-Six-

5 0 0
                                    

"Happy birthday Lauren Elizabeth!" Grabe talaga 'to si Sofia, ang aga aga pa! Pero maaga pa nga ba ang 11: 30? Para sa taong natutulog na ng alas tres kahahanap, OO, masyado pang maaga. At oo, sampung araw na rin akong hopia! Nagpupuyat, nagbabakasakali. Nitong mga nakalipas na araw ang dami pa ring nag-aupload ng mga pictures nung gig, siguro nun lang nagkaroon ng time mag upload. Yung tipong sinabi ko na sa sarili kong, "last na talaga to" pero makakita lang ako ng pictures nung gig nabubuhayan na naman akong maghanap. "Gising na!" Niyuyugyog na niya ako.


"Ito na, naman e!" Bumangon ako at umupo sa kama. Nagulat ako nang makita si Sofia, Clarence, Allison at Eli na nakatayo sa kwarto at may hawak na cake.


"Oh, bake namin yan ni Clarence. Wish ka na para matikman na namin." Ayy! At talagang sila pala ang kakain hindi ako.


"Gusto mo ikaw na magwish e."


"Echos lang. Dali na, wish na."


Thank you God sa another year, sa lahat ng blessings. Lord, tulungan mo po akong makamove on sa mga bagay bagay. Hindi ko na po kilala yung sarili ko, parang hindi na po ako si Lexi, si Lexi na wala namang pakialam sa mga lalaki. Thank you again Lord. I love you!


Hinipan ko na yung candles at nagsimula silang maglagayan ng icing sa mukha.



"Uy tigil na, maglalagkit sa kwarto ko."


"Okay lang yan, gusto mo magbatuhan pa tayo ng itlog dito e!"


"Wag ka ngang KJdyanLexi!"


"Meron pa kaming isang gift at paniguradong masusurpresa ka!"


Napatigil ako, bigla akong kinabahan. Surpresa? Hinagilap ba nila yung lalaki para sakin? Ginawa ba nila yung best nila maipakilala lang siya sakin? Gosh! Nag-iimagine na naman ako, assume na naman! "Nasa'n siya?" Sh*t!


"Sinong siya?" At nagulat ako sa mga reaksyon ng mukha nila.


"Si... Si ano, si Princess."


"Ahh. Sino yun?" Narinig kong sabi ni Sofia pero kay Eli ako nakatingin.Aw! Sorry!


"Invited ba siya? Gusto mo papuntahin ko?" Napatingin naman ako kay Allison na parang nagbago ang ekspresyon ng mukha, parang disappointed.


"Naku wag na."


"Okay lang po ate Lexi." Nakonsensya naman ako, parang nadisappoint talaga si Alli.HindikodapatbinanggitsiPrincessparalangmaitagonayunglalakiyunghinahanapko. Nagigingmakasarilinaako.


"I'm sorry."


"Sorry for?" Tanong ni Eli.


"Hindi si Princess ang hinahanap ko.


WonderstruckTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon