JELYN POV
Tumitig ako sa exam paper namin. Last subject na namin to, SPFL, madali lang naman para sa akin. Parehas sila nung exam namin last week. "Diorsan, suugaku ga suki?" (Dior, do you like Math) bulong kong pagbasa. Tuloy tuloy lang ako ng pagsagot hanggang sa ako ay matapos.
"Exchange papers with your seatmate" saad ni Ma'am Hope. Ay kami pala ang magchechek. Binigay ko ang papel ko kay Gina at binigay nya sa akin ang kanya. Nagpalitan naman sila ng papel ni Maria.
"No. 1, B, boy" simula ni ma'am Hope. Tuloy tuloy ang pagsabi ng nang tamang sagot hanggang mapunta kami sa no. 20, "No. 20, D". D? Hindi ba dapat B?, Muzukashii (difficult), difficult yun diba hindi easy. Napalingon ako sa iba, mukhang napansin din nila pero tuloy na sinabi ng sagot sa next question. Natapos na kaming magcheck, at binilang ko ang tamang sagot ni Gina, wow, 31/35, sana all. Napatingin ako sa green plastic bag na nakatabi sa payong ko. Binigay na sa akin ni Maria ang papel. 31/35 uli ang score ko. Hayaan mo na at additional points lamang ito.
Pagkatapos namin maglinis, nakita ko sila Maria kasama ang ibang batch 1 pababa ng hagdan. Mukhang kakain na sila ng Ice cream. Napakapit ako sa green bag na dala ko. tinanong ko kanina si Maria kung nasaan ang faculty room ni sir. Sabi nya, sa grade 7 building, second floor. Nakatayo ako sa hallway papunta ng classroom. San dun?, Pupunta na sana ako nang makita ko Jenica. Kaklase ko din sya. Matalik na kaibigan sya ni Maria kaya siguro alam nya kung nasan ang faculty ni sir. Lumapit na ako sa kanya, mukhang may hinihintay sya.
Kinalabit ko sya kaya napalingon sya sa akin. "Jenica, alam mo ba kung saan ang faculty ni sir?" "Oo" sagot nya, buti na lang. "Pwedeng samahan mo ko?" tanong ko, "Ah, sige, tara" sinimulan nya nang maglakad. Sinundan ko sya habang hawak parin ang green bag. Lumiko kami pagpasok namin sa grade 7 building, ang daming tao, uwian na kase. Umakyat kami sa hagdan tabi ng faculty room. Pag-akyat namin tumingin ako sa kaliwa, nakita ko si sir kausap nya ung ibang students.
3rd Person's POV
Lumakad ang dalawang studyante patungo sa kinaroroonan ng kanilang guro. Napatingin si sir Kennedy sa kanila bago binalik ang tingin sa grade 8 na bumubili ng t-shirt. "Thank you, sir"mahinang saad nila bago umalis. Nung humarap na si Sir sa kanila ay nagsimulang kabahan si Jelyn, "enya diyay?" (anong kailangan nyo?) tanong nito. Tumingin si sir kay Jenica bago tumingin kay Jelyn. Tumingin uli sya kay Jenica bago tumingin kay Jelyn nang magsalita ito. "Pinapabigay po ng kaibigan ko na (tinaas na ni Jelyn ang kanyang nanginginig na kamay para iabot ang green bag)naging teacher daw po kayo ng elementary" saad nito. Tumingin si sir Kennedy kay Jenica nang naguguluhan bago kinuha ang regalo. "Bakit kayo tumitingin sakin sir, wala akong kinalaman dyan" isip ni Jenica. Napasilip si Kennedy sa loob ng green bag. "Kanino ito galing? hindi naman ako nagturo ng elementary" Napatingala si Kennedy kay Jelyn, "Anong pangalan nya?" tanong nito. Bigla namang kinabahan ng bigla si Jelyn at out of habit napahawak sya sa mask at pilit tinago ang kanyang mga mata sa kanyang bangs. "H-hindi ko po alam" utal nito. Mas lalo naman itong nabigla sa sagot ni Jelyn, napatingin uli si sir Kennedy kay Jenica na nakatingin kay Jelyn. "Panong hindi mo alam?", isip nito. Napatinngin naman si Jenica kay Kennedy at napansin nito ang curiosity sa kanyang mga mata. Habang nakatingin si Jenica kay Kennedy, nakatingin naman si Kennedy kay Jelyn. Nais pa rin nyang malaman kung kanino ito galing ngunit halata naman na hindi sasabihin ni Jelyn kung kanino ito galing.
"Thank you" maikling sambit nito. Napatango si Jelyn saka sya nagsimulang umalis, "Bye sir" bati ni Jenica habang sinusundan si Jelyn. Bumaba na ang dalawa, "Alam mo ba kung nasaan sila Maria?" tanong ni Jelyn ngunit umiling naman si Jenica, "Asan na ba ang mga yon?" tanong nito sa isip nya. Nagsimula na silang hanapin sila Maria dahil nga meroon daw silang Ice Cream Part after Examination.Pumunta sila sa Covered court, sa classroom nila at kung saan saan pa.
Ngunit babalik tayo sa second floor ng grade 7 building. Binuksan ni sir ang green bag at dinamdam ang laman nito. "Mukhang payong itong isa, eh ano naman ito?" kinuha nya ito at binuksan at nagulat sya sa kanyang nakita. Isa itong relo. Ang galante naman nang nagregalo sa kanya kung sino man ito. BInalik nya ang kahon sa green na bag at ito ay kanyang nilapag sa sahig. Tinuloy na nya ang pagtatrabaho habang nakangiti.

BINABASA MO ANG
Eight Baboons
Short StoryAng mga short stories tungkol sa kaganapan sa loob ng seksyon na Eight Baboons. True to life story with a bit of imagination. Based on the information provided by Eight Baboons students. Hope you like it. Started October 28, 22 Plagiarism is a cri...