Chapter 30

2K 33 0
                                    

Nanghihina na umupo ako sa upuan. Panay ang paghinga ko ng malalim para maging maayos ang aking pakiramdam. Bakit ngayon ko lang ito nalaman lahat? Sana hindi siya nahirapan sa hustisya na hinahangad niya dahil ako ang susi sa lahat. Sana matagal na siyang nakawala sa akin. Sana masaya na siya ngayon kasama ang babaeng mahal niya kung maaga palang nakamit na niya ang hustisya.

Gayong patay na ang aking ama sana nakuha na niya ang hustisya para sa pamilya niya. At kahit masakit para sa akin na iwan siya tatanggapin ko ang katotohanan na parte lang ako sa lahat ng plano niya. If he wants to rid me I will accept with all my heart kahit pa ang patayin niya ako, ganon ko siya ka mahal.

Inayos kung muli ang mga papel sa dati, nanginginig pa kamay ko na dinampot ang litrato ko doon. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko pagkatapos ng lahat ng nalaman ko basta ang alam ko hindi ko pa kayang mawalay sa kanya. Kinuha ko ang charger dahil iyon naman ang pakay ko at lumabas na may mabigat na loob.

Bakit ako ang nahihirapan sa kasalanang hindi ko naman ginawa?Bakit ako ang sumasalo sa lahat ng galit nila sa aking ama? Bakit sakin binabato ang lahat ng maling paratang gayong wala naman akong kinalaman? Naging mabuting anak naman ako. Naging mabuting tao naman ako sa kapwa ko pero bakit nangyari sakin ang lahat ng ito?

Wala akong ginawa buong maghapon kundi ang umiyak at iniisip kung bakit ito nangyari sa akin. Iniisip kung ano ang mangyari mamaya at sa susunod pa na araw. Kung ano ang plano ni Emmanuel sa akin, kung ano ang plano niya sa aming sitwasyon. Nakatulugan ko ang pag-iyak, paggising ko madilim na at narito na si Emmanuel dahil nakapatong na sa ibabaw ng lamesa ang bag na lagi niyang dala.

Hindi ko pa mabuka ng maayos ang mata ko, pakiramdam ko namaga ito at medyo mahapdi pa kaya pumikit muli ako. Anong oras na ba?Kanina pa ba siya naka uwi? Hindi ko man lang namalayan ang pagdating niya. Napamulat ang mata ko ng may maglapag sa lamesa  at nagsalita ni Emmanuel na nagpagising ng diwa ko.

“Kumain kana. Nagluto ako ng bulalo.”

Tinitigan ko ang buong mukha niya baka nag hallucinate lang ako, kinurot ko pa ang kamay ko baka tulog pa ako at nanaginip lang pero hindi, totoo talaga na nandito si Emmanuel sa harap ko at ipinagluto ako ng hapunan. Hinila niya ang lamesa palapit sa’kin at sininyasan akong kumain na. Hindi parin ako gumalaw dala sa gulat sa inakto niya.

“Alas diyes na, wala kang niluto kaya in-assume ko nalang na hindi ka pa naghapunan kaya ako na nagluto dahil ang himbing ng tulog mo.”

Saad nito sa kalmado parin na boses. Nang hindi ako sumagot hinila niya ang upuan at umupo doon at siya na ang nagsandok ng kanin at inilapit iyon sa bunganga ko. Napa upo ako sa gulat, natigilan sa ginawa niya.

“A-ako na, kaya ko. Salamat.”

Naiilang na sambit ko at kinuha ang kutsara na hawak niya. Doon lang siya tumayo at iniwan ako. Lumabas siya ng kuwarto pagbalik niya may dala na siyang pineapple juice at extrang plato at kutsara. Nangtataka na tiningnan ko siya muntik na akong masamid ng umupo siyang muli at sinaluhan ako sa pagkain. Tikom ang bibig na ngumiti ako at hindi ko naiwas na maluha sa saya dahil sa kabila ng lahat kaya niya paring kumain na kasabay ako.

“Pasensiya na kung nadatnan mo ako na tulog ano kasi-,”

“It’s okay. As long as sinusunod mo ang payo ng doktor sa tamang oras ng pagkain mo. Alam mo ba kung ano ang maging epekto sayo kung hindi mo maagapan ‘yang sakit mo?”

“I’m sorry kung pati ikaw naabala. Huwag kang mag alala kaya ko ang sarili ko at hindi ako mamamatay sa ulcer lang.”

‘Ikamatay ko pa ang katotohanang kahit kailan hindi mo ako magawang mahalin.’ dugtong ko sa aking isipan.

My Ruthless Mafia Husband [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon