Episode #94: DarkPinion vs. BlackEmperor Part 1

212 36 8
                                    

Chapter 94: DarkPinion vs. BlackEmperor Part 1

Klenton's Point Of View

"Seryoso? Five stages talaga lahat?"

"This is harder than I expected."

"Yeah. Possibly."

"Ayun sa pagkakabasa ko, four stages lang lahat ang bumubuo sa Tournament of Champions noon." bulong ni Jeremy. Pati rin pala sya'y nagulat sa natuklasan.

"May isang dinagdag. At yun ay Finalists' Arena." saad ni Peniron.

"Ang pang-apat na stage ng tournament." dugtong ko.

"Ano ba kayo. Be positive naman guys. Kaya natin 'to." masiglang tugon ni Ashia. May iilan na ngang napapalingon sa amin because of his noise.

Not long after, pumwesto na kami sa designated block namin. I am the only one sitting while the rest of my member is behind or beside me.

Nonstop flashes of cameras are everywhere kaya't pinilit kong 'wag masyadong tumitig sa crowd to lessen the damage to my eyes.

"Looks like all of the players are finally here! Kung iisa-isahin nating tawagin ang mga ito, malamang aabutin tayo ng isang buwan or even more kaya 'wag na nating patagalin pa. No reason to slow the program. Simulan na ang labanan!"

Mukhang kami lang ang nagulat sa sinabi ng emcee, at tanging tinginan na lamang na may pagtataka ang naipukol sa isa't-isa, as the crowd begun to cheer louder than the music itself. Sobrang nakakabingi.

"Ang bilis naman yata." finally naririnig ko na ang sinasabi ni Peniron.

"Kinakabahan si Ashia." ani Kristel na nang-aasar sa katabi.

"Heh. Sila kamo ang kinakabahan. Dahil malapit na nila akong makalaban. Magdasal na sila na hindi tayo ang makaharap nila ngayong gabi." nagyabang na naman si Bruce Lee. 'Di na talaga nagbago.

"Tch. Hindi nag-iisip." bulong ng nakahalukipkip na si Peniron.

Inis namang tinitigan ito ni Ashia. "Ano sabi mo?"

"Look everywhere, kid." biglang sabat ni $even. Pati kami'y napasunod sa sinabi nito. "kilala ang Big city sa ibang mga syudad kung saan kayo nanggaling, idagdag pa ang kakaibang awrang inilalabas ng captain nyo, hindi malabong marami ang mag-init sa inyo kahit first night pa lang ng paligsahan."

Ganun ba talaga ako kalakas sa tingin ng iba? Medyo nasobrahan naman yata ang description nila tungkol sa 'kin.

Not long after. Nilabas na sa big screen ang first ten matches na magaganap ngayong gabi.

Dito sa mismong malawak na entablado, may sampung glass tables ang naka-set up. So bawat table dalawang squad ang maglalaban dito.

"Looks like the first ten matches are already decided. Una sa ating listahan ay walang iba kundi ang Cleria squad laban sa Plinean squad. Pangalawa sa listahan ay walang iba kundi ang DarkPinion squad laban sa kilalang 3rd placer noong nagdaang paligsahan ng mga kampeon, walang iba, ang  BlackEmperor squad, haha! Mukhang hindi maganda ang momentum ng DarkPinion ngayon! Sunod sa listahan..."

"Naku, ang BlackEmperor pa talaga ang nakalaban nyo."

Rinig naman naming bubulong-bulong nung ilan sa mga players sa malapit.

"Galingan mo sana miss. Gusto kitang magtagal dito sa paligsahan para naman mas mahaba ang pagkakakilala natin sa isa't-isa." at may isa pa talagang nagpapa-cute sa healer namin.

"Sorry mga tol. Pero taken na sya. Kung ayaw nyong malagot sa captain namin, mas mabuting distansya distansya rin pag may time. Malinaw?" harang agad ni Ashia sa mga lalaking yun.

EPIC War Online [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon