Kabanata 22 Haunted Fox 1.1

11 1 0
                                    

Isang linggo ang lumipas at naging tunay na malayo na ang narating ng buhay ko. Naging natural na ang pakikisama sa akin ni Kuya Errol. Wala na ang samaan namin ng loob. Magkagayunman, hindi ko magawang isalaysay sa kanya ang pagkikita namin ng aming ina sa pinuntahan naming probinsya. At sa mga araw na parang maayos lang ang lahat ay patago pa rin kaming nagpapakaligaya ni Rigor. Idagdag pa sa kasalanan ko sa aking kapatid ay ang pagpapatuloy namin ni Reagan sa relasyong pawang kasinungalingan lang ang naidulot sa aming mga sarili. Sana lang ay matapos na ang mga sagabal na ito sa aming buhay. Kung sana rin lang ay pumayag na si kuya sa pag-iibigan namin ni Rigor.

Bukod pa rito, simula ng araw na inimbitahan ni Kuya Errol sa aming bahay ay naging madalas na ang pagpunta niya sa akin. Ayon sa kanya, kailangan ko raw ng talk therapy kaysa sa uminom ng gamot. Naging tamang tiyempo naman ito para sa akin dahil simula nang magbahagi si Rigor tungkol sa kanyang sarili ay nagkakaroon na ako ng masasamang panaginip. Kahit napakaliit lang naman ng impormasyong iyon ay malaki ang naging epekto sa akin. Lagi kong napapakinggan ang kanyang mga salitang,'nagluluksa sa pagkawala ng iyong ama' na para bang laging may nagsasabi nito sa akin kahit wala naman. Naging sanhi iyon ng pag-iisip ko na nababaliw na yata ako kaya mas minabuti ko na iproseso ng maayos ang therapy na isinasagawa namin ni Mrs. Morfe. Pero akala ko ganoon lang kadali ang pangyayaring ito sa aking buhay ngunit nagkakamali pala ako.

May mga pagkakataon na natutulala na lang ako sa gitna ng pakikipag-usap sa akin ng mga kasamahan ko sa bahay. Madalas na ring di ko nauubos ang aking pagkain at di ko batid kung may kamalayan sina Kuya Errol, Reagan at Rigor na palaging naka-aligid sa akin. Malala na ba ang sakit ko? Bakit ako nagkakaganito?

"Angela, hoy nas'ang lupalop ka na ng mundo?!"

Usal ni Jill isang hapong nasa loob kami ng Greenhouse. Siguro ay kanina pa siyang nagsasalita sa kung anong bagay na nakikita niya dito. I can understand the fascination he built up as the flowers around us speak the rarity of beauty. But I... I would never understand myself losing sanity.

"Angela?"

Tinawag niyang muli ang pangalan ko pero nanatiling tikom ang aking bibig. Naririnig ko naman ang mga boses na nagtatalo, boses ng mga lalaking naghahangad ng paghihiganti at panlalamang sa kapwa. Mayroon pang kahindik-hindik na tunog na bumubulabog sa aming tahanan. Ito ay ang mga pagkasa at pagputok ng baril sa kung saan. Hindi ko alam kung saan dahil para akong lobong nagtatago sa mangangasong kikitil ng buhay ko sa loob ng malaking lumang aparador ng aking mga magulang sa loob ng kanilang silid. Naliligo na ako sa pawis pero di ko man lang mapagtiyagaang mapunasan man lang. Nanginginig ang aking buong katawan kaya di ko magawang kumilos. Ang pagiging alisto na lang ang naging sandata ko lalo't natigil din ang ingay pero mayroon namang nagkakagulong yabag papalapit sa kwartong ito.

"Mama, Papa!"

"Lala?!"

"Ugh... I just want to take a nap."

"Okay?"

Tumango ako sa kanya kasunod ng aking pagtalikod. Gusto kong mapag-isa kaya nilisan ko ang Greenhouse. I feel empty. Sana alam iyon ni Jill para di siya magkaroon ng pagtatampo sa aking pagiging ignorante habang binibigyang pugay niya ang iba't ibang bulaklak na nakasilong sa lugar na iyon. Sana rin ay ipagpatuloy na lang niya ang pagdidilig sa mga halaman para sa magandang pagyabong nito kaysa ang manatili sa aking tabi.


Inaamin kong mayroon akong post-traumatic stress disorder. Nang nagising ako sa ospital, ito na ang kumain sa katinuan ko. Sa loob ng tatlong buwan ay nawala ako sa totoong mundo. Natatakot ako sa lahat higit sa aking sarili na naging duwag sa oras ng kailangan ako ng aking ama. Sa bawat araw na dinudugtungan ng nasa itaas ang buhay ko ay sinisisi ko ang sarili ko sa pagkawala ni Papa. Ito ang tinatawag na survivor's guilt ni Mrs. Morfe ng una kaming magkita. Kaya simula noon ay isinailalim na ako sa psychotherapy at samu't saring gamot na pinepeke kong inumin. Hindi ko matanggap na nakararanas na ako ng ganitong uri ng sakit. Naninikip ang dibdib ko na baka isang araw ay matawag na akong siraulo. Ayokong mangyari iyon. Ayoko!


"R-Rigor..."

Hindi ko namalayan ang kanyang pagpasok lalo't higit ang kadiliman ng gabi. Ni hindi ko rin marinig ang huni ng mga hayop na nagpapansin gamit ang kanilang sariling tunog. May sarili na talaga akong mundo ngunit hindi iyon ang Wonderland. I am now in the Wilderness 1.1.

Ngumiti na naman si Rigor at nadepina nito kung paano humuhugis pana ang kanyang itaas na labi.

"Saang bansa ka na nakaabot?"

Nakuha pa niyang magbiro sa kabila ng pinagdadaanan ko pero di ko naman siya masisisi. Hindi niya mahihinuha sa pagmumukha ko ang pagbabalik ng aking trauma. Kaya imbes na aliwin pa siya sa kanyang biro ay hinalikan ko siya. Mariin kong ipinikit ang mga mata ko kaya hindi ko mababatid ang kanyang reaksyon. Itinuon ko talaga ang sarili ko sa pag-angkin ng kanyang mga labi dahil gusto kong takasan ang mundong nagkukulong sa akin sa pag-alulong.

"Feeling liberated?"

Tumataas-baba ang kanyang mga kilay habang nagtatanong pero wala akong maisagot. All I do is to open my mouth, grasping for air.

"Can you give me again what I really wanted from you, Lala?"

Ang kanyang kanang kamay ay nahimlay sa aking pisngi. Ang isang daliri niya ay dinadama ang lambot at init nito sa kanyang balat.

"Just promise me one thing..."

Nagkatitigan kaming dalawa na para bang nakikita namin ang kaibuturan ng aming mga puso.

"Save me."

"I will."

He claimed my lips. Then his teeth tugging gently to my soft spot near my throat. And there goes my Wilderness 1.2.


"Patay na si Papa... Patay na siya! Patay na!"

Paulit-ulit akong nagsasalita ngayon matapos mapanaginipan ko na naman ang isang trahedya sa aking buhay na di ko malilimutan.

"Patay na si Papa! M-may du-dugo sa kanyang ulo... Binaril siya! Binaril!"

Mas lumakas ang boses ko at parang sirang plaka sa pagbibitiw ng mga salita. Kasunod nito ay ang pagyakap ko sa aking hubad na mga tuhod na nangangatog sa takot na baka makita ako ng mga pumatay kay Papa. Kapag nangyari iyon, ako na ang papatayin nila. Ako!

Tumayo ako sa kama at nagpapasalamat na di pa rin nagigising si Rigor kahit na nagsasalita akong mag-isa. Dumiretso ako ng banyo at naligo. Mainit-init na tubig ang ibinabad ko sa aking katawan upang maibsan ang pangangatal at panlalamig nito. Isang oras at kalahati ang pagtigil ko sa tub at nang magsawa ay isinuot ko agad ang pink na robe. Umupo sa gilid nito at inihilig ang ulo sa labi ng tub.

"I'm just haunted, not insane!"

I keep talking myself like it is a mantra. I think I'm comforting myself with these words. And maybe I was finding comfort that's why I made love to Rigor. Natulala na lang ulit ako at ilang saglit pa ay dinalaw na ako ng antok.

Get a GripTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon