Travis'
Mabilis na lumipas ang mga araw mula ng mapadaan ako sa isang abandonadong warehouse at tulungan ang sikat na si Tyronn Galvez.
Hindi ako makapaniwala sa pinagsasabi ng mga barkada niya na magkamukha daw kami.Eh panu mangyayari yun? Eh maputi at magandang lalaki ang isang yun.Malinis at kagalang-galang pa,eh ako? Para lang akong basahan nu?
"Anak! Baba ka muna ang tatay mo!"sigaw ni nanay.
Dali dali naman akong bumaba.
"Nay anong nangyari?"agad kong tanong kay nanay.
"Tumawag ang isang katrabaho niya isinugod daw sa ospital.Nawalan daw ng malay sa site."sabi ni nanay habang puno ng pag-aalala ang kanyang mukha.
Agad kaming sumugod sa ospital kung saan dinala ang tatay.Pagkarating namin ay agad naman naming hinanap ang kwarto ni tatay.
Nang makita namin ay agad naming nilapitan ang doktor.
"Doc,kumusta na po ang lagay ng tatay ko?"tanong ko.
"Base sa obserbasyon namin ay stable na sya.Tumaas lamang ang kanyang dugo kaya nawalan ng malay."sabi ng doktor.
"Ganoon po ba? Maraming salamat po."
"Heto nga pala ang mga gamot na dapat niyang inumin.Dapat iwasan na nya ang magtrabaho dahil may edad na siya.Kinakailangan niya rin ng pahinga at huwag pagurin."sabi niya at inabot ang reseta ng mga gamot.
Kinuha ko naman iyon at agad na pumunta sa kwarto ni itay.
"Anak kumusta daw ang lagay ng tatay mo?" nag-aalalang tanong ni inay.
"Maayos na daw po ang lagay niya.Tumaas daw po ang presyon ng dugo."
"Sabi ko naman kasi sa tatay mo ay huwag ng magtrabaho dahil nga may edad na at tumulong na lamang sa akin sa paggawa ng mga basahan."sabi ni inay habang hawak ang kamay ni itay na mahimbing na natutulog.
"Hayaan nyo po nay,paglabas na paglabas ni tatay dito ay hindi na siya pwedeng magtrabaho.Ako na lang po ang gagawa noon."sabi ko kay nanay at nagpaalam upang bumili ng gamot sa botika.
*********
Pagdating ko sa botika ay agad kong iniabot sa tao roon ang reseta.
Ilang minuto lang ay bumalik naman ang babae at inilahad sa akin ang mga gamot na nakalagay sa reseta.
"P 350.00 po lahat."
"Heto ang bayad."sabi ko at dumiretso agad sa kwarto ng aking itay.
Bubuksan ko pa lamang ang pinto ay narinig ko nang may kausap si inay.
"Maam ito na po ang bill na babayaran nyo."sabi ng nurse at iniabot ang listahan ng bayarin.
"Maraming salamat po."sabi ni inay.
Pumasok naman kaagad ako sa kuwarto at ipinatong ang biniling gamot sa side table ng higaan ng itay.Nakita kong medyo nakakunot ang noo ng inay at waring namomroblema ang kanyang ekspresyon.
Nilapitan ko siya at kinuha ang listahan ng babayaran.Nanlaki na lamang ang mga mata ko ng makita kung magkano ang babayaran namin.Kaya siguro ganun na lang ekspresyon ng inay.
Noon ko lang din napagtanto na sa isang pribadong ospital pala naka admit ang itay.Mukhang kailangan ko ng maghanap ngayon ng trabaho o kaya ay bumale muna para mailabas ang itay dito sa ospital. Ayokong nakikitang nahihirapan sila.Kaya't dali dali akong nagpaalam kay inay at nagsimula ng magpunta sa boss ko sa isang repair shop.
"Boss baka naman pwede akong bumale muna.Kailangan lang po kasi ng tatay ko.Para lang mailabas namin ng ospital."sabi ko sa tonong sinsero.
"Boy eh magkano ba ang balak mong balehin?"tanong ni Mang Carding.
"10,000 ho sana"sambit ko sa medyo nahihiyang boses. Pero kailangan ko ito ngayon at dapat kapalan ko na mukha ko dahil para naman ito sa itay ko.
"Eh boy kung ganun kalaki baka wala ka ng sahurin sa loob ng isang buwan? Ayos lang sayo?" tanong niya na may pag aalala.
Napag isipan ko na rin yan. Kaso ang mahalaga ay mailabas ko muna ng ospital ang tatay.Dahil baka lalong lumaki ang babayaran sa ospital.Madali namang humanap ng iba pang raket diyan.
"Ayos lang po iyon. Ang mahalaga po kasi sa ngayon ay mailabas ko muna ang itay ko.Baka ho kasi lumaki pa ang babayaran kapag nagtagal pa doon."sabi ko naman.
Naging maayos naman ang naging usapan namin ni Mang Carding.Ibinigay din niya agad ang binale ko.Masaya akong nagtungo pabalik sa ospital.
Papasok pa lamang ako ng silid ay nakita kong medyo nakabukas ang pinto nito at may narinig akong nag uusap.Ang inay at ang itay.
"Lukas hindi ka na kasi dapat nagtatrabaho alam mo naman ang kondisyon mo."sabi ng nanay.
"Alam mo Nena ayos lang ako.Dala lang siguro to ng init ng panahon. Ang init kasi sobra kanina sa site eh."sabi naman ng itay.
Ngunit eto ang mas kinagulat ko.
"Nena tandaan mo ayoko namang laging nalang si Travis ang nahihirapan.Di na nga natin siya napag aral dahil maagang nagbanat ng buto.Kaya nga kapag alam kong kaya ko pa ay magtatrabaho ako.Alam mong di natin siya tunay na anak at ayokong mahirapan siya na buhayin ang mga taong may kasalanan sa kamiserablehan sa buhay niya."sabi ng itay.
Dahil sa mga narinig ko ay napagpasyahan kong wag munag pumasok doon.Bagkus ay nagpunta ako sa information at nagtanong kung saan pwedeng i-settle ang bill.
Habang nasa malalim akong pag iisip ay di ko sinasadyang mabunggo ang isang lalaki.Dahil na rin sa nakayuko ako ay humingi nalang ako ng pasensya at di na inabalang tingnan pa kung sino iyon.
Nang akmang aalis na ako ay nagulat ako ng tawagin ang pangalan ko at agad ko iyong nilingon.
"Laurent.."
***
Tyronn's"Pare tingnan mo nga ang sarili mo?"agad na bulalas ni Warren.
"Oh bakit ?" walang gana kong tugon.
"Pare seryoso ka ba ? Maglileave ka talaga ng anim na buwan ?! " histerical niyang tanong.
" Oh anong problema don ?" sabi ko.
"Siyempre pare ako na naman ang mag aasikaso sa isang katerbang mga problema sa opisina mo." nanlulumo nitong tugon.
"Ayaw mo nun ,bossing na bossing ang datingan mo ." mapang asar kong sagot at lumabas ito sa pinto na nakasimangot.
Alam ko naman kasing mapagkakatiwalaan talaga itong si Warren. Siya ang kanang kamay ko sa Galvez Inc. Ang kompanyang ipinamana sa akin ng aking yumaong amang si Truston Galvez.Alam ko rin naman na may pamilya itong ayaw niyang nawawaglit sa kanyang paningin kaya asar na asar ito sa tuwing nabubugbog ako at siya ang umaattend ng mga importante kong meetings.
Siyempre ,nakakahiya kaya kung dadalo ako ng meetings na pasa pasa ang mukha no ? Pero siyempre niloloko ko lang siya. Temporary lang ito at may naisip akong mas magandang ideya.
***Galvez Inc.***
"Goodmorning Sir !."
Pagbati ng aking mga tauhan. Halatang may gulat sa kanilang mga mukha. Napangisi na lamang ako.
Mukhang magiging masaya ito .
BINABASA MO ANG
Exchange Worlds (on-going)
RomanceWhat if nandun kana sa perpektong mundong ginagalawan mo? Kumbaga masasabing nasa 'yo na ang lahat... Pero may isang bagay na siyang biglang nagpabago ng lahat. At kinakailangan mong makipagpalit? Kakayanin mo ba? O Mananatili na lang sa perpekto m...