Chapter 32

2K 39 4
                                    

Emmanuel point of view.

Labag man sa loob ko na ikutin ang loob ng buong shopping ko at obserbahan ang mga empeyado ko wala akong magawa kundi gawin ito dahil sa utos ng aking ama. Two years ago, mula noong ibinigay na ito ni papa sa akin at ako na ang namamahala at ito ang unang beses sisilipin ko ang mga empleyado ko at kung ano ang takbo ng tindahan ko.

Unlike dad, ayaw ko pagpiyestahan ng mga tao lalo na ang media. Lalo na ngayon at naging matunog pa lalo ang pangalan ko ng maiulat sa article na isa akong mafia, araw-araw may media na naka abang sa mansyon ni dad at sa labas ng Shopping Mall ko para lang maka-usap ako upang kumpirmahin iyon.

Sa paglilibot ko, I saw a familar face, a familiar scent, a familar heartbeat when I see her. Palinga-linga ito na parang may hinanap. Nakasunod lang ako sa kanyang likuran sinundan ng tingin ang kanyang bawat galaw hanggang sa.

“Careful.”

Malamig na sambit ko nang saluhin ko ng yakap ang hubad niyang baywang ng mabunggo niya ako pagharap niya. Hindi ko mapigilan ang titigan ang kanyang  maamong mukha ng umangat ito ng tingin. Ang cute niya. Pero naiinis ako sa suot niyang damit na nakabalandara ang kanyang makinis na likod at tiyan.

“Ayosin mo ang damit mo. Kulang nalang maghubad ka sa suot mo.”

Hindi ko napigilang isatinig. Bumitaw ako ng hawak sa kanya at tinalikuran siya na nakatulala parin. Gusto kong suntukin ang sarili ko, chance na sana iyon pero na to-torpe na naman ako kaya heto ako nakatanaw lang sa kanya hanggang sa makalabas siya ng mall kasama ang mga kaibigan niya.

Ang pangyayari na iyon ay hindi nawala sa aking isipan. Para iyong sirang plaka na paulit-ulit na lumilitaw doon. Dalawang araw ang lumipas hindi ako nakatiis na hindi siya makita kaya nagpasya akong pumunta sa cafeteria kung saan siya nagtatrabaho ngunit ganon nalang ang inis ko ng makita ko siyang natumba.

“You okay?”

Kita ko ang pag-iba ng ekpresyon niya ng huminto ako sa harapan nila. I know she’s hurt pero pinili kong huwag siyang bigyan ng pansin dahil una, hindi niya naman ako kilala. Saglit ko pa siyang nilingon bago sumunod kay Babylen ng tawagin niya ako.

“Ahh! I am happy that my cousin is in love now.”

Parang bata  na ungot niya, napailing nalang ako at ngumisi. Yeah. I’m in love. In Love with the girl who does’nt know me.

Wala akong ibang ginawa kundi ang abalahin sa trabaho ang sarli ko dahil pakiramdam ko masisiraan ako ng ulo sa kakaisip sa kanya. Ilang linggo na ang lumipas mula noong huli ko siyang nakita sa cafeteria at hindi na nasundan pa dahil sunod-sunod ang meeting ko out of town.

Para makalimot sandali i-decided na pumunta sa resto bar para makapag-relax pero parang mali yata ang lugar na pinuntahan ko dahil imbis na mag-relax ako lalong naging agresibo ang katawan ko ng makita ko siya sa kabilang table kasama ang dalawa niyang kaibigan .

I know that she is sexy pero sa tuwing nakikita ko na nagsusuot siya ng sexy na damit naiinis ako. Gusto kong takpan ang likod niya dahil kitang-kita ito at ang ikli pa. Naiinis ako dahil ang daming lalaki na tumitingin sa kanya at hindi siya aware doon.

Sa kanya lang ang tingin ko habang sumisimsim ng alak sa baso na hawak ko at ganon nalang ang gulat ko at biglang pagbilis ng tibok ng puso ko ng tumayo siya at naglakad papunta…sa puwesto ko. Nakatayo lang siya sa harap ko parang nakalimutan kong ano ang sadya niya rito. At ako, natutulala ako sa ganda niya, sa amoy niyang para akong ginagayuma.

“What do you want woman?”

Mabilis na sambit ko ng akma siyang talikuran ako. I swallowed hard nang dahan-dahan siyang naglakad papalapit sa akin at bigla siyang natumba, huli na para masalo ko siya dahil bumagsak siya  sa harap ko..sa pagitan ng dalawang hita ko. Nanlaki ang kanyang mata na umayos ng tayo hindi pa ako nahimasmasan ng muli siyang bumagsak ngunit sa puntong ito sa bisig ko na.

My Ruthless Mafia Husband [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon