Chapter 1: Walang Forever Tanga

126 2 0
                                    

'May balita ba kay Ethan? May jowa sya di ba?'

'Wala. Malay ko dun. -_-'

'Hahaha! Meron nga. Kita ko nung umuwi ako galing shopping. Haha. Panget.'

Natawa naman ako dun. Best friend ko talaga oo. Hahaha

'Teka. Si Ethan yung pinaguusapan natin di ba?'

'Abay oo! Sino pa ba? Tngna mo eh.'

'Hahahahaha. Sorry naman. Di lang talaga mag-sink in. Haha. Nagjowa publicly, tapos panget pa? Hahahahahaha. Kakaiba talaga taste ni g*go.'

'Seryoso. Model ang peg. Pero di talaga maganda sa paningin ko.'

'In short, hipon? Hahahahahaha.'

'Oo. Hahaha.'

'Hahahaha. Epic. Tngna. Makapagpapayat na nga. Tara samahan mo ko. Kausapin ko na yung agency. Tatanggapin ko na yung offer.'

'Mabuti pa nga. Hahahaha. Kung nasa mood lang ako nung nagkita kami. Nako. Pasalamat sya. Kundi baka nakalbo sya. Sama makatingin eh.'

'Hahaha. Baka threatened? Langya tara na nga sa agency. Kating kati na ko makaganti sa hinayupak na yon! Hahahahaha.'

'Eh ano pa nga ba? Haha. Ge. Gayak lang ako. Daanan kita dyan in 30 mins.'

'Sige sige. See ya. Take care. :*'

In case you're wondering.. Katext ko kasi si Charry - short for Charity. She's my best b*tch forever.
Best friend. Partner-in-crime. Sister from a different family.
At si Ethan? Yun yung walang hiyang lalake na naging crush ko since 1st year college hanggang sa nag 4th year kami na nag-take advantage sa katangahan ko.
Palibhasa alam nyang crush ko sya, kaya ayun.
Ako naman itong si tanga, pinagbibigyan naman.
Taga-gawa ng assignments, projects, reports, at case analysis. Pati nga thesis eh.
Taga-testigo tuwing pinapatawag ng council.
Taga-awat tuwing napapaaway.
Lahat ng kelangan binibigay.
And, hell. Sya pa nakauna!
Tapos wala lang.
Sh*t lang di ba?
Ang tanga ko!
Bakit ba kasi sya pa?

But not anymore.
He was and will always be a playboy.
And he took me for granted because of my physical attributes.

Don't get me wrong.. Di naman ako panget. Truth is maganda ako.
Mukha akong may lahing Arabian, pero 100% Filipino ako.
And because of that beauty, mga modelling agency na mismo ang lumalapit sa akin para kunin ako, sila na daw ang bahala sa figure ko.
Lahat ng offers nila tinanggihan ko.
Ginusto ko din naman kasi magpataba.
Ang sarap kaya kumain. Haha.
Pero kidding aside, nagpataba ako dahil ayoko maging perfect.
Nakakapressure kasi.
Hindi naman sa pagyayabang, pero I was near perfection.
Talented. Matalino. Maganda.
Beauty & Brains, wika nga nila.
Idagdag mo pa na galing ako sa mayamang pamilya.
A life a girl would kill for.
Precisely why I made my own flaw.
Madami kasing naiinggit. Madaming naninira. Madaming nakaaligid na social climbers.

Kaya eto ako ngayon.
But soon, I won't be like this anymore.
Dahil ibabalik ko na yung dating ako.
And I'll be staying that way.. For good.
Whatever it takes.

Sa hinaba-haba ng kinwento ko, ni minsan di ko nabanggit ang pangalan ko.

Ako si Katherine Alexa Sebastian.
At sa haba nga ng kwento ko, dumating na pala si Charry..

It was the summer after our graduation.
Ako na dapat ang hahawak sa business namin.
Pero hinayaan na muna nila ako since bata pa naman daw ako.
I'm only 19 years old, for Christ's sake.
Kaya dito ako sa condo ko nagsstay.

*Charry calling...*

"Hello?"

"Bruha. Andito na ko sa lobby. Bilisan mo at bumaba ka na bago pa magbago ang isip kong samahan ka."

"Oo na. Eto pasakay na ng elevator."

Tinamad na naman umakyat. Hay.
Palibhasa penthouse to. 75th floor. Haha.

Pagbaba ko sa lobby, nakita ko si Charry sa waiting area. Tumayo naman sya nung nakita nya ko.

"Ang tagal mo naman Lexa."

"Sorry naman. Penthouse kaya pinanggalingan ko. Duhh. 75th floor yun."

"I know. Kaya nga di na ko umakyat. Tara na."

At naglakad na kami papuntang parking lot.

"Oh nasan kotse mo?" Tanong ko kay Charry.

"Pinapalinis ko pa. Nagtaxi lang ako papunta dito. ^_^v"

"Sus. Sana sinabi mo. Para ikaw na lang yung dinaanan ko."

"Yamo na." At nauna na sya maglakad papunta sa M3 ko. Buti pala dala ko yung susi.

Tinawag ko sya at hinagis sa kanya yung susi.
"Oh ikaw na magdrive."

"Oo na. Alam ko naman kaya ka nagpasama eh para may taga-drive ka." Sabi nya pagkasapo nung susi.

"Tinatamad kasi ako eh. Sorry na. Alam ko din naman na kaya ka pumayag na samahan ako eh para iwasan yung manliligaw mo ngayon. Ano nga ulit pangalan nun?" Sabi ko nung nakapasok na kami sa kotse.

"Kelvin ata? Tss. Oo na."

Inistart na nya at pumunta na kami sa agency.
On the way, lumingon sakin si Charry. Nakatingin lang kasi ako sa labas.

"Sigurado ka na ba dyan sa gagawin mo? I mean, pwede ka naman kumuha na lang ng personal training instructor mo di ba?"

"Oo nga, pero okay na siguro to. I think it's about time naman na para makilala ako ng mga tao."

"If you say so." At bumalik na sya sa pagmamaneho.

#WalangForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon