THIS ONESHOT IS SPECIALLY DEDICATED TO OUR FAVORITE SUPER ATE, MANANG IMEE MARCOS!!! WE LOVE YOU SEN! ❤
MALACAÑANG – November 1966
Abala ang buong palasyo para sa nalalapit na kaarawan ng anak na panganay ng presidente at unang ginang. Ito ang magiging ika-11 taon ng kinikilalang pinaka matalinong anak ng mag-asawa. Ang nasabing anak ay kilala bilang babaeng bersyon na kanyang ama dahil sa natatanging angking talino nito. Hindi lang basta matalino kung hindi talinong lumelebel sa talinong taglay ng kanyang ama, kaya kung tawagin ito ng presidente ay kanyang 'darling genius of a girl'
'Madame, saan niyo po ito gusto ilagay?'
Tanong ng isa sa mga kasambahay sa palasyo bitbit ang maraming lobong may iba't ibang kulay
'Doon sa may stage. Pero ikalat niyo din sa kisame at saka maglagay din kayo sa paligid ng sahig'
Utos ng unang ginang na mabilis namang sinunod ng mga kasambahay
Nais ni Imelda na gawing espesyal ang magiging pagdiriwang ng kanyang panganay, iyon ay sa kadahilanang gusto niya itong mapasaya
Simula ng maihalal si Ferdinand bilang pangulo ng Pilipinas at lumipat na sila dito sa Malacañang para manirahan ay hindi na naging ganoon kasigla ang kanyang panganay. May mga araw pa din naman na magiliw ito, subalit hindi na kasing giliw tulad ng dati noong naninirahan pa sila sa San Juan. Maraming beses niyang tinangkang kausapin ang anak kung bakit ito parating malungkot subalit hindi naman ito nagsasabi. Sinubukan niya din kausapin ang kanyang asawa at ito na ang magtanong, ngunit parehas lang din ang sinabi nito sa ama. Nalulungkot nga si Imelda dahil pakiramdam niya ay unti unting lumalayo ang loob ng kanyang panganay sa kanya
'Andito na po ang mga anak niyo'
Anunsyo ng isang maid bago siya takbuhin at niyakap ng mahigpit ng dalawa niyang bunso
'We missed you mommy'
Napaka lambing na sabi nila Bongbong at Irene habang nakayakap sa ina na siyang ikinasaya ng kalooban ni Imelda kaya't mahigpit niya ring niyakap ang dalawa
'I missed you two.... but where's your manang?'
At bago pa makasagot ang dalawa niyang bunso ay sumulpot na si Imee, mabagal na naglalakad papunta sa kanya, malungkot at mukhang galing sa pag-iyak
'Hey, what's the matter?'
Nag-aalalang tanong ni Imelda pagka tanggal niya kina Bongbong sa kanya at saka niya sinalubong ang kanyang panganay. Mabilis namang nagsitakbuhan ang dalawang bata kung kaya't naiwan na lamang sina Imelda at Imee
'What happened, sweetie?'
Pag-uulit ni Imelda habang hinahaplos sa ulo ang anak na wala namang kibo at hikbi hikbi pa