarto.
Malaki ang hakbang na naglakad siya sa harap ng kwarto at kinatok iyon.
“Love, open the door, please. I will explain. Please love.”
“Love, please.”
Pero hindi siya sinagot ni Cecelia hindi rin pinagbuksan ng pinto. Sinandal niya ang kanyang ulo sa nakasaradong pintuan ang kaliwang kamay niya nakahawak sa door knob ang kanan naman ay panay ang katok.
BINABASA MO ANG
My Ruthless Mafia Husband [COMPLETED]
Algemene fictieR-18. Not suitable for young readers. Debbie Mae Layson, ang babaeng naghahangad na mapansin at makita ng lalaking pinagpantasyahan niya sa magazine; si Emmanuel Montefalco. Ngunit sa hindi inaasahan, dahil sa dare ng kanyang kaibigan na akitin...