Chapter Fourteen

8.7K 153 3
                                    

Chapter Fourteen.

Nix's POV

“Pero gusto ko.. Hayaan mo na lang akong mag hintay kahit na alam kong wala na akong iniintay pa..”

“Tama na, please.. Wag mo na akong intayin.. yun na lang hinihiling ko..”

“I love you.. I’m sorry Athena, Bye..”

"WAAAAAAAAA!!!! HUHU TToTT Ayoko na!!! HUHU." kanina pa ako halos iyak ng iyak dahil sa binabasa ko. 

BAKIT KA KASI GANYAN KENJI? WAAAHUHUHU :'( Kawawa naman si Athena.. 

"Hoy? Hala... Bakit ka umiiyak dyan? Huy? Anong nangyari sayo?" biglang sumulpot galing sa kung saan 'tong si Sean, ewan pero bigla ko na lang syang niyakap.

"Hindi mo ko iiwan para sa iba tulad ng ginawa ni Kenji diba? Hindi diba? Ayoko maramdaman yung naramdaman ni Athena, huhu." bumitiw naman sya sa yakap ko sakanya saka hinawakan ako sa magkabilang braso. Tas tinignan nya ako nang nakakunot ang noo.

"Sino ba yang Kenji at Athena na yan? School mate ba natin? Kaibigan mo? Imaginary friends? Ano? Sino ba sila? Saka ano na naman ba kasi yang pinagiisip mo para kang ewan  dyan! -__-" 

EEHH! Kasalanan ko bang maging apektado dun sa scene nila, dito sa binabasa ko. Ang hirap eh Huhuhu. Feeling ko magkakasakit din ako sa puso eh! 

"Mga characters sila sa isang story, sila yung dalawang bida. Ang gwapo nga ni Kenji eh.---aray ah!" bigla ba naman kasi akong pinitik sa noo nung sinabi kong gwapo si Kenji. 

"Pano mo nasabing gwapo eh di mo pa nga nakikita? Tsk. Bahala ka dyan, uuwi na ako oy! maaga pa tayo bukas, papasok na tayo!" 

"Ehh. Bakit ang sungit mo saken? :(" pansin ko lang kasi, walang my heart yung tawag nya  saken, puro oy lang, tapos iritable pa. Ano bang problema nito? 

WAAAAA!! Ayoko po matulad kami kila Kenji at Athena. Waaaa. T_T 

"Wala. Sige na uwi na ako! Matulog ka na, basa ka ng basa dyan ng kung ano ano, di mo namalayan wala ka ng mga kasama dito." oo nga noh? Ngayon ko lang din napansin, wala na pala sila? Kasi pagkatapos namin maglaro kanina umakyat ako dito sa kwarto at nagbasa na lang, tinamad na kasi akong bumaba eh. 

His 200 Pound Girlfriend (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon