A/N : First Story ko po! :)) Bago ko gawin to, pinapakinggan ko yung " KISS YOU" ng One Driection. Hahah. Kaya naisip ko ito. :DDD
----------------------------------------
" Witwiw. " sigaw nung mga kalalakihan na nakatambay sa kanto.
" Uyy chix oh! Kiss ko? " habol pa nung isang manyak.
" TAMBAY na nga! Mga MANYAK pa!" sigaw ko sa kanila.
Pauwi na ako non galing sa school kasabay yung bestfriend kong si Marianne.
" eh wait, si Yael yung isa dun ah? " sabi ni Marianne.
" Pake ko sa kanyang manyak siya! -___- "
" Uyy si Chin Chin......... "
" anong uyy ka jan! Tigilan mo nga ako Marianne. :3 "
Si Yael? Yael Manyak? Yun yung tawag ko sa kanya pati narin yung iba ko pang classmate. Halos lahat sa kanila, nahalikan na nun eh pero sa cheeks lang naman. Ako? NEVER! baka mapatay ko pa siya. Kahit sa cheeks lang, kamanyakan parin para sakin yun! Tapos yung mga kabarkada niya, kahit hindi naman kamanyak-manyak yung suot mo, babastusin kapa rin nila tulad kanina, naka-uniform naman kami diba.
" Chin chin! Yung ano mo , nalaglag oh. " sabi ni Yael. Bwisit talaga ! hanggang dito ba naman sa tindahan, makikita ko parin tong loko na 'to!
" ANO! " sigaw ko sa kanya.
" hihi. "
" TAWA ! May nakakatawa ba! " Wala naman talaga nalaglag.
" Ikiss kita diyan eh! "
" subukan mo lang na manyak ka! "
" sus! Gusto mo naman eh! hihhi. " nakangiti pa niyang sabi.
" wow huh? ang panget mo kaya! Sipain kita diyan eh. tabi nga! "
" wow fantastic babyyyyy! Kung panget ako, mas panget naman tong katabi ko." tinuro si tikboy na katabi niya sa upuan sa tindahan. May pasayaw- sayaw pa siya. Feeling koreano!
Yabang talaga ! Ikaw na gwapo! Umalis nalang ako. Ayoko makipagtalo sa mga walang kwentang tao. Hindi marunong tumupad sa pinag-usapan. :((((((
" Ikaw na naman!? Mukha kang alien! tabi diyan! " pasigaw na sabi ko sa kanya. Hinarangan kami ni Marianne sa hallway. Papasok na sana kami sa room.
" Gusto lang naman kita makita. " seryoso niyang sabi tapos tumungo pa ang bwisit kala mo naman mabait eh.
" ayiiee. inlove ata sayo si Yael oh. " tukso ni Marianne.
" Umalis ka nga sa harapan namin kung ayaw mong masipa ko yang ulo mo!. " pagsusungit ko.
" wow fantastic babyyyyyy! hahaha ayus yun ah! " Tumatawa pa siya? Iba nasa utak nito Bwisit! Masyadong marumi. Tinulak ko nalang siya ng mahina at nagpatuloy na kami sa paglalakad. Pumunta naman siya dun sa mga barkada niya.
" bakit kapag nakikita mo si Yael, nag-iiba mood mo? " sabi ni Marianne.
" Nag-iiba talaga! Nagiging Angry Birds ako! arggggggg. " sagot ko.
" Hindi eh, ibaaaaaaa hihhi. " tukso niya.
" tae ka Marianne. Bahala ka mag-isip diyan kung may isip ka. "

BINABASA MO ANG
Uyy Chix! Kiss ko? :))) ( One Shot)
RomanceMaiinLOVE kaba sa kanya. -.- Mayabang. Makapal ang mukha. Bwisit. Walanghiya. Antipatiko. Walang galang. MANYAK? At higit sa lahat! MAGNANAKAW!!!! NG HALIK?? o.O