Try
Every hardwork will eventually pay off..
Naniniwala ako sa kasabihan na 'yan. When you make effort to achieve something, it will pay off.
I am currently on my fourth year in college, isang semester nalang ga-graduate na ako.
All of my parents' and my sacrifices will finally pay off, makakabawi na din ako sa kanila sa wakas.
Hindi kami marangyang pamilya. Simple lang, isang guro sa elementarya si Mama at namamahala naman si papa nang palayan na pinamana pa nang Lolo namin.
Iginapang nila na makapag-aral ako sa kilalang unibersidad dito sa Maynila. Kahit may scholarship ako ay hindi ibig sabihin na wala nang kailangan gastusin habang nag-aaral ako dito.
Malayo ang probinsya namin kaya naman ay nangungupahan ako sa isang dorm malapit sa pinapasukan ko.
Dali-dali akong naligo at nagbihis. This is the first day of the second semester in my fourth and last year as a college student.
Maaga ang schedule ko sa first subject this sem kaya naman aligaga ako dahil tanghali na ako nagising!
"Oh! Ayan kasi tinanghali na magising. Feeling mo naman bakasyon ka pa, aligaga ka tuloy!" natatawang sabi nang roommate ko na si Tricia.
Inirapan ko lang siya tsaka dali-dali nang bumaba. Pagkababa ko ay wala na ngang tao sa living room kahit ang landlady namin ay wala na.
"Shit! 30 minutes na lang. Sana wala pang prof!" dasal ko habang mabilis na naglalakad.
Pagkarating ko sa gate ay halos takbuhin ko na ang hallway papuntang third floor.
Natatanaw ko na ang professor namin na malapit nang makarating sa classroom namin kaya dali-dali akong tumakbo nang may nabunggo pa akong matigas na bagay.
"Aray! Bwisit naman, late na nga yung tao eh!" habang pinapagpagan ko ang sarili ay may kamay na sumulpot sa harap ko.
Nag-angat ako nang tingin at tumambad sa akin ang nakangising si Rafael. Yes, I know this boy right here.
"Are you okay?" aniya sa baritonong boses. Duh!? mukha ba akong okay? nakita nang natumba diba?
"Kung ikaw ba mabangga at matumba, magiging okay kalang? Tumingin ka nga sa dinadaanan mo!" Tinabig ko ang kamay niya at dali-daling tumayo para pumasok na sa classroom.
Pag hakbang ko umalingawngaw ang malakas niyang tawa.
"Ako pa ang nasisi? You are the one who bumped into me, Miss. Ikaw ang di tumitingin sa dinadaanan mo."
Nilingon ko siya gamit ang matatalim kong mata. Tss bakit pa ba ako mag-aaksaya nang oras sa lalaking to?
Hindi ko na siya sinagot at akmang tatakbo na ulit nang may naramdaman akong humila sa braso ko.
"I am still talking to you, Garcia. Where do you think you're going?" sobrang lapit nang mukha namin sa isa't-isa.
I can see upclose his thick eyebrows, almond hazel eyes, greek pointed nose and his red half-open thin lips.
I admit it! I find him handsome and hot, I first saw him at foundation day last year of our university.
We were watching the basketball game of our department, Business Administrartion Department and their team, Engineering Department.
Of all the players, he caught my attention. I find him really attractive and he plays well. I even had a crush on him na mabilis din namang nawala.
I found out about his reputation with girls and his personality that turned me off.
YOU ARE READING
Way back to you
RomanceSelene Angela Garcia, a hopeless romantic and simple college student, has no time for games. But destiny must have been playing with her when she met the arrogant, rude, and playboy Rafael Alfonso Del Fuego III. She dislikes people like him. She swe...