Akala ko, pagkatapos ng nangyari kagabi ay maging maayos na kami ngunit hindi pala. Naging marahas pa siya sa akin ngayon. Kaunting mali lang ay bulyawan na ako. Hindi ko lang masagot kaagad ang tawag niya sigawan kaagad ako. Pinagbuhatan rin ng kamay at mas malala pa ngayon.
Agad kong sinara ang laptop nang pumasok siya sa kwarto. Abot langit ang kaba ko ng makitang masama ang timpla niya kaya agad akong lumapit sa kanya at nanginginig ang kamay na kinuha ang bag na dala niya at ipinatong iyon sa ibabaw ng lamesa. Marahas niyang binaklas ang kamay ko ng hubarin ko sana ang coat na suot niya. Masama niya akong tiningnan bago tinalikuran. Mariin akong napalunok at lumabas sa kuwarto.
Isang buwan. Dalawang buwan na pagtitiis ko sa kamay niya. Ito ba ang tunay na siya? Ang tunay na pagkatao niya? Ano pa ba ang kailangan niya sa akin bakit hanggang ngayon hindi parin niya ako pinakawalan? Parte parin ba ito ng hustisya o paghihiganti dahil sa relasyon nilang dalawa na sinira ko?Pero pwede naman nilang ayosin iyon, kahit ako na mismo ang magpapaliwag sa kanyang ama at sa nobya niya gagawin ko para lang makawala siya sa akin at matapos na ang paghihirap niya kasama ako.
I sigh. Kakagising ko lang dahil nilaspag na naman ako kagabi ng asawa ko, nagkapasa pa ako sa magkabilang braso dahil sa higpit ng paghawak niya. Bumangon ako sa kama upang maligo, dapat fresh ako ngayon, happy because today is a special day.
Today is my 23rd birthday, ngunit si Alfred ang kasama ko dahil wala narin naman ang dalawa kong kaibigan at 'yong asawa ko-ewan kong alam ba niya na birthday ko ngayon. Pinilit ako ni Alfred na mag-celebrate ng birthday ko kasama siya dahil hindi raw puwede na walang celebration pero sabi ko kahit sa lomi nalang ayos na ako.
Nag pumilit siyang ihatid ako pagkatapos naming kumain, ayaw ko sana kaso nagpumilit kaya pinagbigyan ko. Pinagbuksan niya ako ng pinto at inalalayan na bumaba sa sasakyan nang makarating kami sa tapat ng bahay namin.
Ginawaran ko siya ng masayang ngiti. "Thank you Alfred -,"
"You fucking bastard."
Napahiyaw ako sa gulat ng matumba si Alfred habang yakap ko siya sa biglang pagsuntok ni Emmanuel. Hindi niya ito tinigilan hanggang sa dumugo ang ilong ni Alfred. Mabigat ang kanyang paghinga na tumayo at galit na bumaling ng tingin sa akin. Napaigik ako ng marahas niyang hinawakan ang braso ko. Ang higpit ng pagkahawak niya halos maiyak ako sa sakit dahil hindi pa magaling ang pasa doon na siya rin ang may gawa.
"You fucking slut!" madiin na sambit niya. Galit na galit. "Sa mismong harap ng bahay ko pa kayo-," huminga siya ng malalim at marahas akong binitawan.
Napawakan ako sa aking tiyan nang matumba ako. Mabigat ang kanyang bawat hakbang na tinalikuran ako papasok sa loob ng bahay.
"Mea," nag-alala na sambit ni Alfred sa pangalan ko at inalalayan akong tumayo. "Sumama ka na sa akin please. Hindi ko na matiis ang pananakit niya sayo."
Umiling ako at pinunasan ang luha na tumulo mula sa mata ko. "Hindi ko siya iiwan Alfred. Mahal ko ang asawa ko," huminga ako ng malalim. " Buntis ako. Noong nakaraang araw ko lang nalaman. Sasabihin ko ito sa kanya baka sakaling maging maayos ang trato niya sa akin. Pero kung hindi, ako na mismo ang aalis sa poder niya."
Tutol sana si Alfred sa gusto ko dahil lalo siyang nag-alala dahil buntis ako pero wala siyang magawa dahil ito ang desisyon ko. Nang maka alis si Alfred pumasok ako sa loob ng bahay. Kahapon ko pa sana sabihin kay Emmanuel na buntis ako pero lasing siya nang umuwi kaya walang chance na isabi ko iyon sa kanya. Napabuntong-hininga ako at hinimas ang maliit na umbok sa tiyan ko nang marinig ang pag andar ng sasakyan niya at mabilis na pinaharurot iyon paalis.
Dalawang araw ang lumipas hindi parin kami nagka-usap ni Emmanuel. Dalawang araw rin siyang hindi umuwi dito. Nang maglinis ako, nagsalubong ang kilay ko nang makita ang laman ng basurahan. Mga tinapon na ulam, sari-saring ulam at cake. Napatakip ako sa aking bibig at hindi ko napigilan ang mapahikbi nang mabasa ko ang nakasulat sa cake na nasa basurahan.
HAPPY 23rd BIRTHDAY, WIFE.
Napa upo ako sa harap ng basurahan kung saan naroon ang mga handa ni Emmanuel na itinapon niya. Alam niya ang birthday ko. Akala ko. . Napahagulhol ako nang makita ang confetti, balloon at ibang dekorasyon na itinapon niya rin. Shit! Bakit hindi ko man lang sinabi sa kanya? Bakit hindi ko nalang pinili na dito mag-celebrate kahit walang kasiguraduhan na sasaluhan niya ako. Ang gaga ko. Ang gaga-gaga ko. Iyon na sana ang pagkakataon na magka-ayos kami ng tuluyan pero dahil sa nangyari malabong mangyari pa ang nais ko.
Galit siya sa akin at alam ko kung ano ang gusto niya kaya nang makauwi siya ay nag lakas-loob ako na kausapin siya.
"Emmanuel," nanginginig ang boses na sambit ko sa pangalan niya. Walang emosyon siyang tumingin sa akin. " Alam ko gusto mo nang maghiwalay tayo. .ang mawala na ako dito sa bahay at sa buhay mo. . pero. .puwede bang . .pwede bang humingi ng pabor?" desperadang sambit ko. "Puwede bang pagbigyan mo ako sa first wedding anniversary natin. .na magpanggap na masaya tayo. .na mahal natin ang isa't isa. Puwede bang i-celebrate natin iyon na masaya? Promise, pagkatapos no'n hindi na kita guguluhin."
Walang pag-alinlangan na pumayag siya. October 15. Nagising ako sa kanyang halik, nakapulupot ang kanyang kanang kamay sa baywang ko at walang tigil sa paghalik sa buong mukha ko. Natatawa na gumanti ako ng yakap sa kanya. May inabot siya sa mesa. Lumawak ang ngiti ko nang makita kung ano iyon.
"Good morning. Happy wedding anniversary," saad niya at inabot sa akin ang isang pirasong pulang rosas.
"Salamat. Happy wedding anniversary," saad ko pabalik.
Pinamulahan ako ng mukha ng lumapat ang labi niya sa labi ko. Mabilis lang iyon pero ganoon rin kabilis ang tibok ng puso ko.
"Get up. Breakfast is ready."
Inalalayan niya akong bumangon at sabay na nagtungo sa kusina. Ipinagdiwang namin ang first wedding anniversary namin na masaya at puno ng pagmamahal. Ginampanan niya ng maayos ang kanyang pagpapanggap bilang isang mabuting asawa na mahal na mahal ako.
Sa loob ng isang taon na puro hindi maganda ang dinanas ko sa kamay niya nabura iyon lahat sa isang araw lang. Isang araw na masayang alaala na babaunin ko habang-buhay.
"Happy anniversary."
Malambing na saad niya at inabot sa akin ang isang kumpol ng rosas. Nakangiti na tinanggap ko iyon. Inabot niya ang kamay ko at ipinatong sa kanyang balikat. Humawak siya sa magkabilang baywang ko at marahang sumayaw.
Tanging tibok ng puso naming dalawa ang nagsilbi naming musika. Nakahiling ako sa kanyang dibdib at dining ko ang malakas na kabog ng kanyang puso.
Pinigilan kong mapaluha. Masaya ako. Masayang-masaya dahil ang sana ko lang noon ngayon ay naranasan ko na sa piling niya. Gusto ko mang hilingin na sana hindi ito mag wakas ngunit huli na. Napakapit ako sa kanyang leeg ng buhatin niya ako at pumasok sa kuwarto. Maingat na inilapag niya ako sa kama at pumaibabaw siya sa akin at masuyo akong hinalikan. Buong puso akong tumugon sa kanyang halik at walang pagtutul na nagpaubaya sa kanya.
Mahigpit ang kanyang yakap sa baywang ko ng makaraos siya. Banayad ang kanyang bawat paghinga, humahaplos ng kanyang kamay sa buhok ko ngunit nakapikit ang mata. Gusto kong malaman kung ano ang iniisip niya. Kung may gusto ba siyang sabihin sa akin. Gusto ko mag-usap kaming dalawa pero nagdadalawang-isip ako na magsalita.
Hanggang sa makatulog yakap niya parin ako na puno ng pagmamahal. Yakap na ayaw akong pakawalan. Hindi ko napigilan na haplusin ang kanyang mukha. Tinitigan ko iyon at sinaulo ang bawat anggulo. Mahimbing na ang kanyang tulog ngunit yakap niya parin ako, nakakulong parin ako sa kanyang mga bisig. Ngunit kailangan kong kumalas kahit mahirap ang bitawan siya.
"Mahal na mahal kita," mahinang usal ko. "Malaya ka na, mahal."
Dahan-dahan kong inalis ang kamay niyang nakayakap sa akin at bumaba sa kama. Kinuha ko ang ultrasound picture ng anak namin at nag-iwan ako ng maikling sulat para sa kanya ipinatong ko iyon sa ibabaw ng mesa. Sa huling pagkakataon tinitigan ko ang kanyang mukha. Pinatakan ko ng halik ang kanyang labi at marahang hinaplos ang kanyang mukha. Ito ang huling beses na mahawakan at masilayan kita, mahal. Hilam ang aking mata na lumabas ng silid.
Kinuha ko ang bag na dadalhin ko sa likod ng sofa kung saan ko iyon tinago at mabigat ang dibdib na nilisan ang bahay niyang isang taon kaming nagsama dalawa.
'Thank you for everything and I'm sorry. Malaya ka na.'
BINABASA MO ANG
My Ruthless Mafia Husband [COMPLETED]
General FictionR-18. Not suitable for young readers. Debbie Mae Layson, ang babaeng naghahangad na mapansin at makita ng lalaking pinagpantasyahan niya sa magazine; si Emmanuel Montefalco. Ngunit sa hindi inaasahan, dahil sa dare ng kanyang kaibigan na akitin...