LIHAM III

2 0 0
                                    

III/XXX/VIII
FIRST CLASS
SECOND MISTAKE

Kanlungan,

Hi Kanlungan, kumusta?
sana'y mabuti ang iyong lagay, sinta
ako pa rin, hindi ba?
miss na miss na kita.

Unang klase pala namin ngayon
virtual lang maghapon
kahinaan pa din ang atensyon
na binibigay nila sa akin ngayon.

Pinilit 'kong labanan
baka sakaling malampasan
ang pagpapakilala
nang bawat isa sa kanila.

open camera, unmute mike
dalawang klase
hindi 'ko kayang pagsabayin
kahit madali lang pindutin sa paningin
OA kung mapapansin
iba ang iyo, ito ang akin.

Piniling lumiban ng klase
alam 'kong mali
pero ito ang tingin 'kong mabuti
sa tulad 'kong pinapatay ng pansin sa tabi.

Sa oras ng pagmumuni-muni
nakaisip ng hindi mabuti
ginawa na may ngiti sa labi
nanginginig pa ang mga binti
sa enganyo'ng dulot nito kagabi
hindi naisip ang taong makakasaksi
na ang inakala niya ay isang hari.

Nais 'kong humingi ng paumanhin
ngunit hindi kayang umamin
Kanlungan, ikaw ba'y galit sa akin?
kahit anong sagot mo sa akin
aking tatanggapin pa rin.

Nagmamahal,
Sina Guardian Bobita

Liham Para Sa'yoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon