69.

26 0 0
                                    

Sunny

Today is Svea's and Tamara's Graduation day! Kaya naman sobrang hectic ngayon dahil ang daming ginagawa ng Mommy nila sakanila.

"Daddy can you please tell Mommy that my make-up is fine na?" Sumbong ni Svea sa akin dahil kanina pa sila inaayusan ng Mommy nila.

Habang ako naman binibihisan ang dalawang bata dahil isasama namin sila ngayon, walang mag babantay at sayang naman kung hindi nila makikita ang program diba?

Natawa nalang ako sa sinabi ni Svea kaya pati sa akin ay masama na rin ang tingin niya, si Tamara naman ay nag bibihis na sa kwarto dahil mas maaga siyang bumangon kanina, agad siyang naayusan ni Tanya.

"On the way na raw sila Lola and Lolo sa venue" sabi ko sa mga bata nung nabasa ko ang text ng mga magulang ko.

"Then tara na! Mommy I'm okay na" sabi ni Svea at doon a tumigil at natawa ang Mommy nila.

"Okay go upstairs na, pabihis kana kay yaya gold" utos ng Mommy niya kaya sinundan naman niya ito.

Binuhat ko na ulit si Lauren at nagpunta kaming garahe para sana tignan ang mga sasakyan, kung ano magugustuhan niya yun nalang ang dadalhin namin.

"Ikaw pumili nak" bulong ko at para kaming bata na tumakbo papunta sa mga sasakyan na nakikita niya.

Sakaniya rin naman mapupunta ang iba rito e, kaya kung ano ang gusto niya ngayon yun nalang gagamitin namin.

Napansin ko rin na masyado pala itong pahikan sa mga sasakyan, nagmana siya sakin.

Tinitignan ko lang siya habang tinitignan niya rin ang mga sasakyan sa harapan niya.

"This" sabi niya sa isang sasakyan, nakalabas naman kasi ang mga maayos namin na family car kaya yun nalang ang gagamitin namin. yung pinili niya.

"Tara na Daddy! Lauren!" Sigaw ni Tamara kaya sinakay ko na sa backseat si Lauren at sumakay na rin ako sa driver's seat.

Pinark ko nalang muna ang sasakyan sa labas at hinintay na makasakay ang lahat, inalalayan ko pa ang kambal dahil sa uniform nila, baka malukot kapag nakasakay na sila.

"Daddy masyado kang mabango!" puri ni Tamara habang inaamoy-amoy niya pa ang damit ko.

"Lagi naman mabango Daddy niyo" sabi bigla ni Tanya ng lumabas siya sa gate sabay kiss sa cheeks ko at sakay sa sasakyan.

Sumakay na rin ako at nag maneho na papuntang venue, sa school lang din naman gagawin ang program, doon sa malaki nilang auditorium.

"Are you guys excited?" tanong ko habang papunta kami.

"Yes!" maligalig na sagot ni Tamara sa akin, habang ang Svea ko naman ay nagiisip.

"Slight, kasi baka mabigatan kami sa mga medals" sabi niya habang tumingin pa sa taas at ngumiti.

"Ang yabang mo Svea!" sabi ni Tamara sa kaniya at parehas pa silang natawa.

Nagkukwentuhan lang kami habang papunta sa school, nandoon na rin naman ang parents namin ni Tanya.

Sabay na mabibigyan ng award ang kambal kaya mas lalo kaming natuwa, lahat ng ito at ng mga makukuha nila ay sariling sikap nila yon.

Bilib ako sa mga anak ko dahil sa murang edad, ang dami na nilang napatunayan in terms of academics sa amin ng Mommy nila.

Sila rin ang pinakabatang ga-graduate ng Grade school sa paaralan na ito, pati na rin sa buong bansa kaya naman hindi na rin kami magugulat kung may mga taga-media na naman ang nandoon at maingay na naman ang pangalan ng kambal.

stcl (priv story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon