13.) The Billionaire Baby

281 15 0
                                    

"Goodbye class!" Paalam ni Shanice sa mga estudyante ng Grade 8 Sampaguita ng Misong Integrated High School. Isa siyang public school teacher at dalawang taon na siyang nagtuturo sa naturang paaralan.

"Goodbye, Ma'am Shanice! See you on Monday." Sagot ng mga estudyante.

Nilipon ni Shanice ang kanyang mga gamit bago lumabas ng classroom. Nagtungo siya sa faculty room. Nadatnan niya roon ang mga abalang co-teachers na naghahanda rin para umuwi.

"Ma'am Shanice, ihahatid ka na raw ni Sir Fred." Sambit sa kanya ni Ma'am Claire, isa sa kanyang co-teachers.

"Pumayag ka na Ma'am Shanice, para hindi ka mahirapan sa pag-uwi. Umuulan pa naman sa labas." Segunda naman ni Sir Logan, ang kanilang principal.

Nahiya namang tumanggi si Shanice kaya napilitan siyang pumayag. Matagal na siyang tinutukso ng mga ito sa co-teacher niyang si Fred. Kaklase niya sa college si Fred. Noon pa lang nagpaparamdam na ito sa kanya. Hindi naman niya pinapansin dahil pakiramdam niya hindi ito seryoso. Three years silang hindi nagkita after graduation. Nagtungo ito sa America habang siya'y nagturo sa ibang eskwelahan. Lumipat lang siya sa MIHS two years ago dahil mas malapit ito sa tirahan niya. Hindi niya inaasahan na nagtuturo rin doon ang lalaki. Iyon din ang muli nilang pagkikita ni Fred at naging pursigido ito sa panliligaw sa kanya.

"Fred-" Hindi pa niya natatapos ang sasabihin pero pinutol na agad nito.

"Alam ko naman na wala akong pag-asa sa'yo, Shanice. Matagal mo nang sinabi sa akin iyon pero sana hayaan mo akong iparamdam ang pagmamahal ko sa'yo," nagsusumamo nitong sabi habang naglalakad sila patungo sa parking lot ng eskwelahan.

"Kaibigan kita Fred at ayokong masaktan ka. Wala akong maipapangakong kahit ano sa'yo."

Tumigil ito sa paglalakad at nakangiting humarap sa kanya.

"Shanice, okay lang ako. Kung masasaktan ako, kasalanan ko na iyon. Matigas kasi ang ulo ko." Nakangiti nitong sabi.

"Fred-"

"Halika na. Baka mas lumakas ang ulan, mahirapan tayong umuwi." Muli nitong putol sa sasabihin niya.

Hindi na lang siya nagsalita at sumunod dito. Sa totoo lang, wala namang problema kay Fred. Binata ito, may maayos na hanapbuhay at gwapo pero, wala talaga siyang gusto rito. Tanging kaibigan lang ang tingin niya sa lalaki.

Tahimik lang sila sa kotse hanggang makarating sa kanto patungo sa kanyang tinutuluyan.

"Maraming salamat, Fred. Gusto mo bang mag-tsaa muna sa loob?" Paanyaya niya rito bago bumaba sa sasakyan.

Wala naman siyang kasama sa bahay. Na sa Dubai ang kanyang pamilya. Katunayan, tatapusin niya lang ang school year na ito at susunod na rin siya roon.

"Salamat sa paanyaya, Shanice. Baka mas lalo akong mahirapan kalimutan ka kapag ipagtimpla mo ako ng tsaa." Nakangiti nitong sabi.

"Fred-"

"Binibiro lang kita." Muli nitong putol sa sasabihin niya. "Pupunta pa ako sa bar. You know, weekend." Makahulugan nitong sabi.

Hindi lingid sa kaalaman ni Shanice na isang bar owner si Fred. Tuwing weekends ito pumupunta roon para asikasuhin ang negosyo.

"Sige, hindi na kita pipilitin. Salamat ulit."

Bumaba si Shanice sa sasakyan ni Fred. Hinintay niya munang umalis ang sasakyan bago nagdesisyong pumasok sa kanyang bahay. Napahinto siya sa pagbubukas ng gate ng may tumigil na motorsiklo sa tapat niya. Nagmamadaling bumaba ang sakay niyon at lumapit sa kanya.

"S-sino ka?" Kinakabahan niyang tanong.

Sisigaw na sana siya ng hawakan nito ang braso niya pero nagulat siya sa inilagay nito roon.

SHORT STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon