Arwin

4.2K 125 3
                                    

"Kumain ka na! Ano ba! Pinahihirapan mo ba ako!" Sigaw niya sakin at hinila ang braso ko, napaaray pa nga ako sa sakit eh. Bat hindi na naman niya kasi ako maintindihan!

"Wala akong gana!" Sigaw ko sa kanya, napabuntong hininga siya. Sino ba naman ang gaganahang kumain sa ganitong sitwasyon, nakakulong sa isang taong hindi mo nakita ng ilang taon after kayong maghiwalay!

"Hindi ka na kumain kaninang umaga! Tapos ngayong hapon ulit?! Wala ka pa ring gana!" Sigaw niya sakin, aaminin ko sa inyo gustom na gutom na ako kaso lang napapangunahan ang kawalang gana ko.

"Bitawan mo nga ako! Nasasaktan na ako!" Sigaw ko sa kanya

"Kumain ka na!" Malamig na sabi niya, umiling ako

"Kakain ka? O sasaktan pa kita?" Malamig na sabi niya, na ikinatakot ko. Perp dapat nasasanay na ako, eh palagi na naman niya kasi akong sinasaktan. Pero natatakot pa rin ako sa kanya, binitawan niya ako.

"Kumain ka na... Pagbalik ko dito, dapat ubos na yan!" Sabi niya at lumabas ng kwarto, napabuntonghininga ako at lumapit sa study table ng kwartong ito, padabog akong umupo sa upuan at tinitigan yung pagkain. Masarap naman yung ulam. Napatingin ako sa singsing na soot ko, bigay toh ng boyfriend ko napangiti ako at napaluha ulit. Miss na miss ko na siya, sila mom at dad. Simple at murang singsing lang toh pero pinapahalagahan ko toh.

Nagsimula akong kumain dahan dahan, baka saktan na naman talaga ako ni Arwin, Arwin Yongzon panglan ng Ex ko. Sobrang sobrang nakaganti na siya sakin. Hindi na ako nakadating sa kasal ko, tapos hindi ko na gagawang pakita ang boyfriend ko.

"Salamat naman kumain ka na.." Napalingon ako sa pintuan siya ulit. Nawalan na naman ulit ako ng gana, may dala siyang isang plato. Napataas ang isang kilay ko. Lumapit siya sakin at umupo/sa katabi kong bakanteng upuan. Ipinatong niya yung plato sa mesa, na may pagkain din.

"Sabay nalang tayo.." Sabi niya sabay ngiti sakin. Tumahimik lang ako at kumain nalang ulit.

"Pupunta ako sa mall bukas, may papabilhin ka ba?" Tanong niya sakin. Umiling lang ako. Mapupuno na nga tong kwarto ng mga kung ano anong mga gamit na binibili niya para sa akin eh. Na hindi ko naman nagugustuhan, sinong magkakagusto sa mga binibili sa iyo ng isang kidnapper!

"Wala ka ba talagang papabilhin? Sabihin mo lang sakin kung meron, bibilhin ko.." Sabi niya, napatitig ako sa kanya, habang kumakain siya. Wala pa rin namang nagbago sa itsura niya, gwapo pa rin siya. Oo aaminin ko gwapo siya. Para ngang anghel kung titignan eh... May naalala ako bigla, yung unang nagpakilala ako sa knya, yung una naming pagkikita sa isat-isa

*****

"Oh! Lapitan mo na dali!" Sigaw sakin ng isang kaibigan ko, at tila itinutulak ako sa gwapong lalaki na nasa ilalim ng puno nakaupo at nakatingin sa mga batang naglalaro dito sa park.

"Dalian mo na! Para matapos agad!" Sigaw nung isa, dalawa na silang tumutulak sakin. Exited sila masyado, naglalaro kasi kami ngayon ng DARE. At minalas ako, dahil sakin tumapat yung ballpen, kaya ako ngayon ang inuutusan.

"Ano ba! Ang tagal mo naman!" Sigaw nila sakin, lalapit lang naman ako at makikipagkaibigan, kaso ang lalapitan ko ngayon ay si Arwin Yongzon, pinakakinakatakutan sa buong camous maski sa ibang lugar. Siya ang oinakasikat na lider ng isang GANG na kungtawagin ay DeadPen.

"Bilis na!" Sigaw nila ulit. Napabuntong hininga ako at dahang dahang lumakad papalapit kay Arwin, ilang hakbang nalang. Wala pang may nakakalapit sa kanya, bukod sa mga kaibigan niya. Seryoso siya at palaging tahimik. Malamig ang pakikitungo niya sa iba.

HE KIDNAPPEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon