chapter VI

9.6K 278 17
                                    

HUMAHANGOS na inilapag ni Tryna ang mga pinamili nito sa ibabaw ng mesa sa loob ng kusina. Paano ba naman, galing siya sa merkado para bumili ng mga kakailanganin nila. Tapos nag-commute lang siya pauwi at binagtas niya lang ang layo ng main gate sa mansion ng amo niya dala ang mga pinamili kanina. Siya lang kasi ang namalengke dahil may lakad si Keen. May kikitain lang daw ang binata kaya siya naiwan sa mansion nito at naisipang mamalengke na lang.

Nang makapagpahinga na siya ay sinimulan niyang ayusin ang mga pinamili niya. Pagkatapos ay nagluto ng pananghalian. Wala naman siyang natanggap na text mula sa boss niya kung kaya't kumain na lang siya.

Dumako ang hapon at hindi pa siya tapos sa paglalaba ng mga damit ng boss niya. Matapos kasing mananghalian ay naisipan niyang maglaba dahil wala naman na siyang ibang gagawin pa. Akmang sasabunan na niya ang hawak na boxer ng makita niya ang desenyo niyon.

"Doraemon?" Inosenteng bulong niya.

Hindi niya akalaing mahilig pala sa Doraemon si Keen. Wala pa kasi siyang ibang alam tungkol sa binata bukod sa seaman at businessman ito. Mahilig sa ahas at ginawa pang pet.
Sa halos isang buwan na pananatili niya sa mansion kasama ang binata ay mangilan-ngilan lamang ang alam niya.

Napatigil lamang siya sa pagmumuni-muni nang may marinig siyang doorbell mula sa main gate. Tumayo siya at nagtungo sa gate na panay ang ingay.

"Sino naman kaya ito?" Takang tanong niya sa sarili.

Hindi naman niya masabing si Keen iyon dahil may sariling remote control ang boss niya para sa buong access nito sa mansion. Ang taray kasi ng boss niya, napaka-hitech ng mansion nito.

Nang makarating sa gate ay binuksan niya ang maliit na gate. Sumilip siya sa labas at nakita niya ang isang matangkad na babae na nakatalikod habang kinakalikot ang cellphone nito.

"Psstt!" Sitsit niya sa babae na agad namang lumingon sa kaniya.

Napamaang siya ng makita ang babae. Parang nakakita siya ng anghel na hinulog mula sa langit.

"Ang ganda mo naman," wala sa sariling bulalas niya.

Tiningnan siya ng babae mula upo hanggang paa. Kapag kuwan ay napataas ang kilay nitong lumapit sa kaniya habang nakangiwi.

"I know, right." Puno ng kompiyansang sagot ng babae.

Ngumiti siya rito at nilakihan ng bukas ang maliit na gate bago nagsalita. Hindi niya pinansin ang mataray na mukha nito.

"Sino ka po ba?" Magalang na tanong niya.

Pinasadahan na naman siya ng tingin ng babae at halatang parang pinandidirihan siya nito. Napatingin siya sa sarili at doon niya lang napansin na basa pala siya.

"I should be the one asking you that question," lintaya nito, "who are you? Why are you here? I am looking for Keen, so where is he?" Sunod-sunod na tanong nito.

Napakamot ng batok si Tryna sa panay english ng babae. Naintindihan naman niya kahit papaano ang tanong nito, kaya lang nakaka-nosebleed ito.

"Hey! Are you deaf?" Mataray ang boses na tanong ng babae nang hindi agad siya nakatugon sa mga tanong nito.

"Ito naman ang taray," bulong niya na halatang narinig ng babae dahil tinaliman siya nito ng mata.

Abah! Mukhang anghel na maldita ang nakaharap niya ngayon. Sayang ang ganda nito kung mataray at suplada naman pala ito. Naalala niya bigla ang payo ng kaibigan niyang si Mia. Napahinga siya ng malalim bago nagsalita.

"Unang-una sa lahat, Tryna ang pangalan ko. Pangalawa, nandito ako dahil katulong ako rito. Pangatlo, kung hinahanap mo si Sir Keen ay wala siya rito. Pang-apat, hindi ako bingi, okay?" Sagot niya sa mababang tono.

ILS#3: His Possession With A Maid (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon