Veronica's Pov
Kakatapos ko lang ayusin yung mga gamit ko akala ko kasi hindi totoo yung sinabi ni sir Tryke kagabi, dumating siya bigla na may kasamang bodyguards.
Naghintay siya ng isang oras dito sa apartment ko may ginagawa kasi ako kanina alangan iiwan ko yun.
"Tapos na po." kunti lang yung dinala kong damit tapos yung mga gamit ko iiwan ko lang dito.
"Let's go." kinuha naman ng bodyguards niya yung luggage ko. Pagkalabas namin sa unit ay nilock ko na yung pinto tsaka sumunod sa kanila.
Nagtataka ako kung bakit siya lang ang may bodyguards sila ma'am Dhimples wala. Takot ba siyang magisa at kailangan niya ng bodyguards hahaha. Agad naman bumukas ang elevator kaya pumasok na kami.
Huli akong pumasok so nasa likod ko lang sila. Ang awkward naman neto syet. Bumukas ang pinto ng elevator at pumasok yung dalawang babae.
"Ouch." binangga ba naman ako tapos inirapan.
"Come here babe." hinila ako ni sir Tryke at inakbayan. Inirapan ko din yung dalawang babae.
"Akala mo naman maganda." bulong ko. Tinignan ko sila mula ulo hangang paa.
"Are you insulting us?" I shrugged.
"Let's go babe, hindi mo sila ka-level." napanganga yung dalawa sa sinabi ni sir Tryke. Lumabas na kami ng apartment at naglakad papunta sa kotse ni sir Tryke.
"T-thank you po." nginitian lang ako ni sir Tryke.
"Pumasok ka na, kakausapin ko lang yung bodyguards ko." tumango ako. Binuksan ni sir Tryke yung pinto ng front seat.
•••
Nakarating na kami dito sa bahay niya. Ang ganda ng bahay ni sir, Tryke. Hindi naman gaano kalaki yung bahay niya sakto lang.
"Let's go." bumaba na kami ng kotse niya at naglakad papasok sa loob ng bahay. Mahilig ata siya sa black and white. Yung mga kagamitan niya black tapos white yung interior. "Listen everyone." nakakatakot naman yung mga kasambahay niya. "This is Veronica my soon to be wife..." nanlaki yung mga mata ng kasambahay niya.
"Sir h-hiwalay na po ba kayo ni ma'am Ashley?" napayuko na lang ako.
"Back to work. Tara Veronica, don't mind them." sumunod na ako sa kanya. Mukhang hindi ako safe dito ah. Umakyat na kami sa hagdan.
"S-sir k-kailangan po bang magsama tayo? P-parang h-hindi po ako safe dito sa bahay niyo." pumasok kami sa isang kwarto. I think room niya ito.
"I'll talk to them. This is my room and dito ka din matutulog. Inaayos pa kasi yung kabilang room." tumango ako. "Yung car mo pinakuha ko na."
"S-salamat po."
"Kung may kailangan ka sabihan mo lang ako. Bukas pwede ka ng pumasok sa trabaho mo." bukas pa ako papasok? Anong gagawin ko dito? "You can put your things next to mine." napatingin naman ako sa walk-in closet niya.
"Okay po." in fairness maayos yung mga damit niya tsaka malinis.
"Iiwan muna kita dito sa bahay, may meeting ako."
"S-sir Tryke p-pwede po ba ako pumunta sa supermarket?"
"Tryke. Stop calling me "sir". Yes you can, is Lee coming with you?" umiiling ako. "I'll ask Kingston to accompany you."
"Ay hindi na po kailangan sir...T-tryke. Kaya ko naman e."
"No." napakamot na lang ako sa ulo ko. Bakit niya ba 'to ginagawa? "Hintayin mo na lang siya, he's on his way. I have to go."
"Sige po, ingat."
"Thank you." lumabas na siya ng kwarto niya. Baka paandar lang ni sir Tryke yung ganon. Yung concern siya pero hindi naman talaga.
•••
Bumili ako ng mga kailangan ko like toiletries, biscuits. Baka kasi lalasunin ako ng mga kasambahay ni Tryke kaya bumili ako ng sa akin.
"Sir salamat sa pagsama sa akin."
"Sir ka dyan. Kingston, na lang." nginitian niya ako.
"Kuya na lang?"
"Sige, pwede na." nakarating na kami sa bahay ni, Tryke. "Yung sinabi ko sayo kanina ah." tumango ako. Tinulungan ako ni sir Kingston ipasok sa loob ng bahay yung pinamili namin.
"Hello po sir." bati ng ibang kasambahay kay sir, Kingston. Umakyat na kami sa hagdan.
"Hindi mo man lang binati pabalik."
"Hayaan mo yun sila. Isang kwarto kayo?" tumango ako. "Why? May vacant room naman."
"Inaayos pa daw." kumunot noo niya.
"Huh? Inaayos? Doon nga ako natulog kagabi." natatawa si sir Kingston at napailing-iling.
"Salamat."
"You're welcome. Ayos ka lang ba dito or hintayin ko na lang si kuya makauwi."
"Ayos lang ako, marunong naman akong lumaban kung may ginawa sila." taekwondo ata to.
"Sige, tawagan mo lang ako kung may nangyari." tumango ako at ngumiti. Nagpaalam na si sir Kingston at lumabas na ng kwarto.
Nagsimula na akong ayusin yung mga gamit ko at nilagay sa closet. Habang nagaayos ako may nahulog na papel galing sa bag ko. Prescription para sa sakit ko. Hindi ko na binasa tinago ko na lang. Maayos naman ako e wala akong nararamdaman na masakit sa katawan ko.
Last year I was diagnosed with ovarian cancer. Pero bumalik yung sakit ko. Hindi na ako nagpagamot ulit kasi bumabalik lang. Hindi alam ng family ko, si Lee lang ang nakakaalam.
BINABASA MO ANG
𝐌𝐚𝐫𝐫𝐲𝐢𝐧𝐠 𝐌𝐫. 𝐂𝐄𝐎
Roman d'amour𝐌𝐀𝐓𝐔𝐑𝐄 𝐂𝐎𝐍𝐓𝐄𝐍𝐓 | 𝐑-𝟏𝟖 𝐖𝐚𝐫𝐧𝐢𝐧𝐠: Not suitable for young readers and sensitive minds. It contains graphic sex scenes, adult languages and situations intended for mature readers only.