Chapter 25

10.9K 369 32
                                    

RAQUEL
#Banta

"Hey, Raquel! Let's dance!" May humapit sa aking beywang, kasunod ng pag-indayog ng katawan nito sa harapan ko. Si Ginoong Greg na sumasayaw paikot sa akin.

"A-alis na ako Sir Greg!.  Nakita ko na ang Kuya ko!." Medyo napalakas ang aking boses upang marinig niya ang sinasabi ko, sumasayaw lang ito at hinahawakan ang aking beywang.

Kinikilabutan ako sa takot sa paraan ng paghaplos niya sa aking beywang. Hindi ako makaalis dahil sa mga taong nakapalibot sa amin, hindi ko na din makita si Colosas sa unahan.

"Mamaya na! Sayaw muna tayo!" Pagngisi niya sa akin, at saka mabilis niyang nakuha ang magkabilang kamay ko, at kaniya iyong isinayaw.

"H-hindi po ako marunong sumayaw, sir Greg!." Umiling lamang ito at saka umikot-ikot ito sa akin, na hawak ang mga palad ko.

"Akong bahala!" Ngising sabi nito. Hinanap kong muli sa buong paligid si Colosas, pero hindi ko na sila makita sa pwesto nila kanina. "Hey, enjoy the night!" Pukaw ni sir Greg. Ngumiti lang ako at saka nilibot muli ang tingin sa paligid na'min.

May nakita akong magkapareha na mga babae at lalaki na kung makasayaw ay para bang naghahalikan na, ang ibang magkapareha ay dikit na dikit ang mga katawan. Agad ko ng iniwas ang aking paningin. Maingay at parang walang pakialam sa paligid ang iba.

"U-uwi na ako, sir Greg!. Baka nandoon na ang Kuya ko!." Kuha ko sa atensyon nito na marahas pa din ang galaw, habang ako naman ay nakatayo lang dito sa pwesto ko.

"Ok! Let's have a drink first, bago ihatid sa inyo—"

"Huwag na po!. Nakakahiya naman sa iyo!" Umiling ito bago ngumisi.

"No, I insist! Let's go and have a drink!" Mabilis nitong nahawakan ang beywang ko, at saka iginaya sa bakanteng lamesa, sa mga upuan na nakahilera dito sa dalampasigan.

Pagkaupo na'min ay tumawag agad siya ng waiter, na agad naman may lumapit sa lamesa na'min.

"One glass of vodka!" Sabi nito bago bumaling sa akin. "Ano sa iyo?"

"Hindi po ako umiinom!." Agad na pag-iling ko, pero ngumisi lang ito.

"How about juice?" Pangungulit nito. "Don't worry, libre ko!" Dagdag nito.

"S-sige, juice na lang." Pagpayag ko para makauwi na agad ako. Nakakahiya na tumanggi dito, kase sinamahan niya akong pumunta dito.

Nakita ko ang pagsenyas nito sa lalaking waiter, bago ito tumango at lumakad na. Bumaling sa akin ang tingin ni Ginoong Greg.

"Bakasyunista din kayo dito sa Bora?" Napatango ako sa tanong nito.

"Oo. Kanina lang kami dumating. Ikaw po, bakasyunista din?" Nakita ko ang pagtango din nito.

"Two days na kami dito."

"May kasama ka pala?"

"I'm with my friends. Nandoon lang sila with their chicks!" Turo nito sa mga sumasayaw. Napatango na lang din ako at napayuko, nang makita ang kakaibang paghagod nito ng tingin sa akin. Nakakailang ang mga titig nito.

"Here's your order!" Tawag pansin ng dumating na waiter, dala ang dalawang baso, una nitong nilapag ang kay Ginoong Greg bago sa akin.

"Salamat." Sabi ko sa waiter bago ito tumango at umalis din agad.

"Cheers for this night!" Pagtaas nito sa kaniyang baso kaya itinaas ko din ang baso ko sa kaniya, ibinunggo niya sa akin ang baso bago ininom ang laman noon, alak 'yata ang sa kaniya.

Hunstman Series #:7- The Mafia BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon