Chapter 26

1.7K 35 2
                                    

Umuwi ako sa apartment ko upang kunin ang mga importanteng gamit at dokumento ko doon. Bahala na kung magalit si Emmanuel may rason naman ako. Sinabi ko na rin sa kanya na wala na akong trabaho kahit wala siyang pakialam para alam niya kung bakit lagi akong narito sa bahay.

Kinuha ko ang lahat ng mga dokumento at isinilid iyon sa bag. Pati ang mga bagay na mahalaga sakin dinala ko na. Binilisan ko ang galaw ko dahil baka maabutan na naman ako ng tauhan ni papa at saka baka inaabangan ako ng taong gustong pumatay sa akin.

Bago ako umalis binuksan ko muna ang reserba kong cellphone kung may mensahe ba doon si papa nang makita na wala pinatay ko iyon ulit. Binuksan ko rin ang laptop at tiningnan kung may email ba doon. Ganoon nalang ang panginginig ang katawan ko at pakiramdam ko naparalisa ang buong katawan ko.

Nanginginig ang kamay ko. Walang tigil ang pag agos ng luha ko. Naninikip ang dibdib ko sa sakit at galit habang tinitingnan ang mga litrato kung saan kita doon kung paano pinatay ng aking ama ang aking ina. May hinala na ako noon na siya may gawa niyon pero hindi ako naniwala dahil wala namang ebidensiya at hindi ko rin makita sa kanya na guilty siya.

Hindi ko alam kung sino ang nag-send sa akin ng mga ito pero nagpapasalamat ako dahil nalaman ko na rin kung sino ang pumatay sa ina ko, isa nalang ang kulang ang mabigyan siya ng hustisya at kailangan kong maipalabas sa publiko ang aking ama.

Nahihirapan na akong huminga sa kakaiyak ko. Subrang sakit sa dibdib. Hindi  ko maintindihan kung bakit ito ginawa ng aking ama kung bakit brutal niyang pinatay si mama gayong kitang-kita ko naman kung gaano niya ka mahal si mama.

Napakurap ako ng ilang beses ng mabasa ang isang mensahe galing sa ibang sender. Kinusot ko pa ang mata ko baka mali ang pagkabasa ko pero hindi.

LAYUAN MO ANG IYONG AMA, IKAW ANG SUSUNOD NIYANG PAPATAYIN.

Para akong nabingi sa narinig ng buksan ko ang isang video na naka attached doon. Prenteng naka upo ang aking ama sa swivel chair may hawak na baso at pinaglaruan niya ang alak sa loob niyon.

“Kailangan ko ng makuha si Debbie, siya nalang ang problema ko. Sa kanya ibinigay ni Esmeralda ang lahat ng pera at ari-arian niya. At kapag nakuha ko na iyon malaya na akong mamuhay sa malayong lugar malayo sa mga taong gustong tumugis sa akin.”

Nanghihina na sinara ko ang laptop at ibinalik iyon sa ilalim ng lamesa. Gusto ko siyang tawagan, gusto ko magkita kaming dalawa, gusto ko siyang ipakulong pero paano kung totoo nga iyong sinabi sa email na papatayin rin niya ako? Paano ang hustisya na ninanais ko?

Nang makuha ko na lahat ng gamit na kailangan ko umalis na ako. Nagmadali akong lumabas sa apartment ko, pagkalabas ko napasigaw ako ng may malakas na sumabog at paglingon ko kung saan iyon banda natutop ko ang aking bibig at gulat na nakataw sa bahay kong tinutupok na ng apoy.

Tama nga siya gusto akong patayin ng aking ama. Kung ganon kaya pala gusto niya akong sumama sa kanya ay dahil sa kayamanan na iniwan ni mama. Tama lang pala ang desisyon ko na huwag sumama sa kanya may masamang balak pala siya. At ang pera na iniwan ni mama gagamitin ko iyon para makuha ang hustisya na nararapat sa kanya.

Luhaan. Nanghihina. Galit na nakatanaw ako sa apartment ko na nilamon na ng apoy. Nagkagulo ang mga tao sa paligid kung paano iyon patayin habang hindi pa dumadating ang bombero. Paano kung hindi ako nakalabas doon?Paano kung nanatili pa ako saglit doon? Siguro kasama na ako sa nasusunog ngayon doon.

“Sumakay ka.”

Isang pamilyar na boses ang nagpabalik sa aking katauhan. Boses na hindi ko inaasahan na marinig. Nilingon ko siya. Lulan sa kanyang BMW na sasakyan, nakaigting ang kanyang panga at madilim ang awra na nakatutuk sa bahay kong nilamon ng apoy. Muntik pa akong matumba ng humakbang ako dahil sa panghihina.

My Ruthless Mafia Husband [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon