Emmanuel pov.
Kung kagabi galit ako sa kanya ngayon hinihiling ko na sana mamaya pa siya gumising nang masulit ko ang pagyakap niya. Kaninang madaling araw pa ako gising at hindi na ako ulit nakatulog nawiwili sa magandang dilag na nakayakap sa akin.
Nang magising siya nagkunwari akong tulog hanggang sa naramdaman ko na bumangon siya. Paglabas ko nakahanda na ang pagkain sa lamesa, kung ganito araw-araw ang gagawin niya baka hind ko mapigilan ang sarili ko na pagbigyan siya at pagnagkataon baka masanay ako at hanap-hanapin ko ang pag-aruga niya.
Sinabay ko siya papuntang Shopping Mall kung, pwede pati hanggang sa pamimili niya ay samahan ko siya pero hindi pwede dahil may trabaho akong nakatambak sa opisina. Pina-assest ko na lang siya sa empleyado ko ngunit tatlong oras na ay hindi parin sila umaakyat dito kaya pinatawag ko si Bethany at sinabing dito nalang sila sa third floor magpa-cashier.
HIndi siya nakinig sa sinabi ko na magpalit ng damit sa opisina ko, nanatili siyang nakatayo doon habang ini-swipe ang pinamili niya.
“Ma’am pwede mag tanong? ANo niyo po si, Sir?”
Rinig kong tanong ni Bethany. Nagsalubong ang aking kilay dahil hindi niya ito sinagot parang hindi alam kong ano ang sasabihin kaya ako nalang ang sumagot dito na ikinagulat ng mga empleyadong nakarinig dito.
“She’s my wife.”
I proudly said. Nakita ko ang pamumula ng pisngi niya hindi ko inalis ang tingin ko doon. She’s cute. Habang tinitingnan ko siya naalala ko ang araw na ikinasal kaming dalawa. Suot niya ang damit niya ngayon noong kasal namin, hindi ko mapigialn na isipin ang pangyayari ng araw na iyon.
Iyon ang araw na subrang saya ko. Na para bang nakalutang ako sa alapaap sa subrang saya ng puso ko. Pero kapag naisip ko kung sino siya hinihiling ko na sana hindi kami nagtagpo dalawa.
Gusto kong isigaw sa buong mundo na asawa ko siya na pagmamay-ari ko siya pero natatakot ako na baka pati siya madamay sa magulo kong mundo. Gusto ko iparamdam sa kanya kung gaano ko siya ka mahal, kung gaano ko ka gusto na makapiling siya pero natatakot ako na baka masanay siya…ako..dahil hindi ako sigurado kung hanggang kailan namin makasama ang isa’t isa.
Nang magkasakit siya I cant resist myself na alagaan siya. Ipinagluto ko siya, pinakain at binantayan buong magdamag hanggang sa maging maayos ang pakiramdam niya. Ngunit kinabukasan tinalo na naman ako ng galit ko.
"Anong buntis?Hindi ako buntis.Kung inakala mo na buntis ako dahil sa pagsuka ko kahapon hindi ako buntis.Subrang sama lang talaga ng pakiramdam ko kahapon at hindi ako kumakain ng mushroom soap.”
“Make sure that your not pregnant kung ayaw mong parehas kayong mabura dito sa mundo.”
Isipin ko palang na may iba siyang lalaki gusto ko na itong patayin. Huwag lang siyang magkamali na lukuhin ako dahil hindi ako magdalawang-isip na burahin ang lalaki niya dito sa mundo.
Nandito kami ngayon sa SHopping Mall ko namimili ng stock dahil tatlong araw akong mawawala may business trip ako sa Davao. Habang namimili pansin ko ang pagiging tahimik at matamlay niya..sana ang pag-alis ko ang dahilan niya.
“Babe, nandito ka pala.”
Nagulat ako ng bigla akong tawagin ni Babylen my spoiled brat cousin. Kung nagulat ako sa pagdating niya dinaga naman ang puso ko ng makitang tumalikod ang asawa ko tulak ang mabigat na push cart.
“I think your wife is in love with you too,” nilingon ko ang pinsan ko na naka kapit sa braso ko. "Nakita ko kung paano siya nasaktan nang tawagin kitang babe at hinalikan.”
“Don’t give a false hope, babe.”
“Bahala ka kung ayaw mong maniwala. By the way kaya kita nilapitan dahil sabi ni daddy sasama raw ako sayo sa Davao at isang oras nalang bago ang flight natin.”
BINABASA MO ANG
My Ruthless Mafia Husband [COMPLETED]
General FictionR-18. Not suitable for young readers. Debbie Mae Layson, ang babaeng naghahangad na mapansin at makita ng lalaking pinagpantasyahan niya sa magazine; si Emmanuel Montefalco. Ngunit sa hindi inaasahan, dahil sa dare ng kanyang kaibigan na akitin...