Chapter 28

1.7K 27 1
                                    

Throughout our set up, I became his slave in bed. Kapag gusto niya kahit may ginagawa ako susunod ako sa kanya sa kuwarto upang pagbigyan ang gusto niya. Hindi ako nagreklamo. Hindi ako nag-demand ng isang bagay na gusto ko ring maabot ang ruruk ng kaligayahan.

After he used me, it’s my turn to pleasure myself hanggang sa ma satisfide ko ang sarili ko. I imagined na siya ang gumagawa no'n sa akin. Pakiramdam ko isa akong bugaw. Isang bayaran na hayok sa kaligayahan na inaasam na hindi kayang ibigay ng asawa ko.

Minsan napapatanong ako, bakit walang aksyon ang girlfirend niya tungkol sa amin? Kasi kung ako sa posisyon niya mag de-demand ako. May mga batas ako, hindi ako makampante sa salitang ikaw lang ang mahal ko kasi isang kasalan na nga ang pagsama namin tapos baboyin pa ako ni Emmanuel nang hindi niya alam. Ano nalang ang maramdaman niya kapag nalaman niyang  gabi-gabi kasiping ako ng boyfriend niya?

Mabilis ang hakbang ko na lumapit kay Emmanuel nang makita ko siyang duguan na pumasok sa loob ng bahay namin. Puno ng dugo ang kanyang damit, kamay at sa mukha ay may talsik rin na dugo doon. Kahit nanginginig ang kamay ko dahil sa trauma noong namatay si mama nilakasan ko ang loob ko na lumapit sa kanya.

“Manuel…anong nagyari sayo?” nanginginig ang boses na sambit ko. ”May…may tama ka  ba? Si-sino ang gumawa ni-nito sayo?”

Binundol ng takot ang puso ko nang marahas niyang hawakan ang magkabilang braso ko sa subrang higpit ng hawak niya pakiramdam ko na durog ang buto ko doon. Galit na galit siya. Mabigat ang kanyang bawat paghinga at padiin ng padiin ang paghawak niya.

“It’s all your fault! Ha! Kasalanan mo itong lahat naririnig mo ako?!Ha?! Naririnig mo ba ako?”

Napahikbi ako ng pabalya niya akong bitawan at tumama sa gilid ng lamesa ang balakang ko.

“This is all your fault!”

Sigaw niya at dinampot ang flower vase sa ibabaw ng lamesa at itinapon iyon. Puno ng luha ang aking mata na tiningnan kong ano ang tinamaan niya, parang hiniwa ang puso ko nang makita ang wedding picture namin. Nasa sahig na iyon at wasak ang salamin. Napakislot ako ng sipain niya ang lamesa at tumama iyon sa drawer  kaya nalaglag ang mga frames doon. .ang wedding picture namin.

“I’m sorry. I’m sorry.”

Humihikbi na sambit  ko. Tinalikuran niya ako, pumasok siya sa kabilang kwarto at doon nagwala. Alam ko kasalanan ko ang lahat, kung maibalik ko lang ang panahon sana hindi ko nalang hinangad na makita at makilala siya sa personal. Sana na kontento nalang ako sa pagpapantasya sa kanya sa magazine. Sana hindi ako nakagulo. Sana wala akong sinira na tao ngayon.

Tumayo ako at kinuha ang walis at dust pan. Nilinis ko ang mga basag na salamin at niligpit ang mga litrato doon itago ko nalang ang mga ito ulit. Baka magwala na naman si Emmanuel bukas kapag nakita niya pa itong naka display dito. Pagkatapos kung malinis lahat hinain ko ang niluto kong kare-kare kanina baka gustong kumain ni Emmanuel.

Naghintay ako ng ilang minuto baka lumabas siya pero inabot na ako ng isang oras sa paghintay hindi parin siya lumalabas. Payapa na sa loob wala na akong ingay na narinig siguro na pagod. Pero bakit duguan  siya? Napa away ba siya? Si papa ba ang gumawa nito sa kanya? Nag alala ako baka may sugat siya gusto ko siyang pasokin sa loob pero natatakot ako baka saktan niya ako ulit.

Nang hindi parin siya lumabas pumasok na ako sa silid namin. Humiga ako sa kama at hinayaan kong umagos ang luha ko. Iniinda ang sakit sa braso at sa balakang ko. Sige lang, saktan mo lang ako kahit araw-araw kakayanin ko kung iyan ang paraan upang mapatawad mo ako.

Aakuin ko ang lahat ng kasalanan tatanggapin ko ang lahat ng mali mong paratang. Lahat. Kahit baboyin mo ako wala akong pakialam. Titiisin ko dahil mahal kita. Kakayanin ko hangga’t kasama kita. Pero kung dumating ang araw na ipagtabuyan mo ako sa buhay mo aalis ako na wala kang maririnig sa akin na kahit isang salita na ikasama ng loob mo.

My Ruthless Mafia Husband [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon