INIS NA INIS akong lumabas mula sa Trick or Threat party na dinaluhan ko plus init na init pa ako sa l*cheng costume ko. Tsk, lagot talaga sa akin 'yong baklitang Emmanuella na 'yon. Maganda raw ang angel attire, e' dep*ngol halos maimbyerna na ako sa pakpak nitong angel costume ko e'.
"Oo na, papunta na ako! Basta bantayan mo 'yang hinayupak na 'yan kundi lagot ka sa akin!" Inis kong pagbaba sa tawag ni Emmanuella. Ibinalita lang naman sa akin ang pagtakas ng magaling kong kapatid para lang sa walang kwentang halloween concert na 'yon.
"Sa kamalas-malasan naman, wala pang taxi. Anong oras na ba?" Reklamo ko sa sarili ko. Fully booked kasi lahat ng Pedal Taxi Hub.
*Text message*
Ateng, pinagbook na kita ng masasakyan. Nakalimutan kong sabihin na fully booked na sa Pedal Taxi Hub.
"Naku, buti at may pakinabang ka ring bakla." Bulong ko.
Habang naghihintay sa sasakyan na sinasabi ni Emmanuella, nagpalinga-linga muna ako sa paligid. Kahit madaling araw na, marami pa ring tao sa lansangan paano disperas ng halloween.
Sa hindi sinasadya, nahagip ng mata ko 'yong isang couple sa madilim na bahagi ng motel—yes nasa tapat ako ng motel. Suot ang Harley Quinn at Joker costumes, malamang nagtutuka na 'yan at maya-maya lang ay mag-che—"AY KABAYONG BUNDAT!"
Nagulat ako sa biglang pagbusina nitong nasa harap kong taxi. Mukhang ito na 'yon kaya sumakay na ako bago pa mabusinahan ulit.
"Manong, sa Square Fairview po." Buong biyahe namin, sa bintana lang ako nakatingin.
"Nandito na ho tayo." Abala ako sa paghahanap ng wallet ko—saan ko ba naisiksik iyon? Gotcha! Naglabas ako ng buong 500 pesos kaso pagtingin ko sa taximeter, nagulat ako.
Grabehan ang modus ng mga driver ngayon ah.
"Teka sandali, may daya yata 'yang metro niyo manong. Medyo malapit lang ang Square Fairview ah, bakit umabot agad ng 500 pesos?" Reklamo ko, napansin ko ang pang-devil attire ni manong. Bongga, pati pala taxi driver may halloween party.
Well, may hitsura naman si Manong. Mukha ngang wala pa sa trenta ito eh. Pansin ko kasi ang katangkaran niya pati ang kutis ng balat—halatang inaalagaan pa ang kinis kasi at malayo sa kulubot na balat.
"Miss, patas lang ang taximeter ko. Sadyang ang tagal-tagal mong mag-abot ng bayad kaya kahit nakahinto gumagana 'to." Depensa niya. Hindi talaga pwede 'to.
"Modus mo lang talaga man—IKAW?!" Nagulat ako nang bigla siyang humarap sa akin. Kahit may make-up, kilala ko 'tong isang 'to.
"Miss, kung hindi ka pa magbabayad tataas ng tataas ang fare mo." Kumurap muna ako ng ilang ulit bago inabot ang buong 500 pesos ko.
Natauhan lang ako sa pagtunog ng selpon ko kaya mabilis na akong bumaba sa taxi niya.
"HOY! HOY! NAK NG TOKWANG BABAENG 'TO. HOY!" Biglang habol niya sa akin. Teka, anong nangyayari at bakit ako hinahabol ng letchugas na 'to?!
Sa sobrang taranta ko tumakbo na ako papasok sa event hall nitong halloween concert. Hindi ko na nga rin nasagot ang tawag ni Emmanuella e'.
Habol ang hininga akong nakarating sa loob at pilit hinahanap ang demonyita kong kapatid. Sobrang ingay sa loob, kaniya-kaniya sila ng sigawan, masakit din sa mata ang iba't ibang ilaw na iwinawagayway nila lalo na yung mga may mga hugis pumpkin pa.
"Hoy *pant* ano ka bang *pant* babae ka *pant*. Daig mo pa 'yong *pant* kabayo sa bilis *pant* whoah." Hinihingal na boses ang narinig ko mula sa likuran ko. Lintek, naabutan ako ng hinayupak na ghoster.
BINABASA MO ANG
Ang Driver Kong Multo
RomanceAnong gagawin mo kung sakaling biglang sumulpot ang lalaking kumuha ng iyong unang halik? Lalandiin mo ba o lalandiin? *** A One-shot Story. An Entry for WattpadRomancePH 'Di ba ito ang iyong GHOSTo' Prompt #2: Haunted Hows #RomancePH #GHOSTo