Changes
How's my day? tanong ko sa isip ko dahil alam kong wala nang magtatanong nito sa akin na tulad nang dati
Bahagya akong natawa sa naiisip ko, malungkot na nga ako mas lalo ko pang pinalulungkot ang sarili ko. A lot of good things happened today. Nasali ako sa dean's lister and na approve na ang visa ko for Canada, ngunit lahat ng ito ay tila balewala pagkatapos ko makausap ang nobyo ko sa loob ng pitong taon
I was too excited to tell him earlier about those things, but I was the one who got shocked, he broke up with me haha for seven years talaga ha ngayon pa
"I think we need time to grow individually and enjoy life. Kasi kung tayo naman talaga, tayo talaga, 'di ba? I just need time and space and sa tingin ko hindi ko iyon makukuha kung hanggang ngayon ay nakadepende pa rin ako sa relasyon natin"
Grow individually? talaga? ang unreasonable niya! and it frustrates me to think na sobrang okay namin tapos biglang gano'n, I gave everything to him. Lumuwas akong Cebu para lang makasama siya kahit alam kong gusto ng pamilya kong manatili ako sa Negros and after everything that I sacrificed for him? Iniwan niya pa rin ako. I begged for him to stay but he's too heartless to hear my plea
Para akong hangin naglalakad pauwi, hindi ko alam ano gagawin ko o kung ano gagawin ko bukas at sa mga susunod pang araw. Hindi na magiging tulad sa aking nakasanayan araw araw, magpakatatag man ako ay alam kong iiyak pa rin ako
Mula sa pagising sa umaga hanggang sa pagtulog sa loob ng pitong taon ay siya lang ang kausap ko lagi, natatakbukan, nakekwentuhan, at nasusumbungan sa lahat ng bagay, kaya hanggang ngayon ay hindi ko pa rin lubos maisip na tapos na kami, na iniwan niya na ako .
Nabalik sa kasalukuyan ang isip ko nang marinig ko ang tunog ng camera shot, napatingin ako sa gilid at nakita ko ang isang lalake na nakatayo di-gaanong malayo mula sa kinatatayuan ko
"Nice shot" sabi nito sabay tingin sa akin
I can't clearly see him, masyadong madilim at ang nagsisilbing liwanag lamag ay mga ilaw ng mga dumadaang sasakyan sa highway at ang led light mula sa Downtown Bar
"Bakit mo ako pnicturan?" nanatili lang ako sa pwesto ko habang inaantay ito sumagot
"Uhm sorry miss, random shots lang sa mga nadaan saka professional na photographer naman ako" sabay kamot nito sa ulo at tila ay hahakbang papalapit sa akin
"Teka, bakit ka lalapit?" kinakabahang tanong ko habang nahakbang paatras sa aking linalakaran, madilim na ang bahaging ito sa lugar pero alam ko maraming tao sa loob ng Downtown
Hindi naman siya mukhang masamang tao, mukhang matalino at malinis, ngiti niya ay magiliw rin kaya alam kong hindi siya masamang tao, but for some reason napapaatras ako. Kinakabahan ako sa hindi ko alam na rason.
"Baka kasi gusto mo makita mga kuha ko sa'yo? and you look good sa kahit anong shots at iba't ibang angle" he smiled
Unti- unti akong naglakad palapit sa kaniya at tumayo sa gilid niya upang tingnan ang pictures ko, ang ganda nga ng mga kuha niya pati angles and I like the background na parang blur ang lights at naka-focus lang sa akin ang camera
"You look prettier up close" he said while looking at me. I feel a bit of awkwardness kaya agad akong dumistansiya at ngumiti lamang
"Thank you," tumikhim ako
"Uhm... uwi na ako" imik ko ulit nung hindi ito kumibo at nakatitig lang sa akin, habang ako naman ay hindi man lang makatingin ng diretso sa kaniya
Tatalikod na ako nang bigla niya akong hinawakan sa braso upang pigilan sa paghakbang. Nagtatanong ang mga mata ko nung tumingin ako sa kaniya