Chapter 27

1.7K 34 0
                                    

Halos hindi na ako makahinga sa subrang paninikip ng dibdib ko sa pag-iyak. Bakit ako ang nagdudusa sa kasalanan ng ama ko? Bakit kailangan naming madamay ni mama dito? Anong kasalanan namin? At pati ang dalawang matalik kong kaibigan hindi ako kayang damayan. Lumayo sila sa akin sa takot na pati sila madamay.

Na udlot ang paghikbi ko nang makarinig ng katok sa pinto ng banyo. Binuksan ko ang shower at sinadyang ihulog ang shampoo. Ilang beses akong tumikhim para ibalik sa normal ang boses ko saka pinatay ang shower at gripo nang muli siyang kumatok doon.

“Banyo ‘yan  Debbie hindi iyan kuwarto baka natulog ka na d’yan.”

Taranta akong lumapit sa nakasaradong pintuan ng marinig ang eritableng boses niya.

“Sandali lang patapos na ako.”

Mabuti nalang at hindi nabasag ang boses ko. Huminga ako ng malamin upang pigilan ang muling pagtulo ng luha ko. I want to hug him. I Want him by my side, hugging and comforting me.

“Bilisan mo, kakain na.”

Utos niya at narinig ko ang yabag niya papalayo. I smiled bitterly. Heto na naman ang pagkukunwari niya. May mata na naman siguro na nakamasid sa kanya kaya caring siya ngayong araw. Pagkukunwari na lalong nagpalalim ng naramdaman ko sa kanya.

Mabilis akong naligo at hubo’t hubad na lumabas sa banyo dahil wala akong dala na tuwalya. Pagkatapos kong magbihis ay humiga ako sa kama kahit basa pa ang buhok, pakiramdam ko pagod na pagod ako.

I’m trying to hold back my tears. I felt empty. I felt alone when I lay in bed. Pinikit ko ang mata ko  panay ang pag igting ng panga ko para lang hindi mahulog ang luha ko sa mga mata kong walang pagod sa kakaiyak. Tumalukbong ako sa kumot nang bumukas ang pinto at pumasok si Emmanuel.

“Hindi ka pwedeng matulog na basa pa ang buhok mo,” usal niya at sa tingin ko nasa gilid ko lang siya. ”Bumangon kana at kumain.’

“Hindi ako gutom,” mahinang sambit ko takot na malaman niyang umiyak ako.

“Kahit hindi ka gutom kumain ka," pamimilit niya. ”Dinala ko na rito ang pagkain mo. Bumangon ka na at nangangalay ako."

Lumabas ako sa ilalim g kumot ko at matamlay na umupo. Hawak ang tray na may laman ng pagkain nakatayo siya sa gilid ng vanity table ko nakaharap sa akin. Gustuhin ko mang makaramdam ng kilig at saya ngunit nangingibabaw sa akin ang katotohanang nagkukunwari lang siya.

Kinuha ko ang tray na dala niya at ipinatong iyon sa table. Buntong hininga na yumuko, umiiwas na makita ang mukha ko baka malaman niyang mugto ang mata  ko.

“Mamaya ko na kainin hindi pa ako gutom.”

Rinig ko ang pag buntong hininga niya at pagtunog ng kanyang dila. Ubos na siguro ang pasensiya niya kung paaano ako mapapayag na kumain.

“Kumain ka,” ulit niya na kalmadong boses. ”Tumawag ang National Hospital sakin may Peptic Ulcer ka raw. The doctor said you need to treat yourself well. Pakiusap sumunod ka sa akin dahil baka sabihin ni dad ginugutom kita dito.”

Hindi ko na napigilan ang pagpatak ng luha ko sa huling sinabi niya. Akala ko bukal sa kanyang loob ang concern na pinapakita niya. Na kaya niya ako pinipilit na kumain dahil iyon ang utos ng doktor sa kanya pero putang ina dahil lang  pala sa iisipin ng kanyang ama.

Nanginginig ang kamay na  dinampot ko ang kutsara at sumandok ng kanin, tumutulo ang luha ko habang nginunguya iyon. Hindi siya umalis sa tabi ko binabantayan ako hanggang sa maubos ko ang hinain niya. Masarap ang chopsoy na niluto niya pero nasusuka ako sa subrang busog. Nang lumabas siya upang ihatid  sa kusina ang pinagkainan ko tumakbo ako sa banyo at sinuka ang lahat ng kinain ko.

My Ruthless Mafia Husband [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon