CHAPTER 2 (EDITED)

41 1 0
                                    

MATEO'S POV

6:47AM IN THE MORNING



minulat ko ang mga mata ko at inunat ko ang aking mga braso at ang aking likod napa tingin na lamang ako sa bintana marahil ang sinag ng araw ay naka tutok saaking mukha.

"today will be a great day". tumayo ako saaking higaan at inayos ang aking kama.

habang tinitignan ko ang aking sarili sa salamin bago pumasok ng CR.

"you look so stressed, Mateo".

bigla nalang merong pumasok saaking kwarto sanhi ng pag tili ko.

"bwesit kang bata! anong oras na! maligo kana!". galit na sigaw saakin.

napa kamot na lamang ako saaking batok. "auntie naman... ang ganda ng gising ko tapos ikaw ang init na ng ulo".

"ay potangina, Mateo daliaan mo at ako'y aalis wag mo nang tignan yung sarili mo sa salamin hindi ka naman magandang lalaki". huli niyang sabi bago isarado ang pintoan ng malakas.

napa hawak na lamang ako saaking mukha. "kaya walang nag kakagusto sayo". bigla nalang lumungkot ang aking mukha.

pag tapos ko maligo ako ay nag bihis nako sinuot ko ang suit ko kahit may butas na ang blazer dahil mula nung high school kopa ito sinusuot wala akong pambili ng bago.

inayos ko ang aking neck tie. "I hope you pass today's interview, Mateo".

lumabas ako ng aking kwarto at dumiresto sa hapag kainan bago pa man ako umupo...

"saan naman ang punta mo?". tanong saakin ni auntie bago sindihan ang kaniyang sigarliyo sakaniyang bibig.

"meron po akong job interview". tugon ko bago umupo.

habang kumakain kami naka titig lamang siya saakin at pakiramdam ko meron siyang gustong sabihin.

I sigh. "If you have something to tell me, go ahead... auntie".

tumawa nalang siya. "wag mokong englishing hah... di ka nakakatuwa pakinggan".

hindi ko nalang siya sinagot at pinag patuloy nalang ang aking pagkain.

"ilang beses mo ba kailangan pahirapan ang sarili mo, Mateo?".

"haggang merong tumanggap saakin". malamig kong tugon.

"alam mo naman sa sarili mo wala nang gustong tumanggap saiyo".

"mismong-". bago pa man niya matapos ang kaniyang gustong sabihin.

napa tayo na lamang ako saaking upuan at tinignan siya ng masama. "pwede po ba, auntie... wag niyo nang idamay yung pamilya ko... wag niyo na laging paalala saakin na walang gustong tumanggap saakin, alam ko hindi niyo na kailangan sabihin pa".

tumayo siya at sinampal ako ng malakas. "ikaw bata ka ako nag papakain saiyo! ako nag alaga saiyo! tapos ganyan moko pag salitaan! manang mana ka talaga sa tatay mo!".

"mag pasalamat ka tinanggap pa kita kung hindi sa kalsada ka naka tira!".

huli niyang sabi bago umalis napa kuyom nalang ang aking dalawang kamay kasabay ng pag tulo ng mga luha ko.

"masyado kang iyakin, Mateo!". dali dali kong pinunasan ang aking mga luha.

umalis nako ng bahay para saaking pupuntahan sumukay ako ng tricycle papunta roon.

nung ako ay naka rating pinapaupo ako ng security guard sa isang mahabang upuan upang hintayin ang aking pangalan na matawag.

sunod sunod nang tinawag ang mga kasama ko sa upuan nag hintay ako ng may ngiti saaking mukha.

Would You Choose Me? | BL SERIES #1Where stories live. Discover now