Cameele's POV
Binuksan ko yung pintuan sa may gilid ko at bumaba nasa sasakyan.
Nagunat-unat muna ako dahil halos dalawang oras na kaming nagbyahe at ito kami ngayon, kasalukuyang tumigil sa isang mahabang daanan. Nasa way kaming papuntang Bataan yung may madadaanan kang mga bundok na hinati at ginawang daanan? Basta maganda dito.
Ito ang una naming setting para sa Pre-Nup namin.
"Miss Cameele magpalit na daw po kayo ng damit" sabi sakin ng isang babae kaya tumango nalang ako at bumalik ulit sa sasakyan namin.
Madami kaming nandito, mga tatlong Van kasama na dun yung sinasakyan namin ni Venedicto tapos dalawang Bus. Puro mga tutulong samin ang nandun, mga camera man, staffs and such and many moooore!!
"Hoy Venedicto gumising kana diyan!!" sabay bato ng bag sa mukha niya. Mukha naman siyang nagising doon pero parang nagalit siya..
Pero wala akong pake! --_____--
"ang epal mo talaga kahit kailan" sabi pa niya habang nakasimangot.
"bumangon kana diyan!! Magsisimula na ang Pre-Nup at pwede ba lumabas ka muna ng sasakyan at magbibihis ako" sabi ko pero hindi naman siya gumagalaw at nakatingin lang sa unahan at nakasimangot pa.
Ookay? Nagalit ko ata siya ah..
Sorry naman..
"Huy!!" sabi ko sabay kalabit pero ayun!! Deadmabells ang aking beautybells!!
"pssst...huy!!" sabi ko
And again!!
Haaaay...Oo na Oo na..
"Huy sorry na..." sabi ko sabay kalabit sa kanya.
And akala ko hindi niya ako ulit papansinin pero ayun hinarap naman niya ako at nagsalita pero nakasimangot pa din.
"Para ka talagang Ihi" sabi niya.
Okay anung connect??
"bakit naman??" tanong ko habang nakakunot-noo
"di kita matiis eh..." sabi niya tapos lumabas na ng sasakyan..
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Namumula ata ako..Este kinuha ko na yung bag ko at nilock then yung pintuan tas nagpalit na ako ng damit.
Suot ko yung isang kulay white na off-shoulder na cocktail dress tapos white na wedge shoes.Lumabas na ako ng sasakyan at tumambad kaagad sa maganda kong mukha si Venedicto na kasalukuyang nakaupo at may isang babae na inaayos nito yung buhok niya. Nang napansin ako ng isang staff doon eh pinaupo niya muna ako din tapos kinulot yung buhok ko, pagkatapos nilagyan ako ng light make-up and lastly nilagyan niya ako ng kulay white na flower crown.
"ayaaaan!! Naku ang ganda-ganda nyo naman po" masayang sabi nito. Nginitian ko nalang ito at tumayo na.
Nilibot ko yung paningin ko at kita ko naman na abalang-abala ang lahat, yung iba sineset-up yung ilaw, yung iba naman winawalisan yung daanan, yung iba pinapatigil muna yung mga dumadaan na sasakyan two kilometers ang layo mula samin. And lastly yung iba inaayos na yung mga camera. Napako yung tingin ko kay Venedicto na kakababa lang ng sasakyan at nakasuot ito ng white flannel shirt na may kulay light blue na V-neck sa ilalim , white pants and white shoes meron din siyang black bonnet sa ulo niya.
Maya-maya pa eh lumapit na siya sakin.
"Lasing naba ako?? Ang ganda mo na kasi eh"
I gave him a deathly glare.
BINABASA MO ANG
finally Im all yours Baby (Cameele and Kyle) [YGA:SIDESTORY]
Cerita PendekCameele Go and Kyle Venedict Mendez Ang dalawa na mahilig mag away, magasaran, magbarahan,,, pero in the end nagkakabati pa rin, mung baliw lang diba??, pero paano kung isang araw, eh gigising nalang sila na kaylangan na pala nilang magpakasal?? paa...