chapter III

16.2K 331 27
                                    


KINABUKASAN nagising si Keen dahil sa sinag ng araw na tumama sa kama niya. Napamulat siya ng mata at napatingin sa bintana niyang nakabukas na ang kurtina. Naalala niya si Tryna kaya bumangon siya. Mukhang ito ang nagbukas ng kurtina niya. Bumaba siya ng kama at lumabas ng kwarto. Nasa hagdan pa lang siya ay nakamoy na siya ng mabango. Nang makababa ay dumeretso siya sa kusina at naabutan niya roon ang dalaga.

Nakatalikod ito at busy sa niluluto nito. Napatingin siya sa mga pagkaing nakahanda sa mesa. Agad na nanubig ang bagang niya ng makita ang mga iyon.

It looks so delicious.

Dahan-dahan siyang naglakad palapit sa mesa ng hindi namamalayan ng dalaga. Halos tumulo ang laway niya ng makita ng malapitan ang mga pagkain. May fried chicken, adobong karne ng baboy, salad, carbonara, at cupcakes.

Akmang kukuha na sana siya ng cupcake nang biglang nagsalita si Tryna.

"Good morning, Sir." Bati nito.

Nilingon niya ito at tumango. Napatingin pa siya sa suot nitong apron. It suits her. He looks like a perfect wife.

Napatikhim na lang siya bago naupo. Agad na nagtimpla ng kape ang dalaga pagkatapos ay ibinaba sa harap niya.

"Magkape ka na muna, Sir. Tatapusin ko lang itong niluluto ko," nakangiting sabi nito at tinalikuran siya.

Sumimsim na lang siya ng kape at nagustuhan niya ang lasa. Kumuha siya ng cupcake at kumagat. Nilasap niya ang lasa at masarap nga.

Kumuha pa siya ng isa at kinain iyon. Pinaresan niya ng kape at kumuha uli ng isa pa. Pero natigilan siya ng may pumasok sa isip niya.

'What would be the taste if I eat this in a---shit!'

Halos mabilaukan siya nang wala sa sariling lunukin niya ng buo ang cupcake.

'Damn my dirty mind!'

Mura niya sa isip at inubos ang kape. Saktong ibinaba ni Tryna ang niluluto nitong sinigang. Parang nagutom pa siya lalo habang nakatingin sa mga ulam.

"Kain na po kayo, Sir." Anas ng dalaga.

Nakatayo lang ito sa harap niya ng may ngiti sa labi.

"You can eat with me." Aniya.

"Po?"

"Sabayan mo akong kumain." Ulit niya.

Nakangiting tumango ito at naupo sa kaharap na upuan. Pinaglagyan siya nito ng kanin at ulam sa pinggan.

"Kain na po, Sir. Masarap po 'yan," masayang saad nito.

Tinanguan niya lang ito bago nagsimulang kumain. Masarap nga. Panay lang ang kain niya. Enjoy na enjoy siya sa pagkain hanggang sa matapos. Hindi siya nagsising ito ang kinuha niyang personal maid.

After they eat, Tryna washed the dishes while he go upstairs to fix himself.

___

NAGPUNAS ng kamay si Tryna matapos niyang hugasan ang lahat ng pinagkainan nila ng boss niya. Alam niyang mabait ito kaya komportable siyang maging katulong nito. Ngayong may trabaho na siya ay matutulungan na niya ang pamilya niya. Lalo na sa pagpapa-aral sa nakakabatang kapatid. Umakyat siya sa taas para maligo. Natapos na niyang linisin ang buong bahay dahil maaga siyang nagising at naglinis kanina.

Agad na pumasok siya sa banyo at hinubad ang damit niya. Tanging panty at bra na lang ang naiwan. Napatingala siya sa shower, akmang bubuksan na niya iyon nang maramdaman niyang parang may malamig na lumingkis sa binti niya. Nagbaba siya ng tingin doon at halos mahimatay siya sa gulat at takot habang sumisigaw nang malakas.

ILS#3: His Possession With A Maid (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon