LIHAM II

4 0 0
                                    

II/XXVII/VII
ENROLLMENT

Kanlungan,

Ngayon ang araw ng pagpapatala
kaba ang nadarama
sa bawat hakbang ng paa
akibat nito ang daan-daang buntong hininga
tama nga ba ang aking kinuha?

Alas-otso ang takdang oras
aligaga sa bawat kumpas
upang masunod ang nasa batas
pero nagkulang at naging kapos
oras nang dumating lahat na ay tapos.

Ako'y nagtanong sa gurong sumusubo
ng tanghalian niya sa oras na'to
"Maaari pa ho ba ako magpatuloy ngayong araw na ito?"
nakuha ko ang kanyang pansin at tumango
sabay sabing, "Oo."

Subalit kami na muna raw ay kumain
sapagkat alas-dos ang umpisa at baka kami'y gutumin
niyaya ko si Cale sa canteen
ang lawak dito na talagang yayamanin
ganon din ang putahing inihain sa amin
na kinabutas din ng aming bulsa, ating namnamin.

Natapos magpakabusog, ako na'y pumila
bitbit pa din ang kaba sa tuwi'na
iisipin ko ang kalalasan na
umusad ang pila hanggang sa ako na ang kaharap nila.

Isa, dalawa, tatlo
malapit nako sa dulo
ngunit kulang ng isa ang requirement na dala ko
dalawa nalang ay tapos na dapat ako
paano na ako nito?

"Bumalik ka sa ika-5 ng agosto, yan ang huli mong pagkakataon." ika ng guro.
"Salamat ho." ang sagot ko.

Nagpaalam kay cale,
sabay uwi.

Aking binalita sa mga magulang
kung bakit mukha akong lutang
requirement na kulang
na siyang inasikaso nila ng walang pagaalinlangan
PSA nga pala ang dahilan
kaya umuwi ako ng luhaan.

Dumating ang araw ng agosto
kahit hindi ko ginusto
kailangan ko nang magseryoso
dahil maraming umaasa na malalampasan ko ito
at lumikha nang ikakadismaya nila, ayoko.

Isinama ko ulit ang matalik na kaibigan
hindi ko kayang mag-isa
siya ang laging kasama
saan man magpunta
salamat siya ay nakilala.

Kami ay nagbalik muli
na sana sa paguwi
bitbit na ang ngiti sa labi
na siya namang nangyari.

Nakapasok ako
sa kursong gusto niyo
sana ay masaya kayo
kase ganon din ako, kanlungan ko.

Nagmamahal,
Sina Guardian Bobita

Liham Para Sa'yoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon