Kath POV
Christmas party
Halos dalawang linggo na nang mapansin kong iniiwasan ako ni padills, hindi ko alam kong bakit. Sa tuwing lalapitan ko siya mag ha.hi lang siya sakin tapos aalis na , busy daw siya, which is totoo dahil lagi ko siyang sinusundan, i just wanna make sure na nagsasabi siya nang totoo. Alam niyo na ayokong pinagsisinungalingan ako.
Napapansin ko rin na lagi siyang hinahatid at sinusundo siya nang nanay niya, para siyang elementary student na hinahatid at sinusundo.
Kapag tinatawagan ko naman hindi nagriring laging naka.off ! Ghad, what is happening to you padills, i mean mababaliw na ako kakaisip kong anong nangyayari satin, obviously sinasadya niya akong iwasan, pero ramdam ko na hindi niya gusto ang ginagawa niya sakin.tss
Ilang araw nadin na mainit ang ulo ko dahil sa malanding barretto na yun, lapit nang lapit kay padills, nanadya talaga ang babaeng yun buti nalang at hindi siya pinapansin ni padills. Epic fail pa ang mukha niya sa tuwing napapahiya siya.
Wala paring pinagbago, lagi parin kaming nag.aaway ! Lalo na nang malaman niya na magkasama kami ni padills ng 3 days.
Sinugod niya ako nun sa canteen, kong anu anong sinabi, buti nalang naka.earphones ako at hindi ko narinig ang sinabi niya. Nang tinanggal ko yong earphones ko at tinanong ko siya kong anong sinabi niya, mas lalong nainis at ayun padabog na umalis nang canteen. Umiling nalang ako , hindi ko naman talaga narinig ee. Sa sobrang lakas nang tugtog ko hindi ko napansin na nagsasalita siya, kinalabit lang ako ni ingrid at tinuro siya. Don ko lang siya napansin.
Hoy girl tulala kana diyan, nandito na tayo oh ! Sabi ni julia.
Oo nga pala ngayon namin kukunin yong nga pinagawa naming gown, ang aga aga ngang nambulabog tong tatlong bruhang to, alas dyis palang kaya nang umaga. Tss
Bumaba nalang ako at naunang pumasok sa botique ni tito francis libiran.
Sinalubong naman agad kami ni tito, alam niya na ngayon namin kukunin ang mga gown namin dahil mamaya na ang party. Masquerade party to be exact !
Hi tito :) bati ko kay tito sabay beso. Ganun din ang ginawa nina miles, julia and ingrid.
Yong gown nina miles and julia ay color black, while ingrid is white and yong akin ay silver.
Black,white,silver and gold lang ang pweding isuot mamaya plus kailangan pagpasok ay naka.maskara na ! Ang dami talagang alam. Christmas party lang kailangan ganyan pa.
Teh, anu nganga nalang ? Biglang salita ni miles kaya nagulat ako. Sinamaan ko siya nang tingin.
He he he sorry naman, tulala kana naman kasi eh, isukat mo na yong gown para makaalis na tayo marami pa tayong pupuntahan. Paliwanag niya sakin. Ako nalang pala ang hindi nagsusukat si julia and ingrid andun inaassist na nang mga employee ni tito.
Kaya tumayo na ako, at pumasok sa fitting room.
Damn, hindi ko iniexpect na ganito kaganda itong pinili kong gown, i mean alam ko na magaling si tito francis dahil sa sikat siya hindi lang sa pilipinas pati narin sa ibang bansa.
But, simple lang to sa magazine, dahil yun ang gusto ko, pero bakit nong ako na ang nagsuot bakit parang bongga na. Hmmm yabang ko na ba?! Hahaha
WOW ! agad akong napalingon sa likod. Tss tong tatlong to nakakagulat.
Ang ganda ganda mo talaga khe. Sabi ni ingrid.