Chapter 43

79 1 0
                                    

Chapter 43

Kababata

•••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••

Nasa labas ako ngayon ng Arts & Crafts Shop na pinagtatrabahuan ko. Nakapangalumbaba ako sa maliit na mesa. Nakakabagot dahil matumal tong shop. Lagi naman eh! Sino ba naman kasing bibili ng mga paintings at crafts sa panahon ngayon?Eh modernisado na dahil sa technolohiya. Pwede naman silang magprint tapos ididisplay na. Nakakabenta lang kami kapag may mga mayaman na bumibili sa mga tinda namin pero malimit lang yon. Nakakayamot naman na buhay oh!

At ito pa! Nagpapacute sakin ang machong lalaki sa panaderia katabi ng shop. Kumakaway kaway sya. Ang laki ng katawan eh! Sarap kagatin ung 6pack abs. Kagigil! Kaso walang hitsura. Sayang! Sabi nga ng isang quote, "In every rules, there's always an exemption." Ngumiti lang ako.

Biglang may sasakyang huminto sa harap ko. Napapikit-mata ako. Kilala ko ang sasakyang iyon. Anu nanamang ginagawa nya rito? Manggugulo nanaman? Mangungulit? Hay nako!

Niluwa ng itim na Fortuner ang lalaking kinamumuhian ko. Ang taong ayaw na ayaw kong makita. May dala syang bulaklak.

"Anong ginagawa mo rito?" sabay pamaywang ko at taas ng kilay.

"Gusto lang kitang makita Marionne. Para sayo-" aniya at ibinibigay ang bulaklak.

Hindi ko yon inabot. Bagkus ay tinapik ko ang kamay nya at nahagis sa kalsada ang bulaklak. Nasira ito.

Mariin syang tumingin sakin. Mga tingin na nakakapanindig balahibo. Sumagi nanaman sa isip ko ang nangyari ilang buwan nang nakalipas.

Narito ako ngayon sa Baler, dito na ako tumira. Tumigil muna ako sa pag-aaral tapos nagtrabaho dito sa bayan ng Baler sa shop ni Auntie Chin, kaibigan ni Mama. Dahil nag-aral ako ng fine arts ay may mga alam ako sa arts and crafts. Minsan, ako din ang nagpipinta ng ilang binebenta namin sa shop.

Bakit ba nandito nanaman siya? Kainis. Parang nung isang araw ay narito nanaman siya at nangungulit. Pero hindj ko siya pinapansin hanggang sa umalis nalang sya. At heto nanaman siya ngayon.

"Umalis ka na nga Brayden!!" pagtataboy ko sa kanya.

"Marionne, mag usap naman tayo." aniya

"Wala na tayong dapat pag usapan pa! Umalis kana!" sigaw ko.

Nakakapagod nang makita siya at marinig anv mga paliwanag niya. Wala ba siyang trabaho? Dapat ngayon ay nasa office sya at inaasikaso ang trabaho pero heto, nandito siya sa Baler at inilalaan ang oras sakin. Hindi ko naman siya pinapansin eh.

Biglang may humawak sa braso ni Brayden. Yung lalaking macho sa panaderia.

"Miss may problema ba?" ani nong lalaking malalaki ang biceps.

Umirap naman ako sa kawalan. Isa pa 'tong pakialamero. Tssss.

"Wag ka ngang makialam dito!" baling ni Brayden sa lalaki.

"Brayden umalis kana kasi!" sabi ko sa kanya. Baka mag-away pa sila, kawawa naman si Brayden. Mabubugbog sarado 'to sa machong 'to. Pero, dapat lang iyon sakanya.

"Mas maganda kung umalis ka nalang Sir." sabi ni Kuyang macho.

"Mag uusap pa tayo Marionne. Hindi kita sinamantala. Hindi ko magagawa yon" aniya sakin.

Ayan nanaman kami sa hindi niya ko sinamantala. Nakakainis na. Nakakasawa ng pakinggan.

"Hindi ko kailangan ng paliwanag mo. Please Brayden umalis kana." sabi ko lang.

Pagod na ako sa mga paliwanag niya. At ayoko ng marinig pa ang mga sasabihin niya. Sinamantala niya ako, at panghahawakan ko iyon. Wag lang siyang magkakamaling lumapit pa sakin. Dahil hinding-hindi ko talaga siya kakausapin. Nakakainis' ni ayaw ko ngang makita ang pagmumukha niya kahit gwapo pa siya.

"Please Braden, tantanan mo na ako.. Ayoko nang makita ka pa. Wag mo na akong pahirapan, please. Sorry pero kalimutan nalang natin ang nangyari....Goodbye"

Naging blangko ang mukha ni Brayden. Umatras sya at unti-unting lumakad palayo.

Sorry Brayden, pero hindi na talaga kita kayang tanggapin. Hindi ko rin alam kung mapapatawad pa kita. Maybe in time, pero not now. Hindi ko muna kayang patawarin siya.

Saying "goodbye" isn't the hard part, it's what we leave behind, that's the tough. Goodbye makes you think. Makes you realized what you've had, what you've lost and what you've taken for granted.





ISANG taon na ang nakalipas simula noon. Noong nagkita kami ni Brayden. Hindi na siya muling nagpakita pa sakin. Ni-anino niya ay hindi ko rin nakita. Naging okay naman at pabor iyon sakin. Mabilis ang isang taon. Oo, inaamin kong namimiss ko nga siya, namimiss ko yung mga pagsuyo niya saakin noon. Pero hindi na ako umaasa na magkikita kami, I mean masaya na ako sa nakaraan namin kahit hindi ito naging maganda para sakin. Pero masaya naman ako ngayon at binabaon nalang yung mga masayang alaala namin ni Brayden.

Naging okay na yung benta nang shop at nakaipon na ako. Mag-aaral ako sa centro ng Aurora. Nagtanong na rin ako doon at tumatanggap naman sila ng transferee kahit 1 year huminto. Pinaputol ko na rin ang mahabang wavy curl kong buhok. Jaw length bob style na ito ngayon. Pinatreatment ko rin kaya hindi na ganoon masyadong kulot. Bumagay naman ito sa morena kong kulay.

Nag-aayos ako ng mga paintings ng bumukas ang pinto ng shop. Akmang lilingon na ko at babati...

"Good Morning-" natigilan ako.

"Hello! Magkano ba 'to?" sabay baling niya sa isang painting.

Bumungad sakin ang isang lalaking naka-formal. Nakalongsleeve siya polo na nakatupi hanggang siko niya. Naka-tuck in rin ito sa slacks niya. Grabe! Ang gwapo!

"V-vladdimir??" Nauutal kong untas. Hindi ako makapaniwala. Si Vladdimir nga! Hindi ko akalaing magkikita pa kami sa loob ng maraming taon. Akala ko ay nag-migrate na sila sa US?

Ngumiti naman siya sakin. "Naku naman' gaya ka pa rin ng dati Marionne! Sabing Vladd nalang eh" natatawa siya. Siya si Vladdimir Carter. Kababata ko siya. Matalik ko siyang kaibigan noong nasa elementary palang ako. Dito naka-base sa Baler noon ang Daddy niyang US Navy kaya kami nagkakilala. Adopted child lang si Vladdimir ni Mr. and Mrs. Carter pero alam kong mahal na mahal nila at itinuring nilang totoong anak si Vladd. Alam naman niyang ampon lang siya at hindi iyon naging hadlang para mahalin niya rin ang mga magulang na umampon sa kanya. Nagmigrate sila sa US noong elementary pa kami. Natatandaan ko nga noon eh, iyak ako ng iyak dahil wala na akong kalaro. Dati kasi siya lang ang gusto kong kalaro. Matagal na iyon kaya natatawa nalang ako.

Lumapit ako sakanya at pinisil ang pisngi niya. Ang puti na niya ngayon, di gaya dati na magkasingitim lang kami. Sabagay, iba talaga ang weather sa abroad. "Grabe! Ikaw nga talaga!" bulalas ko. Masaya akong makitang muli ang kababata ko. Nakakatuwang isipin na makikita ko siya ulit dito sa Baler.

"Kumusta kana? Ang laki-laki mo na rin ah? Ang ganda pa" sabi niya tsaka ginulo ang buhok ko.

Sumimangot naman ako. "Arg! Stop it Vladd! Okay naman ako... Ikaw?? Kumusta ka?? Halika, upo ka muna" inaya ko siya sa upuan. Sumunod naman siya.

Puno ng tawanan ang kwentuhan namin ni Vladd. Kinwentuhan niya ako sa naging buhay niya sa US. Kung paano sya nag-adjust ng hindi ako ang kalaro niya, kung paano siya lumaki. Kung paano daw dumugo ang ilong niya sa kakaingles. Kung paano daw siya ipa-blind date ng Mommy niya sa mga Americans at Africans. Wala naman akong ginawa kundi tumawa ng tumawa. N

"Ang bilis ng panahon noh? Dati lang, hinihiling ko na sana makita ulit kita, tapos ngayon kaharap na kita, ang iyakin at uhuging bata noon. Pero ngayon, chicks na" sabi niya. Sinapak ko naman at siya ay humalakhak lang.

"Anong akala mo sakin? Manok? Naku' bolero ka pa rin" sabi ko lang tsaka tumawa na rin.

Nagkwentuhan pa rin kami at inaya niya akong kumain sa labas dahil hindi pa daw kami natatapos nagkwentuhan. Isinara ko na rin ang shop dahil malaki naman na ang kita buong araw. Sabi kasi ni Vladd ay bibilhin niya lahat ng paintings na gawa ko. Naks' galante na si Vladdimir!









Perfectly In Love (NZ1 -Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon