C24 - Love

397 13 0
                                    

 
 
 
"YOU want more?" tanong sa kanya ni Nomer habang namamahinga sila sa balkonahe ng bahay.

As they watched the sun slowly die behind the rising trees, Daphne took another bite of lemon and dipped it in her favorite mayonnaise. Ipinaghihiwa siya ni Nomer ng lemon at siya naman ay tuloy lang sa pagkain. It is not the sour taste that made her winced in pain but the sudden movement in her eight months belly. Their baby Mavie is on its daily movements again.

Sinapo niya ang tiyan saka kinuha ang kamay ni Nomer. Marahan niyang hinaplos ang kamay nito sa kanyang tiyan upang iparamdaman ang paggalaw ng kanilang anak.

"Our baby is awake," Nomer pronounced with happiness in his eyes staring down her belly.

"As always, dear. Night person yata itong bata na ito. Gising kapag sasapit na ang gabi." Natatawa niyang wika.

Napangiwi na lang ulit siya nang maramdaman ang muling paggalaw ng anak. Napapadalas ang paggalaw ng anak niya nitong nagdaang linggo. Sabi ng OB niya ay pumupwesto na raw ito para sa paglabas.

"Mavie, behave," utos ni Nomer sa anak habang hinahaplos ang tiyan niya. "You're making it hard for mommy."

Parang pinagsasabihan nito ang anak sa tono nito na ikinatuwa niya. Tila isang masunuring bata naman ang anak nila na hindi na masyadong agresibo ang paggalaw. Hindi pa man lumalabas ang anak nila ay mukhang disiplinado na ito.

They named their baby after Nomer's company name, Mavie, kahit na hindi pa nila alam ang gender nito dahil gusto nilang surprise iyon. They've decided to call their baby after Nomer's company because as its meaning says 'My Life,' their baby is their life.

It's already nine months since they found out about their baby. Maraming nangyari pero sa huli heto sila, magkasama pa rin.

Nakasanayan na nila ni Nomer na sa tuwing matatapos ang araw ay magkasama nilang panonoorin ang paglubog ng araw. It was like, they will end the day together and they will also begin the day tomorrow together while watching the sunrise.

"Hindi pa rin ako makapaniwala na nalampasan natin ang lahat ng mga pagsubok na dumating sa atin." She smiled contentedly as he recalled the what happened for the past eight months.

A week after they found out about her pregnancy, may dumating na update galing sa magkapatid na Smitherman. Hawak na ng mga ito si Craig sa tulong ng organization. Nalaman din nila na sangkot ito sa malaking human trafficking syndicate at ginagamit nito ang pagiging artista nito para makabingwit ng mga babaeng pinapadala sa ibang bansa para maging bayaran.

Nalaman din nila na kung hindi napigilan ni Zehra si Craig noong gabing puntahan siya nito sa boutique ay baka isa na siya sa mga babaeng biktima nito.

Malaki ang utang na loob niya kay Zehra pero until now ay hindi pa rin ito nagpapakita sa kanila at sa mommy nito. Tumatawag ito pero nangangamusta lang.

With regards to her mother's health, kasalukuyan itong nag-a-undergo ng chemotherapy session. Mahirap pero umaasa sila na maging cancer free na ang Mama niya.

"Love really conquers everything," ani Nomer na may ngiti sa labi. "Akala ko hindi totoo ang love na 'yan dahil sa nangyari sa mga magulang ko at sa mga past relationships ko."

Ngayon niya lamang narinig ang bagay na iyon kay Nomer kaya naman nakakunot ang noo niya nang tapunan ito ng tingin.

"You don't believe in love?" Napapantastikuhan niyang tanong rito kasabay nang pagkuha niya rito ng bowl ng lemon.

Nagkibit ito ng balikat na tila hindi ito sigurado sa isasagot. "It's not that I don't believe in it. I just don't trust such emotion."

Pinaningkitan niya ito ng mata. Wala itong tiwala sa pagmamahalan nila?

Her Secrets, His LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon