Ang dalawang araw ay naging isang linggo. Nagsimulang mag-enjoy si Yara na halos ayaw na niyang umuwi. Napansin na rin ni Yara na sa isang linggo nga, hindi lang walong oras ang iginugugol ni Dri sa pagtatrabaho dahil mas madalas pa itong overtime.
Tanghali na ito dumating at mukhang antok na antok. Ni hindi na nakaakyat sa kwarto. Nag-hi lang sa kaniya, nahiga na sa sofa, at nakatulog na lang bigla.
Yara tried to meet some friends, but she only met three. Sa isang linggo, sinubukan niyang mag-reach out sa mga ito, pero busy ang lahat. Makes sense nga naman dahil sa lahat, siya lang ang walang permanenteng trabaho at walang asawa't anak.
Tumawag na rin siya sa pamilya niya sa probinsya at sinabing hindi niya sigurado kung kailan siya uuwi. Panay ang tanong ng mga ito kung bakit, pero hindi niya masabing gusto muna niyang huminga sa lahat. Kahit ang boss niya sa online part-time niya, tumatawag na, pero parang wala siyang gana sa kahit ano.
For some reasons, Yara also decided to create a blog. Nagsusulat siya at doon ibinuhos halos lahat ng hinanakit niya sa buhay. Ipinahiram sa kaniya ni Dri ang laptop nito kaya noong isang araw na nabo-bore siya, naisipan niyang magsulat.
Bigla niyang naalala ang tinanong niya sa isang doctor noong kailangan niya ng medical. Ano ang gagawin niya dahil pakiramdam niya, may sakit siya at kung ano-ano ang nararamdaman niya. Mayroon pang pagkakataon na nagpa-full body check siya dahil kung anong sakit ang nai-imagine niya.
Sinabihan siya ng doctor na baka may anxiety siya dahil normal lahat ng physical tests niya. Sinabi ni Yara iyon sa pamilya niya at ang tanging natanggap niya, nasa isip lang niya ang lahat. Totoo nga naman siguro. Normal ang lahat, pero pakiramdam niya mayroon? It was all in her head . . . until another doctor told her to maybe ask a psychiatrist.
Gustong-gusto niya. Ang problema lang, mahal ang check-up kaya hinayaan na niya.
Habang nakahiga, nakatitig si Yara sa kisame. Sa loob ng isang linggo na kasama niya si Dri, palagi siya nitong kinakausap at pinatatawa. Halos nakalilimutan na niya ang overthinking, pero iba sa gabing iyon.
Her hands were shaking violently, her heart was pounding, she was having trouble breathing, and she was sweating bullets.
Umupo si Yara para pumuwesto paharap sa electric fan at nagsimulang umiyak nang tahimik. "Please po, tama na," bulong niya sa sarili habang sabunot ang sariling buhok. "Ayaw ko na, please. Tulungan n'yo po ako . . . ."
Yara could feel her heartbeat. Halos naririnig niya iyon sa tainga niya at parang may nakabara sa lalamunan niya. Hindi ito ang unang beses. Madalas noon na ganoon ang sitwasyon niya. Gumigising sa gitna ng gabi, umiiyak, at nagmamakaawang pakawalan na siya ng mga bumubulong sa isip niya.
Nagising si Dri at pupungas-pungas na dumiretso sa kusina para uminom ng tubig dahil pakiramdam niya, uhaw na uhaw na siya. Pagtingin niya sa orasan, alas singko na ng hapon. May pasok pa siya kinagabihan.
Madilim din sa buong sala at kusina, wala si Yara kaya umakyat siya para i-check ito. Simula noong magkasama sila, palagi itong nagluluto ng dinner at tumutulong na lang siya. Madalas din itong nanonood lang ng TV.
Kakatok na sana siya nang marinig itong humihikbi.
Dri was hesitant to open the door and give Yara some privacy but he couldn't. He opened the door and saw Yara. Nakasalampak ito sa sahig habang nakasabunot sa sariling buhok at humihikbi. Naririnig niya ang paghikbi nito kasabay ng pagbulong ng mga salitang tama na po.
Dahan-dahan na naglakad si Dri palapit kay Yara at lumuhod para magtagpo ang tingin nila. Nakita niya kung paano ito suminghap ng hangin habang basang-basa ang mukhang nakatitig sa kaniya. Gulo-gulo ang buhok nito mula sa pagkakasabunot at nakayakap sa sarili.