"Lexi, sobra ka na sa tulog. Hinahanap ka na ng mga bisita."
Napatayo kagad ako at napatingin sa orasan. Gosh! Alas sais na. Baki hindi nila ako ginising?
"Sige po ma, maliligo lang ako."
"Okay, andyan yung dress mo sa desk mo. Antayin ka namin, dalian mo."
Nagmadali na ako sa pagligo at bumaba kagad. Ang dami na ngang tao, yung iba nasa garden, yung iba naman nasa sala't nakikipag-usap kila mama.
"Oh Lexi, halika dito." Ito na naman sila, taun-taon nalang sila may pinapakilala sa'king katrabaho't kaibigan nila.
May inabot siya saking paper bag at binati ako. "Happy birthday. Ang ganda naman pala ng anak niyo e." Ayy compliment po ba yun?
"Ayy salamat po." Nag-stay pa ako sa tabi nila mama at kausap ko ngayon yung anak ng kaibigan nila. Nagkaroon na naman ako ng "Just For This Night Friend" at kung anu-anong kinukwento niya. Gusto ko na tumayo at hanapin sina Sofia at Clarence. Hindi ko pa kasi sila nakikita simula nang bumaba ako. Hindi naman ako makaalis kasi nakakahiya, kailangan ko pang pakisamahan 'tong babaeng kwento ng kwento tungkol sa ex niya.
"Alam mo ba yun? Nakakainis talaga na iniwan niya ako para lang sa babaeng hindi naman niya kilala."
Bigla akong bumalik sa wisyo. Posible kayang...?
"Anong pangalan ng ex mo?"
"Bakit?" Nagulat naman ata siya sa tanong ko.
"Adrian."
"Adrian ano? Full name?"
"Adrian Servano. Bakit?" Hindi ko siya sinagot at kinuha ang phone ko. Sinearch ko kagad sa fb... Adrian Servano. Ang daming result. Ugh!
"Sino siya dito?"
"Ayy bakit mo sinerach? Ayan, yan yung fb niya." Sus naman, bakit hindi kasi kagad sariling mukha ang dp, kinabahan tuloy ako. "Uy Lexi bakit mo sinearch?" Hindi ko ulit siya sinagot. Tinignan ko yung sunod sa profile picture...
DAMN! Hopia! Hindi siya.
Napansin niya atang dismayado ang mukha ko kaya nagtanong ulit siya. "Bakit mo ba sinisearch yun? Pls. wag mong sabihin kay mommy, hindi kami legal."
"Wala, tinignan ko lang kung may karapatan ba siyang iwan ka dahil nakakakita lang ng iba."
"Oh, ano sa tingin mo? May karapatan ba siya?"
"Aba'y oo naman! Lahat tayo may free will at may karapatang magdesisyon para sa sarili. Move on ka nalang." Sabay tawa ko. Hindi naman s'ya natawa, masyado siyang seryoso.
BINABASA MO ANG
Wonderstruck
Teen FictionAng tagal naghintay ni Lexi sa araw na makikilala niya ang isang taong ang tagal niyang hinanap. Pero pa'no kung magpakita ito sa kanya kung kailan hindi na siya naghahanap?