Mabilis na kinuha ni Faye ang susi ng condo maging ang wallet niya. Dali-dali siyang nagbukas nang pinto ngunit bigla na lang sjyang napahinto hindi pa man siya nakakalabas ng tuluyan.
"Sa susunod na lang pala, kailangan ko pang gawin ang pending activities ko," saad niya sa kaniyang sarili.
Sinarado niya ulit ang pinto; bagsak ang balikat na naglakad pabalik sa sofa at doon ay basta na lang itinapon ang sarili.
"Bakit ba naman kasi ang dami nito!" reklamo niya.
Lumipas ang dalawang linggo. Habang si Athena ay napapalapit kay Joaquin sa bawat gabi na magkasama sila, laking kalbaryo naman para kay Faye na tapusin ang mga school works niya na hindi maubos-ubos dahil palaging nadadagdagan ng panibago.
Hindi lang 'yon ang naging problema ni Faye dahil madalas siyang binabangungot; hindi makatulog, at kapansin-pansin dito na nagiging mailap na siya sa sa ibang tao.
Napansin ni Athena na simula no'ng umaga na nakauwi si Faye galing sa practice, maraming nagbago rito. Sa tuwing tatanungin naman ni Athena kung bakit, ang laging sagot lang nito ay 'nagiging abala ka na kasi sa trabaho ate, kaya akala mo lang 'yon, pero ang totoo, hindi' kaya naman hindi na lang pinansin ni Athena dahil naisip niya na may punto ang kapatid niya at baka dahil nga 'yon do'n.
"Faye? Nagkukulong ka na naman dito. May masakit ba sa 'yo?" nadatnan ni Athena ang kapatid na nakahiga lang sa kama habang nakatitig sa kisame.
"Masama lang ang pakiramdam ko, Ate. Kagabi pa masakit ang ulo ko," pag-amin nito.
"Gano'n ba? Oh sige, pahinga ka muna r'yan, ipagluluto lang kita ng makakain mo para makainom ka nang gamot."
"Wala ka bang pasok ngayong araw, Faye?" usisa ni Athena habang kumakain sila.
"Mayroon po, mamayang hapon pa, Ate. Bakit?"
"Papasok ka ba? Huwag na lang kaya? Pahinga ka muna rito," suhestiyon ni Athena.
"As much as I wanted po, pero may exam pa ako mamaya," tanggi ni Faye. "Madadaan naman 'to sa gamot, Ate."
Naging maayos naman ang pakiramdam ni Faye kaya nagawa pa nitong pumasok.
"Nakapag-review ka ba, Faye? Ang hirap pa naman ni Sir magpa-exam," bungad ni Mika pagkakita nito kay Faye na nakaupo.
"Tapos 'yong mga tanong sa exam ay 'yong mga hindi ko naaral. Gosh!" dugtong ni Tracy.
"Ay nag-aaral ka ba? Mas inuna mo pa ngang kumain kaysa mag-review, e!" kontra ni Mika na tinarayan pa si Tracy.
"Wow, ha? Kahiya naman sa 'yo. Pinagmamalaki mo na hindi mo na kailangan mag-review kasi mayroon ka namang stock knowledge pero 'yong score, 15 out of 50!" hindi naman nagpapatalong bwelta ni Tracy.
"Nagtatalo pa kayo e pareho naman kayong tamad mag-review," angal ni Faye.
"Maiba tayo," saad ni Mika na lumapit kay Faye. Maging si Tracy ay lumapit din para marinig ang sasabihin ni Mika. "Kailan mo sasabihin sa Ate mo? Medyo nakokonsensya na rin kasi ako," bulong nito.
Nagkibit-balikat na lang si Faye. Bago pa siya makapagsalita ay dumating na ang instructor nila. Nagkagulo naman ang mga istudyante para ayusin ang upuan nila. Natahamik ang lahat, ang mga mata ay nakatutok lamang sa instructor nilang walang-imik habang tinitignan sila isa't isa.
Napalunok si Faye ng ilang beses matapos huminto sa kaniya ang tingin ng instructor. "I have something to discuss with you. I'm expecting you at my office after the examination, Ms. Cunanan," seryosong saad nito.
Kinakabahan man ay sinubukan ni Faye na hindi ito ipahalata. "Yes po, Sir!" sagot ni Faye. Tumango lang ang instructor at umiwas na ito ng tingin.
"All I want to see is a pen on your desk. There's nothing else aside from that." Istrikto at ma-awtoridad na instruction nito.

BINABASA MO ANG
Countless Nights with the Mayor (Completed)
General FictionR-18 | COMPLETED Ernest Joaquin Sarmiento x Nesca Athena Cunanan Started: 10/04/2022 Finished: 02/03/2023