Chapter 11

1.5K 74 8
                                    

Hindi alam ni Yara kung ano ba ang pumasok sa isip niya at sinabi niya lahat ng iyon kay Dri. Mayroong kasamang pagsisisi, pero magaan. Naramdaman iyon ni Yara sa mismong dibdib niya.

Para siyang nabunutan ng tinik at parang nakahinga nang malalim. Hindi niya gusto ang pakiramdam na binubuksan na naman niya ang sarili niya sa taong hindi niya sigurado kung ano ba talaga ang intensyon.

Pero magaan. Iyon ang sinasabi ng puso at isip niya.

Iniikot-ikot niya ang buhok ni Jea na mahimbing na natutulog. Dumako rin ang tingin niya kay Dri na seryosong nanonood ng pelikula sa Netflix. Pagkatapos din kasi ng mga naikuwento niya, hindi na ito nagsalita.

Yara knew something was different. There was a foreign feeling inside her heart because it was the first time she opened about herself. Kahit ang mga kaibigan at ex niya, hindi alam kung ano ang pinagdaanan niya simula pagkabata.

Some knew a little, but not as much as Dri knew now.

Gusto rin maman niyang kaltukan ang sarili niya na pati ginawa ng ex niya, nagawa niyang sabihin kay Dri. It was wrong for her to share it . . . it was too personal. Gusto niyang magalit sa sarili niya, pero hindi niya magawa.

Nakakahiya dahil hindi naman sila totally magkaibigan.

Paulit-ulit niyang sinasabi sa sarili niyang mali ang pinagsasabi niya kay Dri, pero tumatak sa kaniya ang mga sinabi nito. Malamang na hindi niya magawang magsabi sa mga taong malalapit sa kaniya tungkol sa nararamdaman niya dahil alam niyang hindi siya pakikinggan . . . ang masakit pa, huhusgahan siya.

Alam ni Yara na hindi maganda ang nasa isipan niya. Masyadong niyang hinuhusgahan lahat ng tao sa paligid niya.

Tumingin siya sa orasan. Alas-tres na rin ng umaga. Hindi na siya nakatulog, ganoon din si Dri. Sakto namang bumukas ang pinto at dahan-dahang pumasok sina MJ at Mika na nakangiting nilampasan sila at sumenyas na maliligo lang bago sila kausapin.

"Saan ka mamaya?" tanong ni Dri kay Yara. "May balak ka ba ngayong araw?"

Nag-isip si Yara nang may maalala. "Oo. Balak ko nang magpa-test. Ikaw? Uuwi ka na rin ba mamaya o may pasok ka?"

"Sasamahan kita, kung gusto mo lang naman. Alam kong tatanggi ka, pero wala rin naman akong magawa. Kung okay lang sa 'yo, guguluhin kita."

Umiling si Yara at natawa. "Feeling ko, 'yun ang role mo sa buhay ko. Guluhin at asarin lang ako."

"Where is the lie?" nakangiting tanong ni Dri. "If annoying you means you'll smile and laugh more often, I am willing."

Ngumiti lang si Yara at hindi na sumagot. Tumayo siya para tupiin ang comforter na ginamit, pati na ang mga nakakalat na laruan ni Jea, at ipinasok ang mga iyon sa kwarto nito. Iniligpit din niya ang playpen na nakakalat at naglinis nang kaunti. Sakto namang paglabas niya, nasa dining area sina Dri, Mika, at MJ na nagkukuwentuhan.

"Coffee." Iniabot ni Dri sa kaniya ang tinimpla nitong kape na kaagad niyang ininom. Halos mapapikit siya dahil ang sarap. Lately lang din niya nalaman na bago pala maging finance employee si Dri, nag-bartender ito sa Starbucks.

Naupo si Yara sa tabi ni Dri habang nakaharap kina MJ at Mika na inilalabas ang dala nitong mga pagkain at nagyayang kumain ng almusal. Bukod sa kape, mayroong almusal galing sa isang fast-food chain.

"Maraming salamat, Yara, ha? Sorry, nag-extend ka pa nang isang araw," sabi ni Mika na iniabot sa kaniya ang muffin. "Hindi ka naman ba pinahirapan ni Jea?"

"Uy, hindi. Mabait na toddler si Jea. Tuwang-tuwa nga kaming dalawa sa bathtub noong pinaliliguan ko siya, eh," masayang kuwento ni Yara. "Gusto niya ng bubbles."

No DistancingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon