"Ma, alis na po ako."
"Toodles" napahinto ako sa sinabi ni Mama. anu daw? toodles? san nya yan napulot?
dumeretso na lang ako palabas ng bahay. hay.
I checked my bag. wallet? check! mahirap na.
Kagaya kahapon, pumunta ako sa sakayan papuntang school at kung sineswerte ka nga naman, yung jeep na nasakyan ko kahapon eto na naman ngayon. At kay swerte ko nga talaga kasi natandaan pala ang mukha ko ni manong driver."Oy ineng, kung ikaw walang pamasahe, mabuti pa sa ibang jeep ka na lang sumakay. Ayoko ng malas." Ansama naman ni manong. To think, puno ng pasahero ang jeep niya so syempre pahiya ako. Yung tingin nila, mapanghusga! letse.
subalit, ngunit, datapwat, hindi ako nagpatalo. "Excuse me po Kuya ah, pero sa pagkakaalam ko, nakapagbayad ako kahapon hindi man exactly ako ang nagbayad but atleast nagbayad ako at FYI po kuya ah, may pamasahe po ako." kinuha ko yung wallet ko at kumuha ng isang daan (wala akong isang libo noh? haha). "Makiabot nga po, bayad ko." sabi ko sa katabi ko. Inabot naman niya sa katabi niya hanggang makarating ung 100 ko kay manong driver. Nung na kay manong driver na ung pera ko, sumigaw ako "Keep the change na Kuya. Baka malasin ka pa nyan." then bumaba na ako sa jeep.
Bwisit. Mabuti na lang nadala ko yung extra money ko. Syet. May utang pa ako kay Epal-na-pamilyar at kay Faye. Nubeyen. Puro utang. Dapat title na lang ng storyang 'to is UTANG. Badterp.
Dumating ako sa school ng late. Ano pa ba aasahan nyo? Eh nilayasan ko ung jeep na sasakyan ko sana tapos naghintay pa ako nung susunod na jeep eh yung nasakyan ko naman aba gahaman. hindi nakuntento hanggang di puno ung jeep kahit wala na ngang space pinagpipilitan pa din. Haizt. Ang buhay nga naman ng commuter, mahirap!
Vacant period na namin. Hindi ko na ikukwento nangyari sa class baka kasi sumakit pa ulo niyo eh ako nga sumakit ulo kakaintindi ng debit, credit at kupit na yan. Bakit kasi Accountancy kinuha kong course?! Anyway, vacant period na namin. At dahil vacant period na namin, ilang beses ko bang nasabi na vacant period na namin? peste. Anyway nga, yun.Vacant, nandito ulit ako sa likod ng building namin since walang masyadong tao dito. Karamihan kasi nasa student's lounge at canteen. Di pa ko close sa mga blockmates ko kaya dito muna ako. Nakita ko pala kanina si epal-na-pamilyar (natural eh classmate ko siya) pero di pa ako nakapagbayad. Sunud-sunod klase namin kanina kaya di ako nagkaroon ng chance para lumapit sa kanya. Si Val? busy magtext. -_- For sure si Faye ka-text nun.
Well, anong gagawin ko ngayon? Since I'm alone as of this moment, I'll just...sleep. Ano pa nga ba? Eto lang naman alam kong gawin lalo na sa mga panahong wala akong ginagawa.
.
.
.
Nagising ako sa tunog na aking alarm. (Himala!) but nasa pang-apat na snooze na siya nung nagising ako. haha. 20 minutes na lang natitira, may class na naman.
"Are you always that sleep deprived?" nagulat ako kung sino man ang nagsalita. Hinanap ko ang source, -_-, si Epal-na-pamilyar.
"Are you always that nosy?" I countered. Tiningnan niya lang ako ng masama.
"Why are you here?" tanong ko.
"Is this your property? Can't I wander myself here?" he countered. I rolled my eyes at him.
Kailan nga uli kami nag-usap na matino? haizt.
"Bahala ka nga." then I remember something. "By the way," kinuha ko yung pera ko sa wallet. "Eto nga pala bayad ko sa utang ko kahapon. I'm sorry naistorbo pa kita but Thank you." Inabot ko na sa kanya yung bayad ko pero alam nyo ginawa niya?Tiningnan lang niya.
"Uhm, aren't you gonna take it?" nakakangalay ah.
Inalis niya tingin niya sa pera and said, "NO."
Kumunot naman noo ko. Ano sinabi niya?
"Uh...Why?" ano problema nito? Siya na nga binabayaran siya pa may ayaw.
"I told you, I want you to pay exactly the same I lend you." that's what he said leaving me confused.
Actually kahapon pa ako confused sa sinabi niya. He wants me to pay exactly the same? Ano yun, yung perang inabot niya kay manong driver dapat pareho? As in yung pera mismo? Eh na kay manong driver na nga diba? Tapos yung cupcake na pinakain niya sa akin, parehong cupcake ang isasauli ko? Paano naman yun eh kinain ko na nga diba? Pinaglololoko ako ng lalaking yun. Pasalamat siya di ko pa rin maalala pangalan niya kundi nakuuuu! Isasampal ko sa kanya itong pambayad ko sana.
Tumayo na ako at hinabol ko siya. Pareho rin naman kami ng pupuntahan since 10 minutes na lang, may class na kami.
"Hoy. What do you mean by what you said?" I asked the time nakarating ako sa kanya.He stopped walking.
Buti na lang alert ako, muntik na akong bumangga sa kanya. He turned to face me.
"I repeat. I want you to pay exactly the same I lend you my money and my cupcake." Naguluhan pa rin ako sa sinabi niya.
"How..."He smirked.
"That's for you to find out, Eerie." How did he... I suddenly remember Faggot.
Argh. Gulo!
Bago pa man ako makapagsalita, nagsalita ulit si Epal-na-pamilyar. "By the way, I want you to pay your debt 'coz if not...I'll make your life a living hell." At mas lalong nawindang utak ko. Peste. Ano ba 'tong napasok ko?
Argh.