Hi
This is my third one shot story 🤣🤣🤣. Halatang tamad pa din gumawa mg isang buong story, may naiisip na pero wala pa din plano kung kelan, unlike talaga noon na junior high ako dami ko imaginations ngayon puro tulog ang priority 🤣🤣. Anyways enjoy reading it.
***********
His POV
8pm, Year 2022
"Yow Axel, dyan na ba si sir?" Napalingon ako ng may tumawag sa pangalan ko at sabay iling. Dere-deretso naman pumunta umupo siya sa tabi ko at binuksan ang station na napili niya sa computer.
"Nakakatamad pumasok"angal nito habang ako naman ay napatawa na lang sa sinabi niya
"Ang sabihin mo, andyan lang jowa mo at para kang linta dumikit kala mo mawawala naman"komento ko habang nag-bubukas na din ng computer.
"Alam mo namang long distance kami par, isa pa gusto ko bumawi sa kaniya"sambit niya at tumango na lang ako.
Forgot to introduce myself, the name is Axel and I already work in one of the BPO industry as IT support. Hindi ko naman pinagsisihan ang napili kong kurso at mahal ko syempre trabaho dahil ito na dream job ko. Isa pa sa napasukan ko na site, pinagi-gitnaan kami ng makabilang hallway tapos sa hallway na iyon doon ang mga bay or stations ng mga nagtra-trabaho. Kaming IT naman sa iisang malaking kwarto samin at may kaniya kaniya din kaming station pero ung samin personal work space na at hindi na kami lilipat-lipat.
(Author: You may see the picture above ung room ng IT. Drawing ko na lang, pahirapan ko pa sarili ko eh.)
Matagal na ako sa work ko and same company pa din. Pinag-onsite na mostly samin at nagvolunteer na rin ako mag-onsite since matagal ko ng hindi nakikita ang floor namin gawa din ng pandemic.
"Laki ng pinagbago ano? Daming design sa pader tapos madami pang bago"sambit ng katrabaho ko na si Noel, which is sya iyong katabi ko na nagrereklamo na tamad pumasok
"Par, iba na iyan. Maghunos dili ka" paalala ko na ikinatingin niya sakin na ngumiti siya ng nakakaloko
"Bakit sino bang may sabi na ako? Ireto kita sa mga bago, gusto mo? Dami na ako nakakausap na tropa natin sa floor na single dito"sambit nito
"Sure ka? Single loob at labas ba yan?" Pakikisakay ko na biro sa kaniya
"Ay iyon lang par, hindi natin alam kung magaling magtago"pagbawi nito
"Gagi, sabit tayo dyan ekis na. Itrabaho na lang natin yan"sambit ko
First day na first day ko sa onsite at pati ang department ay nabago na. Kung dati tinakpan nila ung salamin sa kabilaan ng pader sa kwarto, ngayon ay wala na nakikita na namin sila, station hallway at ganoon din sila . Nakikita din nila ang tambak na computer station dito at mga headset, cords na inaayos namin kada serial number."Antayin na lang natin si sir for further instructions satin" tumango na lamang ako sa sinabi niya
Habang nagmamasid sa kinauupuan ko, napatingin ako sa hallway sa may kaliwa kong puwesto at nakita ko ang grupo ng mga babae na nagku-kwentuhan bali lima sila at ang isa sa kanila na naka-salamin ay tiningnan ang department namin.
Pinagmasdan ko lamang siya habang ng lalakad haggang sa napadako ang tingin niya sa akin na agad niya rin namang iniwas ang tingin at nakipag kwentuhan sa mga kaibigan niya.
"Weird"mahinang sambit ko at humarap muli sa monitor ko.
_________________
Tumagal ng limang buwan na ganoon ang gawain niya.
Laging dadaan sa hallway namin sa IT department kahit pwede naman malapit sa kanila, laging tinitingnan kami dito na para bang may hinahanap lagi at nakikita ko na napapanguso siya at hindi ko mahuli ang binubulong niya sa ere habang pinagmamasdan ko siya.
BINABASA MO ANG
Smitten (One Shot)
RomanceThis is only a One Shot Story, I hope you enjoy it. Ctto: Pictures are not mine, I got it from google random search Editing: Solus_Lykos