Chapter 7 ~ Her Decision
Past 12 pa lang pero nagligpit na ko ng mga gamit sa desk ko. I also cancelled all my appointments the rest of the day para sa isang mahalagang dinner. I went to the comfort room para mag re-touch ng make-up.
After that, I dialed Max’s number. “I’m going to see her now.”
“Good. Matagal ko na sinabi sa’yo yan eh. In that makakapag-decide ka na.” I can feel he is delighted.
“Yeah. I’ll call you afterwards.” Then I hung up.
With one final look in the mirror, I went out and headed straight to my Chevy and drove.
Buti na lamang at wala ang stalker kong si Jason kundi hindi ko to magagawa. Ayokong malaman niya ito. Nakakahiya kasi. Baka isipin niya na baliw ako. Well, kahit naman sino eh mag-iisip ng ganun. Ikaw ba naman malaman mo na sa isang Psychiatrist ako makikipagkita yun agad ang magiging impression mo. Not unless you knew what happened back then.
I parked in front of a restaurant in Makati. Buti na lang eh may space pa kundi malayo ang iikutan ko. When I entered the place is crowded, pero di masyadong maingay. Mas dinig mo pa ang mga pagtama ng kubyertos kesa sa mga boses nila. It’s a classy restaurant after all.
I looked around trying to find her. My eyes caught a waving hand. And there she is, my doctor turned a very good friend of mine, Dra. Jesse del Valle.
When I went near the table she hugged me so tight. “Namiss kita, friend!” halos tumalon siya sa tuwa. Natawa naman ako.
“Kahit kelan para ka talagang hindi doctor kung umasta.” Naiiling na nakangiti kong sabi.
“Pag ba doctor kailangan mahinhin? Hindi naman diba?” she smiled. Hindi pa rin pala nakupas ang ganda ng kaibigan kong ito. Ramdam ko tuloy na tinitignan siya ng mga lalaking nasa kalapit na table.
BINABASA MO ANG
The Sex Teacher
HumorSELENA'S POV Ilang taon na ang nakalipas pero di ko parin maiwasang maging bitter. Paano kasi di pa ko nakakaganti sa ginawa ng hayup na lalaking un! Sinira niya lang naman ang teenage life ko noh! Oh well, mali siya ng binangga! Kung dati di ako gu...