Kuya

4 0 0
                                    


Kuya


Kamusta ka?
Ako to yung ampon mo tanda mo ba?
Okay kami, pero mas naging okay nung nakilala kita,
Gabi gabi kaming tumatawa,
Si sachi umiiyak na sa sobrang saya,
Nalulungkot pag naiisip na sa tg ikay magpapahinga,

Nga pala masarap pala yung avocado ng kapitbahay, nakakainis lang kasi medyo hilaw pero nakain ko na,
Yung dragon fruit mga ilang araw pa daw bago mahinog pero okay lang mahihintay ko pa,

Nabalitaan ko na nagtitinda pala kayo ng sopas,
Astig ang sipag nyo talaga, kung ako yun baka naubos ko pa
Muntik mo pala masunog yung kubo nyo,
Ako din pero hindi ako pinalo, ibinintang ko kasi kay sachi,
Nakipasko din ako sa kapitbahay kasi walang pera si nanay at tatay
Kaso pinapauwi agad ako kasi tirador daw ako ng tinapay,
Hindi ko natikman yung spaghetti pero okay lang,
lasa ko namay matabang,

Madalas kita sinasama saking dasal, hiling ko na sana maabot mo ang mga bagay na lagi mo ding dasal,
ang paghilom ng mga sugat na wala sa labas
Ang pagbalik ng totoo at makikinang mong ngiti,
Ang pagkislap ng iyong mga mata dahil sa saya pagkat tuluyan ka nang gumaling at nakalimot sa sakit

Lagi din pala akong nasa bintana, inaabangan kung anong prutas ang susunod na mamumunga hayaan mo,
Aalis yung may ari sa isang araw makikipitas ako ng bayabas at siling malalaki,
Kung makarami makaka asa kang ikay may kabahagi.

Mga liham na pahina ni AmandaWhere stories live. Discover now