Chapter 29

1.8K 35 0
                                    

Tulad ng sabi ni Alfred, hindi ako pumunta sa lamay ni papa kahit noong inilibing siya. Ina-update niya lang ako sa mga nangyayari doon. Gusto kong magluksa pero iniisip ko, nagluksa ba siya noong namatay si mama? Baka masaya pa nga siya dahil wala ng humahadlang sa mga masamang plano niya.

Ginawa kong abala ang sarili ko. Sa pagbasa ng mga dukomento na iniwan ni mama kahit wala akong naintindihan sa binabasa ko ginawa kong libangan iyon. Nag download rin ako ng games sa cellphone ko. Ginawa ko ang lahat ng paraan para kahit saglit hindi siya sumagi sa isip ko. Nangako na ako sa sarili ko na kalimutan ko na ang lahat ng past ng nangyari sa buhay ko at kailangan kong tuparin iyon.

Dalawang linggo na ang nakalipas mula noong ibinalita sa akin ni Alfred na patay na si papa at dalawang linggo narin kaming walang imikan ni Emmanuel. Hindi siya tumatabi sa akin sa pagtulog. Maaga rin kung umalis papuntang trabaho at pag-uwi niya sa kabilang kuwarto siya dumidiritso at doon matulog.

Minsan naisip ko bakit hindi nalang kaya ako umalis dito, kasi sa kinikilos ni Emmanuel parang ayaw niya akong makasama o kahit makita man lang pero saan naman ako pupunta? At saka binalaan niya na pala ako dati baka kapag sinuway ko siya sa morgue ang bagsak ko.

"Manuel."

Tawag ko sa kanya ng makita ko siyang lumabas sa kabilang kuwarto. Napahinto siya at nakahawak pa ang kanyang kanang kamay sa door knob sa nakaawang na pinto at walang emosyon na lumingon sa akin sa kusina.

"Puwede ko ba mahiram ang laptop mo? May-,"

Naputol ang dapat na sasabihin ko nang pumasok siya ulit sa kwarto, paglabas niya bitbit na niya ang laptop na hihiramin ko. Inilapag niya iyon sa lamesa at tumalikod rin agad at walang pasabi na umalis. Hindi man lang ako sinaluhan sa pagkain.

Namiss ko na siya. Namiss ko yung tabi kaming humiga sa kama kahit may agwat sa paggitan naming dalawa. Namiss kong titigan ang likod niya hanggang sa makatulog ako na doon lang ang paningin ko. Namiss ko na iyong gigising ako sa umaga na nakayakap na ako sa kanya ng hindi ko sinasadya. Miss ko na ang presensya niya. Miss ko na ang lahat sa kanya.

Kinuha ko ang laptop at binuksan iyon mabuti nalang at hindi lowbat. Ilang araw na akong gumigising ng maaga para maabutan siya pero hindi ko siya naaabutan kaya kanina alas tres palang ng madaling araw gumising na ako at tumambay sa kusina kahit antok pa ako para masiguro kong maabutan ko siya ngayon.

Pagkatapos kung mag agahan sinimulan ko na ang trabaho ko. Tambak narin 'to kaya maraming trabaho baka ilang araw ko pa itong matapos sana hindi gagamitin ni Emmanuel ang laptop niya para tuloy-tuloy ang trabaho ko sayang rin ang kikitain ko dito.

Nang marinig ko ang sasakyan ni Emmanuel dali-dali kong niligpit ang mga gamit ko at dinala iyon sa kuwarto hiningal tuloy ako. Napahawak ako sa aking dibdib ng biglang bumukas ang pinto at pumasok doon si Emmanuel. Nangunot ang kanyang noo nang makita ako na parang tinuklaw ng ahas.

"Hi. Nandito ka na pala."

Gulat kunyari sa sambit ko at pilit na ngumiti ng normal sa harap niya. Inilapag niya ang kanyang na dala sa ibabaw ng mesa at sunod na hinubad ang coat niya, hindi tuloy nakaligtas sa aking paningin ang kanyang hulmadong katawan dahil hapit ang kanyang white pulo na suot. Naglumikot ang mata ko kung saan ibabaling ang tingin ng mag-umpisa na siyang tanggalin ang butones ng damit niya. Sa huli napagdisesyonan ko na lang na lumabas ng kwarto.

"Ah. Ano.. sa kusina lang ako.. magluluto ng hapunan."

Sambit ko at nagmadaling lumakad palabas.nSapo ko ang aking dibdib na binuksan ang ref at kumuha doon ng tubig. Tinungga ko ang laman ng pitsel para akong isang camel na uhaw na uhaw dahil sa ilang araw ng naglalakd sa gitna ng disyerto. Putek! Iyon pa nga lang ang nakita ko nanuyo na ang lalamunan ko paano pa kaya kong...jusme baka mangisay na ako.

Muntik ko ng mabuga ang tubig sa bibig ko ng lumabas si Emmanuel sa kwarto na naka-topless tanging sweet pants lang ang suot kaya kitang-kita ang pandesal niya. Mahabagin, busog na ako sa ganda ng view hindi ko na kailangan magluto ng hapunan.

"Wala na tayong stock, nag-order na ako ng pagkain."

Nabulunan ako ng magsalita siya. Naluluha na umuubo ako sa lababo hanggang sa maging okay ako.

"Hindi ka ba nagpa-laundry? Wala na akong damit pambahay."

Tanong nito sa kalmado na boses. Ako naman ay biglang namutla. Nanlalamig ang palad ko at subrang bilis ng tibok ng puso ko sa takot at kaba. Bakit ko kasi nakalimutan na may labahin pala ako. Inuna ko pa iyong trabaho ko kaysa ang labhan ang labahin ni Emmanuel.

"Ahm. . Ano... pasensya nakalimutan ko kanina huwag kang mag-alala lalabhan ko ngayon din para may masuot ka bukas," taranta na saad ko.

"Ipa-laundry mo na lang bukas. Gabi na baka sarado na rin sila. Ihanda mo na ang lamesa dumating na ang pagkain na in-order ko."

Kahit nabigla ako sa inasta niya pinilit kong kinalma ang sarili ko. Akala ko sisigawan niya ako, pagsalitaan ng hindi maganda, sasaktan, dahil iyon na nga lang ang gawain ko dito hindi ko pa magawa. Nanibago ako sa pagiging kalmado niya dahil ang nakasanayan ko pagdating sa akin, marahas siya.

Akala ko kung ano ng pagkain ang in-order niya Mang Inasal at Lomi lang pala. Bigla akong natakam ng ma amoy ko ang Lomi na galing sa Lomi House ang paborito ko. Inilagay ko iyon sa malaking bowl pati ang inasal at kanin ay hinain ko na rin. Nang maka upo siya sumandok kaagad ako ng lomi at iyon ang unang kinain. Wow! Ang sarap. Noong huli kong kain nito hindi ako nag-enjoy dahil naging dugyot si Alfred.

"Kumain ka ng kanin."

Nahihiya na sumandok ako ng kanin at itinabi muna ang lomi ko. Ngayon lang ulit siya naging mabuti sa akin sulitin ko muna ang maikling sandali. Masaya ang puso ko na tinapos ang pagkain. Busog na busog ako dahil ako ang umubos ng isang order niyang lomi. Alanganin na ngumiti ako sa kanya ng dumighay ako. Sana ma ulit muli ang pangyayari na'to.

Nang sumunod na araw ay sa kwarto na ulit natulog si Emmanuel sabay narin kaming mag almusal at mag hapunan pero kagaya rin ng dati para lang akong hangin sa kanya pero ayos lang ang mahalaga nakakasama ko siya kahit pa parang wala lang ako sa kanya.

"Hala! Na lowbat. Pa'no na'to hindi pa ako tapos sa ginagawa ko."

Himutok ko nang mamatay ang laptop sa kalagitnaan ng ginagawa ko. Kinuha ko ang cellphone ko para sana tawagan si Emmanuel upang itanong kung saan ang charger ng laptop niya pero gaga, hindi ko pala na save ang number niya noong nag change ako ng number ko last time.

No choice kundi ang hanapin ko iyon sa kabilang kwarto. Hindi naman siguro siya magagalit at saka hindi naman ako mangingialam charger lang talaga ang hahanapin ko. Pumasok ako sa kabilang kuwarto at hanapin ang pakay ko. Sa kalagitnaan ng paghahanap ko may na hagip ang mata ko na hindi ko inaasahan.

Nanginginig ang kamay ko na dinampot ang mga papel sa ibabaw ng lamesa, mga papel na sagot sa mga katangunan ko.

Organisasyon.

Mafia.

Target.

Killed.

Protect.

Nahihilo ako sa mga nabasa ko. Muntik pa akong matumba ng malaman ko kung ano ang ibig sabihin ng mga ito.

Pumasok siya sa isang organisasyon dahil sa nangyari sa kanilang pamilya, dahil sa nangyaring pagtangkang pagpatay sa kanyang ama at ina. He eager to become a mafia to protect there family. At ang target ay ang aking ama at ako dahil ang aking ama ay siya pala ang taong gustong pumatay sa mga magulang niya. Hindi ko lang maintindihan kung bakit pati ako nadamay dito.

Kung ganon, planado pala ang lahat. Mula sa unang pagtagpo namin sa Shopping Mall niya doon sa Resto Bar at hanggang sa condo niya. Planado pala ang lahat, kung ganon damay rin ako sa kasalanang ginawa ng aking ama. Ang pinagtataka ko lang, bakit kailangan niya pa akong pakasalan kung puwede naman niya akong patayin agad? Kung puwede naman na gawin niya akong pain sa ama ko na walang kasal na involved. Puwedeng-puwede niyang gawin iyon. Pero bakit pinakasalan niya pa ako?

But, if he is the one who killed my father. . magpapasalamat ako sa kanya dahil nawakasan na ang kasamaan ng aking mabangis na ama. Kung alam ko lang na hinahanap niya ang aking ama sana noon palang nakipagkita na ako dito para nakuha niya kaagad ang hustisya na hinahangad niya.

Ako pala ang susi sa paghihingante at hustisya na inaasam niya.

My Ruthless Mafia Husband [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon