chapter V

10.7K 262 4
                                    


TANGHALING tapat na ng magising si Keen. Kundi pa kumalam ang tiyan niya ay hindi pa sana siya magigising. Bumaba siya ng kama bago lumabas ng kuwarto. Pagbaba niya ay malinis na ang buong sala at nakaayos ang lahat ng mga gamit. Wala siyang makitang dumi o kahit ano. Mukhang maagang nagising ang katulong niya. Pumasok na lang siya sa kusina para magtimpla ng kape at kumain. Pero nasa pinto pa lang siya ay nakita na niya si Tryna nakaupo sa isa sa mga upuang naroon at nakangiting nakaharap sa hawak nitong mobile phone. Kinukuhanan nito ng litrato ang sarili.

Pinagmasdan niya lang ang dalaga habang nakasandal sa pinto. Bawat galaw nito ay hindi nakatakas sa paningin. Dinaig pa niyang CCTV camera.

"Gwapaha jud nako uy." Rinig niyang bulalas ng dalaga.

(Translation: Ang ganda ko talaga.)

Napakunot ang noo niya. Ayan na naman ito sa salitang alien na hindi niya maintindihan. Napapailing na lang siya at dahan-dahang lumapit sa dalaga. Tumayo siya sa likuran nito dahilan para pati siya ay masali sa pagkuha nito ng litrato.

Nakita niya kung paano nanlaki ang mga mata ng dalaga habang nakatingin sa kuha nitong litrato sa cellphone. Lihim natawa na lang siya bago kumuha ng mug para magtimpla ng kape.

"Are you done?" Tanong niya sabay upo sa tabi ng dalaga.

"B-boss," nauutal na anas nito.

"Tsk! Give me some food to eat." Utos niya rito na agad naman nitong sinunod.

Tahimik na umiinom lang siya ng kape habang binabasa ang natanggap niyang text mula kay Roshan. Napapailing na lang siya sa text nito bago ibinaba ang hawak na mobile phone.

Pinipilit na naman siya nito na bilhin ang isang isla nito sa Palawan ang EL Nido. Ilang beses na niya itong tinanggihan pero sadyang makulit ito. Worst, ginawan na nito ng file of ownership na nakapangalan sa kaniya para hindi na siya makahindi.
Palibhasa ay abogado ito kaya madali lang sa kaniya ang pag file ng ownership.

Roshan is a cunning and wicked man in terms of business. Well, they are all the same.

Tsk!

"Kain ka na, boss," nakangiting saad ng dalaga.

Tiningnan niya ito. Naalala niya ang mga pinagsasabi nito kagabi habang tulog sa couch. Ipinilig na lang niya ang kaniyang ulo upang iwaglit sa isipan ang mga iyon.

"You can eat with me. Take your seat," aniya at nagsimula na siyang kumain.

Naramdaman pa niya itong nagdadalawang isip pero kalaunan ay naupo rin ito at sinabayan siya sa pagkain. Naparami pa ang kain niya dahil wala siyang agahan kanina. Hanggang sa matapos at umakyat siya sa taas para tawagan ang sekretarya niya na hindi siya papasok sa kompaniya ngayon.

Nang dumako ang hapon ay naligo siya upang puntahan ang makulit niyang kaibigan.

Roshan wants to meet him right now to discuss about the island. He has the right to refuse but inorder to shut his mouth, he made up his mind to buy the island.

Nang matapos maligo't magbihis ay bumaba siya dala ang wallet at susi ng kotse niya. Naabutan pa niya si Tryna na nakaupo sa couch at nanunuod ng Tv. Naramdaman ata ng dalagita ang presensiya kaya lumingon iti sa kaniya.

"May lakad ka, boss?" Tanong nito.

"Mmm. Do you want to come with me?" Balik tanong niya.

Mabilis na tumango ang dalaga na parang excited na sumama. Bakas ang tuwa sa mga mata nito habang in-off ang tv.

"Sasama ako, saan ba tayo pupunta?" Nakangiting tanong nito.

Naiiling nanatawa na lang siya. "Magbihis ka na muna, mamaya ka na magtanong." Sagot niya sabay upo sa couch.

ILS#3: His Possession With A Maid (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon